MCBR//19

4.3K 87 4
                                    

Kathryn's POV

Naabutan namin si tippy na umiiyak. Problema nitong babaeng to? Syempre bilang anghel lalapitan ko sya. Actress yata to ^O^

Lalapit na sana ako nang umepal si Daniel. Bwisit. Lumiko ako bigla tapos nagtago sa isang halaman na malapit sakanila. Sinilip ko lang sila at saktong naririnig ko ang pinaguusapan nila.

"Tips? Bakit ka umiiyak?!" Hinawakan ni Daniel ang mukha nya sabay punas ng mga luha nitong malanding babaeng to. Nagseselos ako TT_TT

"Y-Yung mga libro ko! Y-yung damit ko sa locker. Lahat ng gamit ko, sira! Yung P.E. uniform ko, sunog. yung libro din, sunog yun kalahati. Tapos may sunog din na daga. Dj! Natatakot ako" humagulgol sya. Sa tunog palang, alam mo nang peke ang iyak nya. Aysus! Kunyari pa! gusto mo lang mayakap ang Daniel ko!

Aba niyakap nga nitong mokong na lalaking to yung mukhang bruhang umiiyak. Nanggagalaiti ako sa galit. Gusto ko silang sugurin at bulayawan sila na hindi PDA area ito kundi locker room! Gusto ba nilang ilagay ko sila ilalim ng lupa tas dun sila magyakapan! Oo. Bitter na kung bitter. Eh kasi naman sya eh! Inaagaw ang Dj ko T^T

"Tahan na. Papapalitan nalang natin yan kay Dad" HUWHAAAT?! Kilala ni tito Rommel si Tippy? Tama ba ang pagkakaintindi ko ?

"E-eh kasi. N-Nakakahiya naman kay T-Tito *sniff*" Napairap nalang ako. Kilala nga nya si Tito. Well, sorry sya! Soon-to-be-father-in-law ko na yung tinitito nya!

"Okay lang yan. Tara sa office" Naglakad na sila kaya napadusog ako nang pagtatago. Nang malampasan na nila ako, nakita kong napatingin sa akin si Tippy. She's smirking! Urgh. alam kaya nyang kami ang nagpagawa nun? At talagang nagpaawa lang sya kay Daniel? Alam kaya nyang kanina pa ako nanonood? Bakit hindi ko napansin agad kanina yun?

"Hoy, Kapatid!" Napatalon ako sa gulat nang sumulpot si Danna sa tabihan ko. Tumingin sya sa tinitingnan ko tapos tumingin ulit sa akin.

"Alam nyang nanonood ka. Alam nyang tayo ang nagpagawa nung sa locker nya." Sabi nya na hindi na nagpagulat sa akin. tama ang hinala ko. Alam nga nya.

"Pero hindi nya alam na tayo ang may pakana nung pagbabago ng schedules nya." Dagdag nya. Napaharap ako sakanya.

"Sa kwentong to, tayo man ang lumalabas na kontrabida dahil pinaghihiwalay natin sila, hindi parin naman maiaalis na hindi naman talaga sakanya ang lalaking yun. Inagaw lang nya" Napangiti sya sa sinabi ko. Inaya nya akong pumasok na sa room. Pagpasok namin, wala pa si Daniel. Malamang tumuloy talaga sila sa office para ireport ang nangyari. Epal talaga yang tippy na yan kahit kailan

Pinagtitinginan kami nitong mga classmates namin. Nakakairita kaya ang mga to! Kanina pa ehh!

"ano ba?! Tusukin ko kaya yang mga mata nyo?!" sigaw ko sakanila. Aba sumosobra na kasi. Hindi porket maganda ako, eh sinusundan na ako ng tingin. Give me a break! HAHAHA

Blah blah blah

Natapos ang klase. Uwian na pero hindi pa kami umuuwi. Wala lang, nakatambay lang kami nila Aria at Bea sa rooftop. Malakas kasi ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam.

"So, kwento ka na. Anong nangyari at bakit parang close na close na kayo ng kapatid mo?" Tanong sa akin ni Bea nang nakacross-arms.

"oo nga at napapansin kong lagi kayong nagbubulungan at nagngingitian." Napailing ako sa sinabi ni Aria. Kahit kailan, laging may napapansin tong dalawang to.

*ring* *ring*

WOOO! Ligtas ako sa dalawa. Kung sino ka mang tumatawag ka, salamat sayo. Nangiti ako nang pagkalaki laki tapos kinuha ko ang phone ko sabay turo na may tumatawag.

(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon