♀♀ Chapter 41: CLOSURE
“I just love you in a different way now”-Marco Starting Over Again
✉:’) …
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
✎SUNSHINE’s POV
Pinakawalan ko ang isang napakalalim na buntong hininga. Bakit ba hindi ko siya malimutan? What’s holding me back? Yung pangako niya sa akin? Alam ko naman Lord na ang promise at forever nag lalast lang yan as long as mahal niyo ang isa’t-isa. Pag nagbago na, pag nawala na, pag naubos na… at pagnakahanap na siya ng iba… sa iba na niya tutuparin ang pangakong iyon.
Bakit ba kasi ako naniniwala sa First love never dies? Bakit ba ako naniniwala na hanggang dulo magiging kami? Sigurado ka ba na siya na? Sigurado ka ba? Bago mo isipin yan sagutin mo muna ang tanong kung handa ka na ba maging bi at handa ka na ba panindigan ang magmahal ng tulad mo babae.
Bakit ba lagi ko na lang tinatanong ang sarili ko? paulit-ulit… nakakapagod na.
Haay sana magkaroon ako ng taong makakausap na makakapagpa-liwanag ng isipan ko.
Papasok na ako sa appartment nun ng makita ko si Dawn na nakatambay sa garden. Nilapitan ko siya. Nakatingin siya sa buwan na parang kinakausap ito sakanyang isipan. Napatingin siya sa akin. Tingin na nangungusap.
“Bakit mag-isa ka lang? Nasaan si Belle?”
Umuwi sakanila” mahinahon at kalmado niyang sagot. Umupo ako sa tabi niya at pabirong sinabi Pag wala ang girlfriend, dun nakakainom nu?”
Nginitian niya lang ako. Kumuha ako ng beer sa tabi niya at binuksan ito. “Bakit mag-isa ka lang? Nasaan si Aya?”
“May business trip daw. Nagpaalam pa nga siya sa akin kanina bago nagflight”
“Ahh tenex ka?”
“Hindi. Pinuntahan niya ako sa hospital.”
“Ahh… answeet.” May lungkot sa boses niya. Bawat salita niya parang may kurot pero hindi ko alam kung ano ang hugot. “Si Macky nga pala?”
“Si Macky? … matagal na kaming wala.”
“Ahh… anong ngyare?”
“Eh kasi… hindi ko na siya mahal eh”
BINABASA MO ANG
IF ONLY
Ficción General♀♥♀Tungkol ito sa dalawang taong mas piniling magmove on na lang at harapin ang kasalukuyan. Tungkol sa dalawang taong mas piniling wag ng lumingon sa nakaraan, at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala na ang isa't-isa. Tungkol ito sa mga taong takot...