<Ja’s POV>
-Saturday-
Ako lang mag-isa sa bahay namin ngayon... mga yaya ko lang yung kasama ko. Pumunta kasi si Ate EL sa bahay ni Ei ehh tapos hindi na ako sumama kasi masakit yung ulo ko. (=......=) pshhhh... nanonood lang muna ako ng mga dvd sa loob ng kwarto ni Ate EL kasi wala akong sariling tv sa kawrto ko. Ako kasi yung tipo ng tao na pagnanonood ako... ayoko ng may mga dumadaan-daan sa likod ko ehh ayoko din ng pinakekeelaman. Haha sensitive ako nohhhh!
Nakakabored kapag wala si Ate EL... kadalasan kasi siya lang ang palagi kong kinikwentuhan ng mga kakulitan ko at love life ko.... haha
~Silence~
Nanonood ako ngayon ng ‘Must Be Love’ ehhh haha ang gwapo talaga ni DJ haha bagay na bagay sila ni Kathryn!!! (*v*)♥
~tok~tok~tok~
Bigla na lang akong may narinig na katok pero hindi ko yon pinansin kasi ayaw ko ngang maistorbo di ba!! Baka isa lang yon sa mga yaya namin na aayain na akong kumain.
Hinayaan ko lang at narinig kong bumukas yung door pero hindi ko nililingon... tutok lang ako sa pinanonood ko. Naramdaman ko na umupo siya sa may likod ko. Nakaupo kasi ako sa dulo ng kama ni Ate El ehhh... teka..! bakit siya umupo...??? kabilin-bilinan ni Ate na ayaw niyang may umuupo sa kama niya maliban saken... ehhhhh
Hinarap ko na kung sino man yon at.... =_______________=
Halos malaglag yung panga ko sa nakita ko... GASH!!!!! Si ATE KYU!!!!!!!!! (*u*)
Nakatingin lang ako sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko....! tapos parang naninigas yung buong katawan ko.
“oy Ja! Okay ka lang!?!?” tinapik niya pa ako sa balikat
“uuuuuuWaaaaaa!!!!” napasigaw na lang ako sa hindi ko malamang dahilan at kita ko naman ang pagkagulat niya dahil napatakip pa siya ng tenga sa lakas ng sigaw ko.
“Ja....? tapos ka na bang sumigawwww???” tanong niya habang nakatakip pa rin ang dalawang kamay niya sa magkabila niyang tenga. Ang cute niyang tignan...!!! (*u*)
Tumango na lang ako... yung tango na sunod-sunod...! haha
“A-ate K-kyu...!?!? anong ginagawa mo d-dito???” tanong ko sa kanya, humarap pa nga ako sa kanya ehhhh. Yup! Ganyan talaga ako kay Ate Kyu!!! Nyehehe! Pilit akong kumu-close sa kanya... ganon talaga ehh
“ahhh I’m looking for EL ehhh kaso ikaw pala yung andito sa loob”
“bakit parang disappointed ka...???” sarkasmong tanong ko sa kanya. Hindi naman ako naglalandi sa kanya nohhh!!! Parang bestfriend lang ako sa kanya pero siya... parang kakilala lang ang turing niya saken ehhhh
BINABASA MO ANG
Can you be my FAKE GIRLFRIEND?
Ficción GeneralCan you be my FAKE GIRLFRIEND? 'Yes or No'... (silence means 'YES') Warning! GIRL to GIRL story po ito... This story may be cliche pero sa tingin ko ay wala naman masamang magbasa ng isang cliche na story, lalo na kung punong-puno na ng stress ang b...