Pagdating ko sa istasyon ng bus nakita ko si lila at ang driver niya.agad ko siyang niyakap at umiyak.sinakay niya ako agad sa sasakyan nila.si lila ay kababata ko sa probinsya mayaman sina lila dahil mayroon din sila rancho sa katabi bayan.hindi nga lang kasingyaman nila tristan.lumipat siya maynila ng highschool at kailangan sa maganda paaralan siya magtapos.hindi naman kami nawalan ng komunikasyon kaya alam niya ang lahat na nangyayari sakin alam niya rin ang matagal ko ng pagsinta kay tristan.
"Lila...nakakahiya man itong ginagawa ko ngayon pero wala na akong ibang malalapitan...wala nakakaalam saan ang tungo ko...ikaw lang ang makakatago sakin na di mahahanap ni tristan.pasensya ka na..."
Yinakap ako ni lila...
"Natalia magtatampo ako sayo kung sa iba ka hihingi ng tulong wag mo isipin na pabigat ka.diba matagal ka na inaaya ni mama tumira samin?lalo na ngayo na nalaman ni mama ang kundisyon mo.napag-usapan namin na sa sa bahay ni lola ka titira kasi kung dito masusundan ka ni tristan.wala nakatira dun kungdi caretaker lang ng bahay.bukas lilipad ka ng papunta cebu at siniguro namin na di ka matunton bi tristan dun.wag ka mag-alala di ka namin papabayaan..."
Pagdating sa bahay nila lila naghihintay na si tita ana.pinaliwanag niya sakin na wag akong mag-alala at tutulungan nila ako hanggat makapanganak at alam nila di ako papayag na di magtrabaho kaya tuturuan nila ako pangasiwaan ang flower farm ng lola niya dun.nagpapasalamat ako at kahit papano may tunay pa rin nagmamahal sakin...
Samantalang sa hacienda...
Kanina pa aligaga si tiya.kanina niya pa tinatawagan si natalia kaya tinawagan niya na si tristan.
"Tristan alam mo ba kung saan nagpunta si natalia?Hapon na at di pa umuuwi."
"Kanina ko pa po siya tinatawagan akala ko po ay nagpapahinga lang...pauwi na rin po ako ngayon at nag-aalala ako sa kanya.."
"Sige iho antayin ka namin."
Lalo kinabahan si tristan sa narinig...
Pagdating na pagdating ng mansyon ay pinuntahan ko ang kwarto namin.wala pa rin si natalia.binuksan ko ang damitan at napansin na may kulang.bumaba ako at hinanap si ninang.
"Ano oras po ba umalis si natalia?"
"Umaga sya umalis at mamimili daw ng pagkain niya ayaw naman pahatid kaya tricycle ang sinakyan.sabi ng driver hinatid nya daw sa bayan."
bigla naiyak si tiya.
"mukha umalis si natalia tristan...
natatakot ako mapaano siya..."Tinatawagan at text ko si natalia ngunit wala ako makuha sagot!damn!bakit siya aalis?akala ko maayos na kami?!
Pumunta ako bayan at pinahanap si natalia.pagkalipas ng ilang oras bumalik ang isa sa inutusan ko.nakita daw sumakay bus si natalia papunta maynila kanina.damn!bakit?!
BINABASA MO ANG
Stolen heart(completed)
RomansaPaano nga ba babawiin ang puso na matagal na nagmamahal sayo?paano nga ba kakalimutan ang sakit ng nagmamahal ka at di ka naman mahal ng mahal mo?ako si natalia una ko palang maintindihan ang ibig sabihin ng pag-ibig wala na akong ibang minahal kung...