Chapter 2 - The Annoying Transfer Student

2.8K 45 11
                                    

Nathalie's POV

''Wag po, wag nyo pong papatayin ang mama ko, wag po!''

"Mama!''                             

''Krrrrngggggggg...

krnnnnggg''

  

Ang sigaw ko sabay ng biglang pag-upo, gulat ko at pag-alarm ng alarm clock ko. Hay, hanggang ngayon ba naman naalala ko pa ang nangyari noon... Pero natatakot ako.

Tingin sa alarm clock, anong oras na ba? Ayyyy, alas-singko pa lang naman maaga pa. Ay, makabangon na nga.

Bumangon ako at naghanda na ng almusal at susuotin ko, binuksan ko rin ang TV para hindi boring. Hmmmmm... anong palabas kaya, lipat-lipat ng channel, boom! sakto, Black Butler ang palabas sa Animax.

Nakabukas lang ang TV habang naghahanda ako. Hay, parang tinatamad ako pumasok ah, ang gusto ko ay manood lang ng anime maghapon at matulog hay kung pwede lang...

 Nandito na ako sa classroom, nakaupo sa upuan ko at swerte walang nanggugulo sa akin ngayon, makapagbasa na nga lang ng manga.

''Boggssh.''                                                    

 ''Awwww.''

Ang tunog na narinig at pagsigaw ko, paano ba naman, nakaupo ako, tahimik na nagbabasa ng manga, bigla ba namang hinila ang upuan ko, dahilan para mapaupo ako sa sahig at pagkalapag sa sahig ng upuan ko, yung backward force ba ganun.

''Hahahahahaha!'' tawanan nung mga kaklase ko...

Tumayo na lang ako at inayos ang mga gamit ko. Nung itatayo  ko na ang upuan ko eh, biglang may pumigil.

"Masakit ba ha? hahaha.'' tae, ay hindi.

Ubod lakas kong hinila ang upuan at inayos. Saka kinausap si Mr. Bwisit.

"Oh, di pa ba kayo sawa sa pantrip sa akin parati, nananahimik ako ri--'' Di na natuloy ang sasabihin ko kasi biglang ba naman akong hinawakan sa braso at inihagis sa likuran. Walang sabi-sabing tumayo ako at nagpagpag. May konting dugo na lumabas sa labi ko. Kahit puno na, wag papatol.. wag.

"Hmmmn, anong kailangan mo Mr. Gonzales? ang sakit nun ah, ganyan ba ang tamang pagbati nang Good morning?'' kalmadong tanong ko sa kanya sabay ngiti.

"Tch.'' at umalis na sila. wala pa lang kailangan eh nanggugulo, bully?

Umupo na lang ako ulit at pumasok na ang teacher.

''Good Morning class.'' sabi ni ma'am.

''Good Morning Ms. Gretell.'' sabi namin sabay pagtayo.

"Please be seated.''- ma'am

''Thank you.'' sabi namin at umupo na.

''Class, meet your new classmate, Mr. Manalo please come in.''

At pumasok si new classmate, Manalo... Manalo Manalo alam ko may kilala o nabasa akong ganun at oo nga yung ID anong?! at tumingin ako sa kanya, kamukha nya yung nasa ID whaaa.

''Mr. Manalo, please introduce yourself to them.'' sabi ni maám dun kay Manalo.

''Ok ma'am.''sagot naman nito.

''Good Morning classmates, I'm Kendrick Manalo, Just call me Ken. 13 year old, Human and I'm an  ANIME HATER, you know, I hate anime, di  ko na sasabihin kung bakit, sana lahat ay maging kaibigan ko at mabait sa akin, nice to meet you all.'' pagkasabi niyon ang isang napakalapad na ngiti at pagyuko.

Ms. Anime Lover vs. Mr. Anime HaterWhere stories live. Discover now