♀♀ Chapter 49.2

828 28 4
                                    

♀♀ Chapter 49.2

"Don't be afraid to start over. It is a new chance to rebuild thigs. This time better. The way you want it"

♀♀ Chapter 49: LET GO, LET GOD

✉Thankyou sa matyagang pag-aantay. Nagpareformat ako ng laptop kaya medyo mag-iiba yung format ng pagsulat ko hehe pasensya na pows

Dedicated to sa iyo kasi antagal mong hinintay ang update ko ;)

______________________________________________________________________________

S U N S H I N E ' s POV

Matagal akong napatulala sa kawalan hawak ang labing hinalikan ni Aya.Tama ba ang ngyare? Sinagot ko na siya. Kami na! Hindi ko inaasahan ang lahat. Hindi ko inakala, na minsan pala kayang solusyunan o kayang maging kasagutan ang isang trahedya. Hindi man maganda ang ngyare, nagkaroon naman ng magandang bunga.

Ito na nga kaya ang pagbabago? Ito na ba yung hinihiling ko sa Iyong pangalawang pagkakataon para bumawi sa mga naging pagkukulang ko noon bilang girlfriend? Sa paglalakad ko ay naalala ko ang gabing naghanda ako para sagutin si Aya

Paano kung isang araw bumaliktad ang lahat? Yung matagal mo na palang pinapangarap kaya hindi mapa sa iyo, ay hindi talaga para sa iyo? Paano kung dumating lang pala siya sa iyo para ...

Napatigil ako sa paglalakad, maging ang isip ko sa kakadikta sa aking puso. Binalot ng kadiliman ang kapaligiran maliban sa napakaliit na ilaw na matatanaw mula sa loob ng aming apartment. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at siya ang nakita ko.

Si Dawn.

Halatang kasisindi lang niya ng kandila, agad siyang napatingin sa akin saka napangiti. "Hindi na natin naasikaso yung mga bills sa bahay"

Yung ngiting yun...

Paano kung dumating lang pala siya sa iyo para turuan kang magmahal? Turuan lang at hindi samahan.

"Nandito ka na pala" biglang labas ni Aya mula sa silid. Turuan lang at hindi samahan, hayaang mabuhay sa ibang direksyon... sa piling ng iba. Sa paglapit ni Aya ay nakita ko siyang nagpaalam saka kinuha ang kanyang gitara.

Napatingin ako sakanyang likod. "Bakit?" ani niya. "Baka kasi may dala kang fire extinguisher" pagbibiro ko na lang. "Oo, meron!" sabay ihip niya sa kandila. "Aya!" mahinang dinamba ko ang dibib niya. Sinalo niya ako ng yakap at muli naramdaman ko ang hinga niya sa aking leeg. "Oooopss! Aya, hindi pa ako handa sa ganyang eksena" at mahina kung narinig ang tawa niya sa aking tainga. Binuksan niya ang flash light sa gitna naming dalawa.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

D A W N ' S POV

Muli kong hinarap ang madla, ramdam ko ang pagtapak at pagtungtong ng aking kaliwang paa sa tapakan ng isang mataas na upuan. Ang nag-iisang ilaw na nakatapat sa akin sa kadiliman ng lugar, tila ba nakiki-isa sa sakit na di mawaring aking nararamdaman. Sa tinagal kong binitawan ang pagigitara mayroon parin yung kakaibang pakiramdam na nakakabawas ng bigat sa puso sa bawat pagkumpas ko nito.

I can still remember yesterday, we were so in love in special way. Bawat salita, ramdam ko talaga.

And knowing that your love made me feel oh so right. Bakit ba ngayon ko lang naramdaman itong ganitong sakit?

IF ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon