Mabilis na nagdaan ang panahon . limang araw na mula nang mamatay si Tita Kyla. Limang araw narin mula nang huling kinausap ko si Danna .
Bukod sa tinatamad akong makipag-usap sakanya , ayoko din syang kausap . Nakakainit ng ulo ang mga sagutan namin . At saka , kapag ganun , malalapastangan namin ang burol ng nanay nya .
Katatapos lang ng libing at nandito parin kami sa memorial park . Dito ipinasyang ilibing si Tita Kyla katabi ng puntod ni Daddy .
Nakatingin lang ako kay Danna na nakatalikod sa akin at umiiyak . nasa harap sya ngayon ng lapida ni tita Kyla . Sakit sa puso ang ikinamatay ni tita nang dahil daw sa trabaho . sobrang stress daw sya dahil sa pakikipagkompitensya sa kompanya namin ..
Nasabi rin sa akin ni Mommy na pilit nga daw tinataasan ng mga Chiu ang Santos dahil nga sa galit sila dahil mas pinili kami ni Daddy kesa sakanila . Ngayon ko lang din nalaman ang kwento na yun . Pero may isa akong tanong na hindi masagot ..
Bakit sa school ng mga De La Vega nag-aral si Danna ?
Kung kabussiness partner ni Mommy ang mga De La Vega , ibig sabihin , hindi nila kabussiness partner ang mga Chiu .. Besides , kaaway nga din daw ng De La Vega ang Chiu . Hindi ko alam kung ano ang kwento ng pagkakaibigan nila Mommy at ng nanay ni Daniel ..
Basta ang alam ko, gusto kong malaman yun .. Siguro interesado nga lang ako kasi nga bestfriends pala ang Mommy ko at si tita Karla .
"Hoy" Tawag ko dito kay Danna na hindi matigil-tigil sa kakaiyak . hindi nyo ako masisisi kung bakit hindi ako apektado .
noong namatay si Daddy , hindi ako nakapunta sa burol man o libing . hindi ko sya maalala nun . Ni hindi ko nga alam na may tatay pala ako nung mga panahong yun.
Ang alam ko lang , may isang babaeng nagpakilala sa akin na sya ang nanay ko .
then nung naalala ko na lahat ng tungkol kay Dad nung 15 years old ako , ayun .. Dun ko naramdaman ang sakit .Kung kelan huli na . hindi ko man lang nakita ang puntod nya .
Feeling ko nga , parang ang sama ko dahil hindi ako nakasipot nung namatay si Dad . Kahit sa libing man lang .. Feeling ko tuloy , nagtatampo si Daddy sa akin .
Tumingin sya sa akin nang nakairap . "hindi ka pa ba tapos dyan ? " Inis na tanong ko .
Nakatayo lang kami at nakapasok dito sa parang bahay . Pinagawa ito na Mommy para kay Daddy .
Kanina pa kaya kami nakatayo dito . hindi ba sya nangangawit ?
"Sinabi ko ba kasing hintayin mo ako ? Bakit nandyan ka pa? " medyo pasigaw nyang tanong sa akin. Ang lapit lapit ko lang , sinisigawan nya ako . Bastos .
"Si Mommy ang nagsabi sa akin na hintayin ka . Kung hindi nga lang si Mommy ang nagsabi, malamang kanina pa ko umalis dito . Paimportante ka pa " Inirapan ko sya . Sobrang maldita nito kahit kailan .
BINABASA MO ANG
(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]
FanfictionBook 2 of My Campus' Princess :) Sa mga hindi pa nakakabasa nang MCP , hanapin nyo nalang sa account ko :) PaFollow na rin ? Thank you ! :*