CHAPTER 33- "MAHALkita"

1K 27 0
                                    

<Zee’s POV>

Parang nag-iba ang ihip ng hangin.

Alam ko naman kasi sa sarili ko na MAHAL ko na talaga si Ei...

Pero hindi ko alam kung paano ko aaminin sa kanya.

At isa pa sa mga problema ko ay si ‘Ai’

Bakit pa ba ako nakipagbalikan sa kanya gayong alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya mahal.

“Zee may ik-kwento ako sayo...  alam mo ba kanina, sa Physics..... ahugydhcisahderkeldfryegh”

Siguro, nadala lang ako don sa ‘OPERATION: pabalikin si Ai’ namin ni Ei at ng mga kabarkada ko.

“Zee!”

Parang nagising ako sa isang panaginip noong tawagin ako ni Ai. Napatingin naman ako sa kanya.

Magkasama kasi kami ngayon. Nakaupo kami sa isang bench sa harap ng open court habang nanonood sa mga ibang estudyanteng nagbabasketball. Nanonood kami pero iba ang pinapanood ko... pinapanood ko kasi sina Ei at El na naglalambingan sa kubo malapit sa open court.

Kitang-kita ko yung tawanan at lambingan nila.

Madalas din akong nahuhuli ni Ei na tumitingin a kanila pero bigla na lang akong mag-iiwas ng tingin.

“Zee nakikinig ka ba?!” napalingon ulet ako sa kanya....

“oh? Talaga? GALING naman! Haha” basta na lang lumbas yan sa bibig ko para lang magmukha akong nakikinig.

“Ha? Ano ba Zee???! Kanina pa ako kwento ng kwento at don’t tell me na kanina ka pa LUTANG diyan at hindi nakikinig!?”

Nanlaki na lang yung mata ko nang makita kong HALIKAN ni EL si Ei sa pisngi.=_=

Nakaramdam ako ng kurot sa dibdib ko at parang humapdi yung mata ko.

“Zee ano ba!? Hindi ka naman ganyan dati eh!”

Parang nabibingi ako at wala akong ibang gustong gawin kundi ang tumakbo palapit kay Ei at hugutin siya. Ilalayo ko siya sa mundong ito.

AMP! naBUBULOK na ako sa SELOS dito!!! Nakakasira ng ULO!!! (~'.'~)

Hindi ko alam kung gutom lang ba to o sadyang kulang lang ako sa tulog pero....

Ei.....

Hindi ba pwedeng maging akin ka na lang?

“Ano ba Zee!?!? Mukha na akong tanga!!!” ano yon??? Parang may narinig akong sumigaw??? Ano ba yon? PUSO ko ba yon??? Shet! Mukha na ata akong TANGA! +_+

*PAK!*

Sabay ng naramdaman kong masakit na tumama sa pisngi ko ay ang pagbaba ng panga ko. SHET! Nahulog ata! Pero nasundan pa ulet yon ng kurot sa balikat ko at suntok sa braso ko. Napatingin na lang ako sa tagiliran ko at parang nagising naman bigla ang sentido ko nang makita ko si Ai na luhaan sa tabi ko...

Grabe..... bakit siya pumanget ng ganyan? Tumutulo pa yung sipon niya.... at ewww! Pinunasan niya gamet yung kamay niya!!! Shocks! Nanggigitata yung pisngi niya dahil sa mga luha niya....

.

Argh! Zee!!! Napapano ka ba??? Ba’t ka gumaganyan??? Di ba MAHAL mo si Ai??? Ba’t mo siya pinandidirian ngayon??? Bulong ng isang parte ng utak ko.

Oy Zee! Si Ei na ang mahal mo ngayon at tuluyan ng naglaho ang nararamdaman mo para diyan sa basang sisiw sa tabi mo! Sabi naman ng isa pang parte ng utak ko.

“alam mo Zee... simula nung magkabalikan tayo... never kong naramdaman na mahal mo ako...”

Alam mo Ai, simula noong iniwan mo ako at makilala ko si Ei.... nagkakulay yung mundo ko na winasak mo!

“Minsan nga naiisip ko na pinaglalaruan niyo lang ako ni Ei para rumesback saken”

Minsan iniisip ko na pinaglaruan mo lang ako at ginawa monng paibigin ako at iwanang luhaan.

“Zee, hindi ko na kaya...”

Ai, mahal ko na si Ei at sorry....

“Zee, magbreak na tayo...!”

Tumulo ang luha ko at parang imbis na sakit ang idulot nito ay sumaya pa ako at TEARS OF JOY na maituturing ang luhang bumagsak kanina sa mga mata ko.

“fine, let’s break this relationship...” mahinahon kong sabi. Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako!!! Hayyyy!

“a-ano!? S-so pap-payag ka talaga!? Bakit!? Hindi mo na ba.... ako mahal!?” ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya.

Nakita ko rin na huminto na sa paglalaro yung mga estudyante at pinapanood na lang kami.

“yes..... Ai...... I-I’m s-sorry!” sabi ko at hindi ko na natiis at tatakbo na sana ako pero naramdaman ko na lang na yumakap si Ai saken mula sa likod ko para pigilan ako. Ramdam ko yung paghikbi niya...

“Zee..... huwag mong gawin saken to.... please! Please! Wag kang umalis!!!” pamimilit niya saken habang yakap-yakap pa rin ako.

“Sorry.... pero..... hindi kita kayang lokohin Ai..... MAHAL kita.... pero dati yon.... at yung dati na yon.... ay hindi na katulad ng ngayon.” Sabi ko sabay alis ng kamay niya na nakapalipit sa bewang ko at tuluyan na akong tumakbo palayo.

                                                Takbo~takbo~takbo~

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may nadaanan akong banyo at doon ako pumasok.

<Ei’s POV>

Kanina ko pa napapansing madalas na nakatitig sa akin si Zee. Parang anlalim din ng iniisip niya at na WI-WIRDUHAN na ako sa kanya this past few days...

-       -     -     -     -     -

Nagulat na lang ako kasi biglang sinampal ni Ai si Zee....

At ilang minuto din silang nag-uusap pero hindi ko alam kung ano....

Kitang-kita ko rin na umiiyak si Ai pero nakatalikod si Zee sa direksyon namin kaya hindi ko masyadong makita ang reaksyon niya.

Umiiyak din kaya siya?

Natahimik kaming dalawa ni EL at pinanood na lang namin sila Ai at Zee....

Para kaming nanonood ng telenovela.... madami ding audience kasi huminto rin sa panonood yung mga nagbabasketball at nakikiusyoso sa mga nangyayari...

After a while ay nakita kong tatakbo na si Zee pero bigla siyang hinabol ni Ai at niyakap mula sa likuran.........  mayroon silang pinag-uusapan tapos inalis na ni Zee yung kamay ni Ai sa bewang niya at tumakbo na siya palayo at iniwan si Ai na luhaan. Napaupo si Ai sa damuhan nung una tapos pinahid niya yung luha niya at tumayo na din siya at tumakbo sa ibang direksyon...

Nag-aaway kaya sila?

Bakit kaya?

Nag-aalala akong napatingin kay EL at parang hindi ako mapakali pero hindi ko naman pwedeng iwan na lang si EL ng ganun-ganun na lang dito....

“I think they broke up.... sige na Ei.... sundan mo na si Zee” nakangiting sabi ni EL kaya nagtataka ko siyang tinitigan. Paano niya pa nagagawang ngumiti sa mga ganitong pangyayari? Bigla na lang niya akong tinapik sa balikat at nagsalita siya...

“GO!” narinig kong sabi niya kaya automatic na napatakbo ako at hinabol si Zee

Good thing! At hindi pa masyadong nakakalayo si Zee at mahahabol ko pa siya kaso biglang bumilis yung takbo niya kaya hindi ko siya maabutan. (7_7)

Nakita ko na lang na pumasok siya sa banyo kaya madali ko ding pinasok yung banyo at.......

-

-

-

-

-

-

-

Can you be my FAKE GIRLFRIEND?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon