Kath's POV
Lumapit sa akin si Danna habang nagkakape ako dito sa sala. Wala sila Mommy at sila Kuya. Pupunta daw sila sa Company para i-train sila sa pagpapatakbo ng kumpanya. Bale ako, si Danna at sila ateng mga katulong lang ang kasama ko dito. Ang sabi naman ni Mommy, papapuntahin nya si Denise dito mamaya. Excited na nga ako ehh.
"hmm. Kathryn?" Napatingin ako sakanya nang umupo sya sa tapat nang inuupuan ko. Ibinaba ko ang kapeng hawak ko tapos umayos ng upo. Iba ngayon si Danna, hindi sya malakas magsalita at hindi din nya ako tinatarayan. Aba himala.
"Oh?" Abay syempre, taray taray mode muna ako. Baka mamaya, umaarte lang pala tong babaeng to. Hindi nya ako madadala sa mga ganyan ganyan nya.
"Tama ba yung narinig kong balita?" Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nya. Sa dami nang mga nangyari, anong balita ba ang tinatanong nya? Aba marunong din naman palang makinig sa balita tong babaeng to. Akala ko, puro shopping at paglalakwatsa lang ang alam nya. Oh, pati pala ang pagsira sa buhay ko. Yun ang gawain nya. Feeling ko nga, hindi na nya kailangang magtrabaho pa dahil sobrang dami na nyang nasisirang buhay.
"Oh i mean, yung sa inyo ni Daniel? Tumanggi ka daw na magpakasala sakanya? Tapos hindi sya umangal? Mahal daw nya yung Tippy?" Sunod sunod na tanong nya. Bakit sa lahat ng balita, yan pa ang mga narinig nya? Likas na chismosa tong babaeng to pagdating kay Daniel.
"Oo. Tama lahat ng sinabi mo. Kaya wag ka nang umasa sakanya dahil hindi ikaw ang gusto nya" Napakunot ang noo nya sa sinabi ko. Bakit? Totoo naman diba? TIPPY ang pangalan nung taong mahal ni Daniel at hindi DANNA. hindi ba nya gets yun? o kailangan ko pang englishin?
"Pero pano ang merge ng company nila Mommy at ni Tita Karla? Dapat Santos ang makatuluyan nya at hindi what-ever-her-surname. Dapat isa sa atin" Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa sinabi nya. Aba't ito pala ang kanina pa nyang punto. Dapata isa sa amin? NakikiSANTOS si Danna CHIU?
Well, kasi nilipat na ni Mommy ang apilyido nya sa amin. Ewan ko nga kung bakit kailangan pa nyang gawin yun eh wala na naman si Daddy. Pero a part of me na sinasabing tanggapin sya. Kasi kapatid ko parin naman kasi sya kay Daddy. At saka kadugo ko sya. hindi ko sya dapat ipagtabuyan nalang ng ganun.
"Whatever. Basta wala na akong pakielam sakanya" Sumandal ako sa sofa tapos nagcross arms. Napairap pa ako ng kaunti. Wala na nga ba akong pakielam sakanya? Ano ka ba, Kathryn? Aba dapat lang na OO ang sagot mo! Wala syang pakielam sayo kaya dapat wala kang pakielam sakanya.
"Tsk! Bahala ka nga dyan! Kung ayaw mo syang ipaglaban. pwes ako ang lalaban. Kukunin ko sya sa Tippy na yun" Napatingin ako sakanya na nakahawak pa sa baba. Mukhan syang nag-iisip. Ngingiti-ngiti pa. Mukha syang baliw.
Mukhang magkakasundo kaming dalawa ngayon ah? Kasi naman parang gusto ko talagang makausap si Daniel at itanong sakanya kung ano nga bang meron sakanila nung Tippy na yun. Napakahirap kayang tanungin ang sarili kapag tinatanong ko kung bakit sila magkayakap nung araw na yun. Napakaraming luha din kaya ang inilabas ko nun. Grabe sya!
*ding* *dong*
Napatingin kaming parehas sa pintuan tapos ako nalang ang tumayo.Tumingin muna ako kay Danna bago tuluyang lumapit sa pinto.
"Mukhang magkakasundo tayo dyan sa sinasabi mo. Mag-usap tayo mamaya" Nagevil smile lang sya tapos tumalikod na ako. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ni Denise. Namiss ko tong babaeng to.
"HOOOOYYY! PWEDENG PUMASOK MUNA?!" Sigaw nya sa akin dahil dinambahan ko sya ng yakap. Natawa nalang ako sa reaksyon nya. Mukha kasi syang natatae. Oopss! Sorry sa word. Mukha kasing kating kati na syang pumasok sa loob dahil sa mga dala nya. Apat na paper bag na mukhang mabibigat. Tapos may bag pa syang nakasabit sa balikat nya.
BINABASA MO ANG
(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]
FanfictionBook 2 of My Campus' Princess :) Sa mga hindi pa nakakabasa nang MCP , hanapin nyo nalang sa account ko :) PaFollow na rin ? Thank you ! :*