Third Person's POV
"KATH!! " Sigaw ni Danna nang makita si Kath na muntik nang matumba. Agad syang tumakbo papunta sa kapatid nya at inalalayan ito para makaupo sa malapit na bench.
"Anong nangyari sayo? San ka ba nagpupupunta?" Alalang alala na tanong nito sa kapatid.
Nagulat sya nang bilang yumakap sa kanya si Kathryn at saka umiyak. Mabuti nalang at maaga silang pinalabas para sa lunch break. Wala pang istudyante na dumadaan.
"Shhh. Tahan na"Hinagod hagod nito ang likod ng kapatid.
"B-Bakit? B-Bakit?" Paulit ulit na sinasabi ni Kathryn habang iyak nang iyak.
"Anong bakit?" Naguguluhan na tanong nito sakanya. Hindi na muling nagsalita pa si Kathryn. Hanggang sa may babaeng sumigaw para tawagin ang magkapatid.
"Kathryn! Danna!" Napatingin naman agad si Danna sa babae at saka sya nabuhayan ng loob
"Mommy! Si Kath" Agad namang nilapitan ni Quen at Neil si Kathryn at saka inalalayan para lumabas ng school.
"Kami nang bahala sakanya, Nak" Sabi sakanya ng Mama Min nila.
"Text nyo nalang ako, Mom, if ever may mangyaring masama" She just smiled then umalis na.
Nagtataka syang pumunta sa canteen para kumain.
***
"Okay na ko. Pwede ba?" Iritang sabi ni Kathryn sa dalawa nyang kuya.
Umiling lang ang dalawa at bumalik sa mga ginagawa nila.
"Hello? Pwede dun nalang kayo sa labas? Privacy naman please?" Naiinis na sabi nito sa dalawa.
"Matulog ka nalang dyan!Arte." Sabi sakanya ni Quen nang hindi man lang tumitingin. Busy kasi sa pagpe-facebook.
"ARGH!!!" reklamo ni Kathryn pero hindi sya pinapansin nang dalawa.
Humiga nalang sya at saka pumikit at dumilat ulit. Hindi sya makatulog.
Umupo ulit sya at saka napasabunot sa buhok. "Kailangan ko nang makausap si Daniel!!!Kuya!" Reklamo nito. Naiinis na kasi sya dahil kanina pa sinasabi ng mga kapatid nya na tinawagan na nila si Daniel para sunduin sya sa bahay ng mommy nya.
"Parating na yun"
"Kuya ang bubwisit nyo! Ano to? Sinulatan nyo at bukas pa nya matatanggap yun? Tapos sa isang araw sya darating? Kuya, nabubulok na ko dito!"
Tiningnan sya ng kuya Neil nya nang masama.
"Manahinik ka,Kathryn. Ang ingay mo!"
*gulp*
tanging nagawa nya nang pagalit syang bawalin ng kapatid.
Daniel's PoV
"Daniel!" tumatakbo si Julia papunta sa akin.
Agad ko namang ipinasa ang bola kay Albie na kanina pa gustong kuhanin ang bola.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayon---"
"Na wag na kong maglaro ng basketball? Julia,ilang beses ko na din bang sinabi sayo na okay lang ako?"
Pinalo nya ako sa braso since hindi nya ko pwedeng batukan sa ulo.
"Ang kulit mo. Tumawag nga pala sa akin si Tita Karla" Natingin ako sakanya ng mabuti nun. Minsan lang kasi natawag sa kanya si Mama. Kapag importante lang.
"Bakit daw?" tanong ko habang nagpupunas ng pawis. Si Tippy ang gumagawa nito tuwing may laban kami pero simula nung nalipat sya ng section, hindi na sya nakakapunta sa mga practice game ko.
BINABASA MO ANG
(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]
FanfictionBook 2 of My Campus' Princess :) Sa mga hindi pa nakakabasa nang MCP , hanapin nyo nalang sa account ko :) PaFollow na rin ? Thank you ! :*