Natigilan ako dahil sa may umakap sa bewang ko. Iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa unan at tiningnan ang walang galang na sumira sa moment ko.
"Jerome ?"
Napatayo ako at tiningnan sya ng diretso.
"Hoy ,Santiago! Bakit nandito ka sa kwarto ko ?"
Hindi nya ako sinagot . tumayo din sya katulad ng sa akin. Bale nakatayo kaming dalawa sa kama ko.
"Ano pa bang pinoproblema mo ?" Hinawakan nya ang dalawang balikat ko.
"anong sinasabi mo dyan ?" i raised my one eyebrow. Hindi ko alam kung anong point nitong lalaking to. At hindi ko rin alam kung bakit sya nandito. Ni hindi ko nga alam kung paano sya napunta dito.
"Nandun ako kanina. Bakit umayaw ka pa? Nandun na ang lalaking matagal mo nang gustong makasama"
napatungo ako sa sinabi nya. Bakit nga ba umayaw ako at tumakbo ? Siguro kasi, natatakot ako. Napaka duwag ko. Dapat noong una palang, hindi na ako lumayo. Alam ni Jerome ang mga nangyari sa akin .
Noong mga panahong nasa US pa kasi ako, nadalaw sila lagi doon ni tita Eloisa. Malaking tulong din yun sa pagaadjust ko. Kahit na nandun si Aria, Bea at Em, malaki din ang naitulong nya dahil sya ang nagpasok sa akin sa pagmomodel. Actually sa aming tatlo.
"Natatakot ka?" Napatingin ako kay Mome. Dont tell me, Mind reader sya ?
"oh come on. I get it. Nahihiya ka kasi lumayo ka nang mali pala ang akala mo? na sa iba ka ipapakasal ng mommy mo?" He got it. Napakaduwag ko talaga. All this time, everyday nagpapakasaya ako. Pero niloloko ko lang ang sarili ko. Hindi ako masaya. I'll just need to accept the truth.
"Kathryn, hindi ka na bata. I mean, hindi na bata na susunod sa mommy mo lagi. Kung ayaw mong ikasal kay Daniel, then tell them! Para naman pwede na tayo "Napatingin ako sakanya. He's just joking, right? but NO! Ganito na nga ako, naguguluhan sa mga nangyayari, nagagawa parin nyang magbiro ng mga ganyang bagay?
I was about to speak nang unahan.nya ako.
"oh come on, Kathryn. You know, im serious"
what the hell? is he trying to give me a reason para layuan ko sya? Akala ko si Em lang ang nagsasabi sa akin nang ganyan. Well, magkamukha sila, magkaugali din ata.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkainis nang tumawa sya. Anong.nakakatawa ?
"And you know that i'm just kidding, right?" tawa parin sya ng tawa.
"Stop it!! Kung wala kang matinong sasabihin then go! Get out!" inis na sabi ko sakanya. Unti-unti syang kumalma at tumingin sa akin.
"Kung nakita mo lang sana ang itsura mo kanina. Matatawa karin" halata sa mukha nya ang pagpipigil ng tawa .
Sige lang. Kapag ako hindi nakapagpigil, ihahampas ko sakanya ang malapit na bagay sa akin. Yung lampshade ko.
"Alam mo namang hindi ako aalis.eh. Alam ko namang kailangan ng advice ng isang katulad mo ang isang katulad kong gwapo"
"Ang panget mo" I was just glaring at him everytime na magbibiro sya.
"ohh. I surrender! sabi ko nga, hindi ka natutuwa" then i felt relief. Buti naman at tumahimik na rin tong lalaking to. Pero thankful.parin ako na nandito sya. Dapat nga ata magpasalamat ako dahil kahit wala syang sinasabi sa akin ngayon , nandito parin sya sa tabi ko at sinusubukan akong mapasaya
"Thankyou" kusang lumabas sa bibig ko.
"Alam ko namang nagpapasalamat ka dahil sinasamahan ka ng isang gwapong--ARAY!!"
BINABASA MO ANG
(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]
FanfictionBook 2 of My Campus' Princess :) Sa mga hindi pa nakakabasa nang MCP , hanapin nyo nalang sa account ko :) PaFollow na rin ? Thank you ! :*