<Ei Mallari's POV>
"What to do?" tanong ko sa sarili ko...
Nakita ko kasi si ... 'MANIAC TOM' na naglalakad sa gitna ng ulan. Take Note! Umiiyak siya... (T.T) at mas lalong ikinagulat ko... eh nung humiga siya sa gitna ng daan without even thinking na baka ma-rape o masagasaan siya!!!
Nakaramdam ako ng awa sa kanya... ano kayang nangyari?
Nilapitan ko siya at nakita kong nakapikit siya habang umiiyak. Pinayungan ko siya at napagdesisyunan ko na rin na iwan na lang sa kanya yung payong ko. Basa na rin naman ako kaya uuwi na lang ako ng ganito. Gusto ko rin kasing maligo sa ulan since ... matagal-tagal na nung huli kong ginawa yon. (*-*)
Hahakbang na sana ako palayo nang maramdaman ko na lang na tumayo yung lalaki... ah! Este tomboy at sunod ang pagyakap niya saken.
Pahigpit ng pahigpit yung yakap niya! (+.+) Her embrace made me speechless at the same time motionless but not senseless kaya ramdam ko yung tindi ng sakit na nararamdaman niya... (-w-)
Bumalik lang ata yung ulirat ko noong maramdaman ko yung palakas ng palakas na paghikbi niya.
"H-hey! Get away from me!" tinulak ko siya palayo. "D-dalawang beses mo na akong minama---" hindi ko na naituloy pa yung sasabihin ko nang bigla niya nanaman akong niyakap. ○___________○ siyempre!... nagulat ako!! Pero nagawa ko pa ring magpumiglas pero hinigpitan niya yung pagkakayakap niya sakin at bigla siyang bumulong...
"Please... let me do this... even just for a second, Wala naman akong gagawing masama sayo... I just need someone" =_____________=
Napatango na lang ako, hindi ko man alam kung bakit... pero parang kahit papano naman ay naiintindihan ko siya. Hinayaan ko na lang siya tutal sabi niya "WALA naman siyang gagawin saking masama eh"
After 2 minutes I think... eh kumalas na siya sa pagkakayakap saken.
"Sabi mo seconds lang...? bakit tumagal ng two minutes!?" reklamo ko sabay irap sa kanya.
"120 seconds lang yun!" sabi niya, with her tone eh mahahalata mo talaga na medyo um-okay na yung pakiramdam niya.
"Tara!" biglang sabi niya.
"Huh!? Saan?" tanong ko.
"Meryenda muna tayo ng noodles sa 7eleven" hinawakan niya ako sa fist ko at hinila papunta sa malapit na 7eleven sa dulo ng kanto.
Ba't ba ako sumasama sa kanya?? Eh di ba TOMBOY siya!?!? Hala! Baka mapagkamalan akong TIBO!!!
- - - - - -
Sa labas ng 7elven kami kumakain kasi basang-basa kami.
"Pansin ko lang... kanina ka pa tingin ng tingin saken ah!" walang-hiya kong tanong sa kanya.
Kanina pa kasi niya ako tinitignan habang kumakain ako ng noodles... eh ang awkward kaya sa pakiramdam!!!
"Ahhmm... sa SHE Academy ka din nag-aaral di ba?" tanong niya.
"Oo, bakit? Halata naman di ba..." tapos tinuro ko yung uniform na suot ko.
"Kasi... I have this feeling na parang nagkita na tayo dati eh..."
Shunga ba siya o talagang nagiging gurang lang!?!? Hina naman ng memory niya! Nakalimutan na ba niyang ako yung babaeng hinugot niya noong first day!? Buset!
"A-a-ahh! N-no! Hindi pa tayo nagkita dati! N-new student lang kasi ako... pero baka nadadaanan lang natin ang isa't-isa sa corridor kaya medyo familiar..." sabi ko na lang, ayoko rin naman kasi na maalala pa niya yun noh...
BINABASA MO ANG
Can you be my FAKE GIRLFRIEND?
Ficțiune generalăCan you be my FAKE GIRLFRIEND? 'Yes or No'... (silence means 'YES') Warning! GIRL to GIRL story po ito... This story may be cliche pero sa tingin ko ay wala naman masamang magbasa ng isang cliche na story, lalo na kung punong-puno na ng stress ang b...