MCBR//18

4.2K 111 2
                                    

Kathryn's POV

Nakabihis na ako at handang pumasok. Nagcurl ako ng dulo ng buhok tapos pinusod ko. White na top tapos red na skater's skirt. Red na high heels. Sumulyap ako sa salamin tapos ngumiti.

"Ito na yun Kathryn. Kaya mo yan. Gawin mong maging matapang para hindi ka nila kutyain at apihin. hindi na ikaw ang dating mahina at nobody" SAbi ko sa sarili ko bago lumabas ng kwarto. Nagdala ako ng side bag tapos bumaba na ng hagdan. Naabutan ko dun si Kuya Neil at Kuya Quen. Magpapaalam na sana ako sakanila nang bumaba na rin si Danna ng hagdan.

"hmm" Mukhang nag-iisip sya. Siguro may sasabihin to. Hinarap ko sya.

"May kailangan ka?" Napatingin sya sa akin nun. Nangiti sya tapos tumango. Kapag ganito sya lagi, magkakasundo kami. Swear.

"Pwedeng makisabay? Wala akong kotse ehh. Nasira last time na ginamit ko. Eh hindi naman ako makakasabay dyan sa dalawa" Binulong nya lang sa akin ang huling sentence na ginamit nya habang nakatingin kami dun sa dalawang nanghahalungkat ng bag. Siguro may hinahanap.

"oh Sure. Tara sabay na tayo" Tumalikod na ako tapos sumunod na sya.

"Alis na kami" Sabi ko nalang sa dalawa. Wala si Mommy eh. Siguro maagang umalis papunta ng o0ffice.

Sumakay na ako sa driver's seat tapos sya dun sa tabi ko. Napa-usapan na kasi naming magiging mabait sya. hahaha. Syempre alam kong hindi nya magagawa yun pero susubukan daw nya. Hindi ko nga alam kung talagang tanggap na nya ako o hindi pa. Hindi ko nga maalis sa isip kong baka dahil lang dun sa Tippy kaya sya nakikipagtulungan sa akin. Kasi may gusto sya kay Daniel. Gusto nyang may makasama sya sa pagpapaalis nito sa buhay ni Daniel. Well, hindi ko naman sya masisisi. Ganun din ang gusto kong mangyari.

Ang sabi kasi sa akin ni Mommy, kahit na tumanggi ako, ikakasal at ikakasal daw kami sa ayaw at sa gusto namin. Kayalang hindi ko yun sinasabi kay Danna. Baka magalit sa akin.

At saka parang ang panget naman kasi na fiance ko sya tapos may mahal syang iba. Kaya kailangang mahulog ulit sa akin si Daniel. Para wala akong kahati sakanya.

Ipinark ko na ang kotse ko sa reserved erea para sa akin. Actually, meron din para kay Daniel. Meron nga din kay Danna kasi anak din sya ng Santos. Eh kayalang sira nga daw ang kotse nya. Kaya nga sya nakisabay sa akin diba?

Natatawa nga ako kapag naaalala ko ang itsura kanina nila Kuya nung nagpaalam kami. Mukha silang mga sira ulo. Halos lumuwa ang mga mata tapos nakanganga pa. Nagulat siguro sila na magkasundo kami ni Danna. Well, kagabi hindi din ako makapaniwalang magkasundo nga kami.

Bumaba na kami ng kotse at sabay na naglakad. Halos lahat nang madadaanan namin, gulat dahil siguro kasi magkasama kaming mortal na magkaaway. Akala lang nila yun. Dahil, partners in crime kami ngayon.

"So, ano ang unang plano?" Tanong ni Danna sa akin habang naglalakad kami sa hallway at pinagtitinginan ng mga tao. Napatingin ako sakanya nun.

"Actually, halos magdamag akong nag-isip kagabi" Natawa kaming parehas sa sinabi ko. Hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sa pagiisip kung ano ang plano. Pero mas napuyat ako dahil nga sa pagiisip kung bakit ganyan ang ikinikilos ni Danna. At kung ano nga bang relasyon ni Daniel at Tippy.

"So?" Lumiko kami para maglakad sa field.

"Sa office tayo. May aayusin ako" Kinindatan ko sya. tumango nalang sya tapos tumungo na kami sa office.

Nakarating na kami dito sa office nang puro naririnig ang pangalan naming dalawa. Kung magchichismisan sila, sana man lang yung hindi naririnig ng pinagchichismisan nila. Kanina nga, kating kati na si Danna na sugudin ang mga babae at lalaking chismoso't chismosa. Kayalang pinigilan ko. Baka maeskandalo pa kami. Masisira ang reputasyon namin bilang anak ng Santos kapag nagkataon.

(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon