♀♀ Chapter 14

3.5K 46 5
                                    

♀♀ Chapter 14: SCRAPBOOK

Enjoy the moment, freeze it, capture it. People change, Memories don't

✉Thankyou po sa mga patuloy na nagaabang at bomoboto ng IF ONLY. At sa mga nagcocomment, sa inyo lang po ako kumukuha ng inspirasyon. ;)

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==

SUNSHINE's POV

Hindi ko alam kung pinagkaitan ba ako ng Diyos magkaboyfriend oh pinili ko talagang maging ganito. May mga nagkakagusto naman sa aking lalaki kaso nga lang wala sakanila ang naglevel up sa nararamdaman ko.

Six years, ganoon katagal ko minahal si Dawn. Kaya siguro kahit napakapoging lalaki pa ang pumunta sa harapan ko, hindi ko siya pinagpalit kahit kanino.

"Sunshine, salamat ulet ha."

"Wala pa ngang dinner na nangyayare maka-pasalamat ka naman dyan"

"Bukas ng gabi ha! Wag mo na kami iindianin! Ikaw pa naman may lahi kang pag-ka-Pucha-hontas!"

"Gaga! Hahaha Anong Pucha-hontas ha?? Tignan mo nga yung binili mong dress sa kin oh! Baskil na! paano pa to bukas ha??"

"Malay ko bang baskil ka pala"

"Nyenyenye. Oh sige na, maaga pa ako bukas!"

"Sunshine ha!"

"Oo na nga Stepehenie!"

"Che! Brutus!"

Sa tuwing nagkakagusto kasi ako sa lalaki kung hindi taken, taken! Hahaha ano daw? Nasaan na kaya yung matitinong lalaki?

Siguro tulad na rin sila ni Stephen ngayon.

Nilabhan ko saglit yung dress na bigay niya at sinampay. Wala ako maisusuot bukas na dress maliban dito.

Pagkatapos ko magshower at nagbihis tumambay ako sa sala dala-dala yung notebooks at libro ko. Kailangan ko na simulan ang pagbabasa-basa.

"Oy Shine, matulog ka na gabi na."

"Aya, nandyan ka na pala"

"Anong oras na kaya. Malamang nandito na ako"

"Ahh okay" antaray nanaman niya. ayaw ko siya sabayan sa moodswing niya.

"Ano yang binabasa mo?"

"Libro"

"Sabi ko ano yang binabasa mo, hindi saan ka nagbabasa"

"Aya, pag sinabi mong SAAN ang sagot dun dito sa sala."

"Haay bahala ka na nga dyan! Wag ka masyadong magpakapuyat baka pumangit ka sa paningin ng MGA nagkakagusot sayo!"

"Anong problema mo? tsaka anong gusot??"

"I mean, gusto!"

"Pinagpuputok ba ng buchi mo ha? May buchi dyan sa ref salubong ni Belle kanina galing daw kasi siyang Chowking."

Pumunta siya sa ref para tignan

"Buti pa si Belle may salubong. Yung isa dyan, nakipag-date wala man lang dala"

"Ayun ang pinaghihimutok mo dyan ha!"

Hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa kinakaupuan ko. Paggising ko, naligo na ako agad at pumasok sa ospital.

IF ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon