♀♀ Chapter 25

2.7K 27 9
                                    

♀♀ Chapter 25: ANDROID VS. APPLE PART 2

"Wag ka kasing magkumpara. Accept mo kung anong meron ka. Ang Apple iba sa Android, iba din sa Blackberry"-Aya

✉Thankyou sa mga nagcomment nung nakaraan kahit walang sumakay sa trip kong ADvsAP hahaha:D nakakataba ng pusong malaman na inaabangan niyo talaga ang pag uupdate ko

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==

DAWN's POV

Maaga akong nagising kanina, tumayo ako at nakitang handa na ang breakfast at lahat ng gagamitin ko sa boong araw. Simula sa tsinelas ko pagbangon ko sa kama, damit at undies ko papasok sa trabaho, pagkakainan , tubig at isang tasa ng milo-all set!

"Goodmorning beb" masaya niyang bati sa akin. "Anong oras out mo mamaya? Date tayo!"

Bago pa ako makasagot, lumabas si Shine mula sa kwarto niya at dumiretso sa dining area.

"Anong oras pasok mo?" tanong niya kay Shine

"Off ko. Bakit?"

"Wala lang, magdadate kasi kami ni Dawn"

"So?" umnnn! Yan tablado ka nanaman. Akmang kakagat ng pandesal si Shine ng pinigilan ni Belle ang kamay nito

"Kay Dawn yan" nakangiting sabi ni Belle

"Wala namang pangalan eh" binaba niya yung pandesal sa plato ko.

Tumalikod si Belle at pumunta ng kusina habang sinasabing "Magagabihan kami ng uwi ah" blablablabla

"Wala akong paki" pabulong na sabi ni Shine, umupo pa siya sa tabi ko nun. Masama talaga yung tingin niya sa pandesal kaya pagtalikod ni Belle eh kinuha at kinagatan niya ito.

<.< "Masarap?" natatawa-tawa akong tanong sakanya. "Patikim~" akmang kukunin ko sakanya, ng nilayo niya ito sa akin.

"Wag ka na"

"Sa akin kaya yan"

"Monthsary niyo ba?"

"Hindi. Tapos na monthsary namin bakit?"

"Feeling ko magpropropose sa iyo yang si Belle. Baka mabilaukan ka pag kinain mo pa to."

"Oh eh bakit mo kinain kung yan ang feeling mo?"

"Ayaw ko nga!"

Pagsabi niya ng ayaw ko nga eh bigla niyang sinalpak yung pandesal sa bunganga ko, bumungad naman sa amin si Belle at sakto lang na nakita niyang nakasubo sa akin yung ¼ ng clubhouse na pandesal na ginawa niya.

Bumukas ang pinto at napatingin kaming lahat.

Dandanendanen!~

"AYAAAAAAAAAAAAAAAA~!!!" sigaw ni Shine at agad yumakap sa kaibigan.

Akala mo ang sweet ng ngyari, pagtapos nilang magyakap tinulak niya ng napakalakas si Aya at sinabing "Antagal mo nawala! Tapos malalaman ko na lang may girlfriend ka! Aba, aba, aba!"

"Teka nga timepurs lang! kakarating ko lang ganyan na agad"

"Pasalubong ko ha??! Nag business trip ka ba talaga o nakipagtanan ka??? Tenetex kita walang reply, tinatawagan kita hindi ka nasagot!"

IF ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon