♀♀ Chapter 25: ANDROID VS. APPLE PART 1
"Pag nakaexperience ka ng apple, mahirap na pag nag android ka. Hindi mo maiiwasan magkumpara"-Sunshine
✉Happy New Year! Thakyou kasi bago natapos yung taon eh naka 100 followers na po ako :D weeeeeeeh! Sana maging active kayo at magcomment naman dyan hahaha di ko alam kung ano na naiisip niyo sa sinusulat ko eh. Naappreciate ko nga pala yung mga nagcocomment at nagppm sakin hindi ko nga lang narereplyan lahat. Alam niyo ba na ginagahan ako magupdate sa bawat nababasa kong comment :3 kaso nga lang hehe laging pagod sa trabaho
@Gabhryel- bakit ka naman naiyak? SHAREEEEE!
@ G2BAmbrosia907-ano ba yung wish mo na hindi natupad? :D it's either hindi pa ngayon o baka naman may mas magandang plan for you si Lord na naghihintay
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==
✎SUNSHINE's POV
"Sunshine, pwede ka ba mag over time ngayon? Kailangan ko kasi mag early out eh"
Madali lang ako kausap, kahit na ayaw ko ... bibihira lang ako tumanggi sa mga favour. Ewan ko, mabilis kasi ako maguilty.
"Ahh okay sige po"
"Ang bait mo talaga, Shine!"
Napatingin ako sa orasan ko, saglit lang naman yung pinakiusap niya. Sana naman okay lang kay Macky yun.
Matagal na ang lumipas nung huli naming kita ni Macky. Wala siyang trabaho pero madalas tumutulong siya sa negosyo nila.
★ K I N A G A B I H A N ★
Late na ako nakaout, dumerecho na ako sa mall na pagkakakitaan namin. Hayun siya nakatayo at mukhang timang ang itsura. Mataba siya, matangkad, double chin. Kung paano ko denescribe si Bella nuon, ganoon ko din idedescribe si Macky sa inyo ngayon. Ang kabaliktaran ko.
"Dre, nandyan ka na pala. Tara kain na tayo!"
Walang ka-attract attract sa physical attribute niya. Pero masarap siya kasama.
"Ang taba mo talaga!"
"Wow ha! Tagal nating hindi nagkita tapos yan pa ibubungad mo sa akin
Hindi kasi siya pikon. : ) kaya bagay na bagay kami.
"Dre anong gagawin natin?"
"Kakain"
"Bukod dun?"
"Ano ba gusto mo gawin? hmnnn ikaw ha hahahaha"
"Pwede rin.. ;) matagal ko na iniintay yan eh"
"Kadiri ka! Pakasalan mo muna ako"
"Tara na!"
"Maghanap ka muna ng trabaho! Paano mo ko bubuhayin ha??"
"Magsisine tayo?" biglang pagbago niya sa usapan
Kain-sine-lakad-uwi. Lagi na lang ganyan ang routine namin. Wala man lang bago? Wala man lang flowers o kaya teddy bear na binibigay sa akin? Wala man lang surprises. Hindi naman ako assumera o nageexpect... pero sana naman... para lang maignite yung relasyon namin diba?
Kahit paminsan lang.
Lagi na lang ako nag-iisip ng gagawin namin.
Masaya akong kasama siya. Pero kulang. Kulang ng salitang KILIG at sa ROMANSA. Ay? Ano daw? Hahaha iba ata yung romansa, kulang sa pagiging ROMANTIC.
BINABASA MO ANG
IF ONLY
General Fiction♀♥♀Tungkol ito sa dalawang taong mas piniling magmove on na lang at harapin ang kasalukuyan. Tungkol sa dalawang taong mas piniling wag ng lumingon sa nakaraan, at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala na ang isa't-isa. Tungkol ito sa mga taong takot...