Chapter 17 - Sleep Over

1K 22 6
                                    

Noche Buena mamayang gabi. uuwi kaya si papa? Sasamahan kaya ako ni kuya.? mabuti pang wag na umasa. As usual, ise-celebrate ko to mag-isa... Huh? Mag-isa!? With my TV, manga and laptop, happy na! Kasama ko rin pala ang asawa kong si Sebastian Michaelis hahahah XD!

Punta na lang siguro muna ako sa market, bibili ng pang-noche buena at mga regalo sa mall. Hoy kahit grade 7 pa lang ako, marunong na ako sa mga gawaing bahay no! :P Magluto, maglaba, maghugas ng plato at kung ano-ano pa.

 Market.

Nandito ako ngayon sa puregold, naglibot0libot ako. Kumuha ako ng Isang Keso de Bola dun, Pasta, Sauce ng Spaghetti, Mga Junkfoods, 2 coke na malaki yung 2 litrre, 3 kilo ng baboy, 3 kilo ng manok, mga prutas, biscuit at kung ano ano pa.

Andito na ako sa counter. Binabayaran ang mga pinamili ko, ang dami pala nito, mga 4 na karton.    -_- Paano ko bubuhatin to ngayon.

"Huy!!!" 

"Ay kalabaw!" 

Yan na ng nasabi ko dun sa biglang bumulaga at nanggulat, si Kendrick lang pala.

"Andami nyang pinamili mo ah? Para san yan?" Tanong nya sa akin. 

"Ah, pang noche buena ko tong mga ito, Take note, ako lang, ikaw may kasama ka ba sa bahay niyo? punong-puno din yang cart mo." Sabi ko sa kanya.

"Ah oo, ako lang din mag-isa sa bahay, eto namili na pang stock at para mamaya. Ang sad naman di natin kasama family natin." sabi nya na lumunkot ang mukha.

"Di ako ganun kagaling sa pagluluto pero pwedeng pagtyagaan, would you mind na sa amin na mag noche buena para naman may kasama ako? Ano tulong-tulong tayo sleep over ka na din, nakakalungkot mag-isa, christmas pa tom." Sabi ko naman. Her face lightens, ow thats cute ^_^

"Sige total ikaw nagyaya! Hahahaha! Movie Marathon na din tayo yung horror para masaya?!" Sabi nya ^_^

"Sige"

Yun nga at hinintay ko na syang makapagbayad dun. Hinatid na lang nya muna yung ma pinamili nya, sabi ko magdala sya ng konti nun dito at dito na kami magluto, pinapunta ko sya rito mga 5 na, 3pm pa lang naman kaya liwaliw muna. Inayos ko yung mga pinamili ko then nahiga ako sa sofa ulit then nakatulog na pala ako...

 Ding Dong.

Ding Dong. 

May nag-doorbell. Alam ko sira yung doorbell namin kaya sinasabihan ko ang lahat na tumawag na lang dun sa may gate. 

''Sandali lang!" Sigaw ko dun at naglakad na papuntang gate. Pagkabukas ko ng gate...

"Nathalie!" Nakatayong diretso nun at nakangiti, ako medyo haggard na humarap na haha.

"Oh? Ano pasok na." sabi ko sa kanya, pero mukhang may mga kasama siya.

"Nathalie eh kami? Hahahahaha!" Yun sina Renziel, Ren, Marky, Dave, tumawa-ng tumawa.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanila.

"Syempre, makikinoche buena sa yo! Nakakalungkot sa bahay eh, mag-isa lang ako dun, sila rin, saka ano ba ito!? Bat siya andito rin?" tanong ni Renziel sa akin sabay pout sabay tingin kay Kendrick.

"I Invited him, forever alone din kasi sa bahay nya yan, so dito tayong mga forever Alone sama-sama, he also offered to help me to cook," sabi ko sa kanya, tumango na lang at pumasok na kami sa loob bahay.

Ms. Anime Lover vs. Mr. Anime HaterWhere stories live. Discover now