MCBR//1 - prologue

14.2K 158 3
                                    

"Wala ka na bang ibang ruta na alam ?" Bulyaw ko dito kay Manong. Bwisit na traffic! Ang init init eh.

"Chill. Makakarating naman tayo dun " Pakalma sakin ni Aria.

"Matatagalan nga lang" Singit ni Bea.

Arrgh!

after an hour

"Finally!" Natawa silang dalawa sa reaksyon ko nang makarating na kami ng Mall. Sobrang haggard na ng itsura dahil sa init sa labas eh. Bwisit. Napansin ko namang pinagtitinginan kami ng mga tao dito. Anong problema nila? Siguro ngayon lang sila nakakita ng mga magaganda.

Pumasok kami at bumili ng mga gamit sa school. Bukas na ang pasukan at hindi na ako makapaghintay pa ng bukas. Sobrang na eexcite na ako.

Pagkatapos naming mamili, napagpasyahan na naming kumain. Gutom na din naman ako. Kakarating lang kasi namin dito sa Pilipinas at dumiretso kami dito dahil ayoko pang umuwi ng bahay ko. Siguradong maiimbyerna lang ako dun sa bagal gumalaw ng mga nag-aayos.

Mantakin mong last week ko pa sinabing ayusin yung bahay ko, ngayon lang nila ginawa. Kabanas diba?

"anong order nyo ?"Tanong sa amin ni Aria pagdating namin dito sa isang sikat na restaurant.

"Ikaw na bahala" Tumango sya sa sinabi namin. Naghanap na kami ng mauupuan.

"ano sa tingin mo? Dun parin kaya sila mag-aaral sa DLVU?" tumaas automatic ang kilay ko sa sinabi ni Bea.

"Ohh. okay. sorry . SDLVU"

"Yah" Sagot ko. sigurado naman akong doon sila mag-aaral. Lalo na si..ano.. basta. Kasi may share sila sa school na yun. Actually, ang kalahati ng school , sakanila.

"Hayy. Hindi pa man tayo nakakaisang araw dito sa Pinas, init na init na ako. "

Hinayaan ko nalang magsalita ng magsalita dun si Bea. Bahala sya dyan dumaldal.

"Guys. Eto na " Biglang sumulpot si Aria sa gilid namin . Kasama nya ang waiter na may dala ng pagkain. Saktong sakto. Gutom na talaga ako. Mukhang gulat naman si Waiter. Nginiti ngiti pa nga kanina nung katabi nya si Aria. Minamanyak ata nito kaibigan ko eh!

Umupo na sya sa tabi ko tapos ibinaba na nung waiter yung pagkain. Kumain lang kami nang kumain nang umubo si Bea.

"Problema mo ?" Tanong ko. Nagulat nalang kami nang mamula sya. Tiningnan ko ang pagkain nya. Wala naman kahinahinala. Hindi kaya nalason itong si Bea ? Nahh. Sikat sa restaurant ito. Imposibleng mafood poison sya.

"M-may S-shrimp"

"What ?! Pero.. tara !" hinatak nya si Bea kaya sumunod nalang din ako. Pumunta kami sa Girls Powder Room. Tapos nilabas ko ang gamot sa bag ko.

"Oh. Lunukin mo nalang.Walang tubig ehh" Ginawa naman nya ang sinabi ko.

I feel relief. Nakahinga na ako ng maluwag . Kinabahan ako dun ah.

"S-salamat" Hindi na kami nagtaka kung bakit nagkapantal na sya. Kapag kasi maliit ang hipon, maliit din ang pantal. Pag malaki, malaki din . Sa kaso ni Bea, malaki ang pantal. Tiningnan ko ng masama tong si Aria. Kung hindi naagapan agad yun, baka mainffect at lalong lumala ang alergy nya.

"ohh. ohh. Im sorry. hindi ko naman alam na may hipon pala yun. Sorry"

"Okay lang.ano ba kayo ?" Tumawa pa tong si Bea. Argh . this girl. Nangangati na nga sya, tumatawa pa.

Nagpalipas kami ng minuto sa CR tapos lumabas na rin kami.

*boogsh*

"Ouch!!" Nasandal ako sa pader. Ang lakas ng pagkakabangga sa akin. Buti nalang , sa pader ako nasandal. Oh pader! Salamat sa pagsalo sa aking magandang katawan.

Teka.. "HOY!" Sigaw ko dun sa lalaking nakabangga ko. Bwisit na. Bingi ba yun ?

Hinabol ko sya. Narinig ko pa ngang tinawag ako nila Bea at Aria pero hindi ko nalang pinansin. Kailangan ko turuan ng leksyon ang lalaking to. Napakawalang galang sa babae.

Hindi nya alam kung sino ang kinakalaban nya. Nag-aral kaya ako ng taekwando.

Lumiko sya sakton nakita ko ang pagkakaside view ng mukha nya. Napahinto ako.

S-sya?

"Si Chandria Bernardo ba yun?"

"hmm. Imposible. Magpupunta ba sya dito nang walang bodyguards? "

"Sya yan! Ano ba kayo ? Walang katulad yang gandang yan! Sya nga!"

Nakatayo parin ako dito. Hindi ko inaasahan na makita sya. Bakit? Bakit sobrang naistatwa ako nang makita sya ?

Dumami ang flash ng Camera at dumami bigla ang mga tao.

Hindi na bago to. Ang tanga ko. Hindi ako nakapagdisguise. Nakalimutan kong sikat na Model ako sa ibang bansa at pati sa Pilipinas, nakakarating ang mga magazines.

Ang tanga mo Kathryn! Bwiset.

//

Mukha akong zombie na naglalakad. Sira ang laylayan ng dress ko. Magulo ang buhok ko. Pasalamat ako at hindi nila tuluyang sinira ang damit ko.

Nakarating na ako ng bahay ko. Sariling bahay ko. Hiwalay kila Mama.

Nagtext sila Aria at Bea na nandito sila. At nasabi din nilang nakilala sila ng ibang tao. tulad ng kinahantungan ko, mukha din silang narape. Bakit ba kasi nakalimutan kong magsuot man lang ng cap ? o kaya ..argh! Nakakainis!

Unang araw namin , ganito na ang nangyari ?

-----------------

(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon