Nakauwi na kami sa hacienda.hindi ko pa rin kinakausap si tristan.kapag may tinanong lang siya saka ko sasagutin.ang sabi ng doctor ay kailangan ko mag-ingat dahil hindi masyado makapit ang bata.halos di ako iwan ni tristan lagi na lang nasa tabi ko.
tuwing natutuwa ako sa pinakikita niya bigla ako natatakot na baka dahil lang sa bata kaya siya ganito.dahil hanggang ngayon di ko pa rin alam kung ano ako sa kanya.
"Hey...youre spacing out again...ayaw mo ba ng pagkain?may gusto ka ba kainin at papakuha ko?ani tristan"
Umiling lang ako...
2 lingo na ang lumipas hindi namin napag-uusapan yung tungkol kay patricia at sa pananakit niya sakin.para ba dapat na lang kalimutan.pero hindi ko maramdaman na tapos na dahil alam ko meron pa akong dapat marinig.bigla tumunog ang cellphone ni tristan di ko sinasadyang tingnan nabasa ko ang pangalan ni patricia.may contact pa pala sila...napangisi na lang ako sa sarili ano pa nga ba ang aasahan ko.
Message ni patricia:
Hon,nakausap mo na ba ang nabuntis mo?payag na ba siya iiwan sayo ang bata pagkapanganak?bakit di mo na lang kunin at ilayo pagkapanganak para di ka mahabol...Bigla ako nanlamig sa nabasa ko.napaiyak sa galit at takot na makuha nga ang anak ko.kailangan makaalis na ako at magpakalayo-layo.hindi ko akalain na iibig ako ng ganito at ang kapalit ay kamatayan ng puso ko.buti na lang at magkakaroon na kami anak kahit papano may alaala galing sa lalakeng pinakamamahal ko.masakit man na tangapin pero di maari sarili ko na lang iisipin at di rin ako papayag na ipamigay ang anak ko.hindi man sakin si tristan pero ang anak ko ang masisiguro ko akin...
BINABASA MO ANG
Stolen heart(completed)
RomancePaano nga ba babawiin ang puso na matagal na nagmamahal sayo?paano nga ba kakalimutan ang sakit ng nagmamahal ka at di ka naman mahal ng mahal mo?ako si natalia una ko palang maintindihan ang ibig sabihin ng pag-ibig wala na akong ibang minahal kung...