Pasensya. Hahaha! Nung Sunday wala akong time. Busy makipaglanturan. Chenaa! hahaha! Tapos kahapon may Educational Tour kame kaya pasensya na 😘
----
Nakauwi na kame galing party. Sobrang pagod ko. Pano ba naman kasi pagkatapos nilang kumanta ng love song. Nagrock song naman sila kaya lahat ng taong natira sa venue e nagsasayaw muna bago mag-siuwi. Syempre ako din. Kahit na nga ba nakalong gown ako e, Go lang!
"Tulog ka na Kathryn?" Tanong sa akin ni Daddy Rommel. Dito sila matutulog ngayong gabi. Pati yung tatlong kumag tsaka si Mommy.
"Tulog na po." Sabay tawa ko. Natawa din si Daddy Rommel sabay pasok sa kwarto ko.
"Salamat, anak a" Sabi nya sa akin.
"Para saan po?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Para sa pagintindi kay Dj. Sa lahat ng nagawa nya, nandyan ka parin para tulungan sya sa lahat ng bagay."
"Wala yon, Daddy. Fiance ko sya. Trabaho ko yon. Ako ang may responsibilidad sakanya hindi si Tippy."
Hinimas nya ang tuktok ng ulo ko. "Ipagpatuloy mo yan, anak"
Pagkatapos ng paguusap namen ni Daddy. Bumaba ako para kumuha ng gatas. Hindi ako makatulog kaya aaliwin ko muna ang sarili ko.
Bumaba ako at kumuha ng gatas. Pagkakuha ko, binuksan ko ang Tv at sinalang ang Wrong Turn 4. Nakakaexcite kasi ang nakakatakot kayalang may pagkaabnormal ako at natatakot naman ako.
Nagsisimula na ang palabas. Nakapatay na lahat ng ilaw tanging ang ilaw lang ng Tv. Nasa kalagitnaan na ng palabas hindi ko pa nauubos ang gatas ko. Nakahalukipkip nadin ako sa sofa.
"Ay Syet ka Puta" Nasabi ko nang magulat ako.
"Nanonood ka ng ganyan tapos matatakot ka" Halos mapatalon ako sa gulat nang may bumulong sa tenga ko. Tumingala ako at nakita si Dj na nakangiti sa akin ng parang may binabalak na masama. At sa tingin ko, masamang masama nga.
"Wag kang manakot a. Sasapakin kita" Pananakot ko sakanya.
Nagkibit balikat lang sya at naglakad papunta sa tabi ko. Tinabihan nya ko.
Kinuha ko kaagad ang gatas ko sabay tungga dito. Halos maubos ko na sa sobrang intense ng pwesti namen.
Paano ba naman nakaharap sya sa akin habang naka indian sit.
"Sa Tv ka nga humarap" Sabi ko sakanya habang nanonood. Hindi ko na naiintindihan ang pinapanood ko. Di narin ako naaapektuhan sa mga pagpatay. Pano ba naman ang iniisip ko, si Dj na nakatingin sa akin hanggang sa matapos ang palabas.
"Sorry" Ang sabi nya sa akin nang mapatay ko na ang Tv. Wala nang ilaw na nanggagaling sa Tv. Ilaw nalang na galing sa lamp shade na sinindihan ko para hindi madilim.
"S-sorry saan?" Tanong ko sakanya.
"Wala. Di ka pa matutulog?" Tanong nya sa akin sabay ayos ng upo nya. Hindi na sya nakaharap sa akin. Ang awkward na kasi biglang tahimik.
"Hmm. Aakyat na ko sa kwarto ko" Sabi ko sabay tayo.
Hinawakan nya ang kamay ko kaya hindi ako makalakad. Napatingin ako sakanya.
"Goodnight" Sabi nya sabay bitaw sa kamay ko. Parang may gusto syang sabihin na hind nya masabi sabi.
Hinayaan ko nalang. Umakyat ako sa kwarto. Naokupa ni Dj ang isip ko kaya diretso nalang akong humiga.
(Kakaalis lang ng teacher namen. So, tatapusin ko na tong chapter na to bago pa dumating ang next teacher. Hahaha! -Author)
***
Pagmulat ng mata ko, madilim pa. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, 4am palang ng umaga.Pumikit ulit ako. Napakaaga pa para simulan ang buhay ko ngayong araw.
Napadilat ako bigla nang may maramdamang hangin na bumuga sa mukha ko.
"Ay halimaw!" Napasigaw ako sa sobrang gulat.
"D-Dj? Hoy! Bat nandito ka?"
Hinampas ko sya sa braso pero nakapikit parin sya. Habang nakapikit, hinatak nya ang braso ko dahilan para mapadikit ako sakanya.
Iniakap nya ang mga kamay nya sa akin. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Syet! Ang bango ng hininga nya.
"Maaga pa. Tulog pa tayo" Bulong nya sa tenga ko.
"D-Dito ka natulog mula kagabe?" Bulong ko din sakanya. Kontint kislot nalang magkakadikit na mga labi namen.
Hindi nya ako sinagot. Ngumiti lang sya habang nakapikit parin sabay halik sa labi ko.
"Oo. Masama bang matulog sa tabi ng fiance ko?"
***
Pagdilat ko, sinalat ko agad si Dj sa tabi ko. Bigla akong napabangon nang wala akong makapang Dj.
Napabangon ako bigla. "Panaginip lang?" Tanong ko sa sarili. Nagbuntong hininga nalang ako. Akala ko pa naman katabi ko talaga syang natulog kagabi. Akala ko naaalala na nya na fiance nya ko.
Hays.
Pagbangon ko, naligo ako at magbihis. Tapos pagbaba ko, nakaluto na si Mommy.
"Saan ka pupunta Kathryn?" Tanong sa akin ni Mommy nang makitang nakabihis ako.
"Sa Campus po. Bibisita lang ako" Sabi ko sakanya
"Samahan ka na ni Dj. Diba Dj?" Sabi ni Tito Rommel.
"Ah. Ano. Sige" Sabi nya nang nakatitig lang sa pagkain nya.
"Sasama ka?" Sabat ni Tippy.
"May masama ba don?" Sarkastikong sabi ni Dex kay Tippy
"Wala" Sagot nito habang nakatingin kay Dj.
***
"Nakakamiss to"
Sabi ko habang naglalakad kaming dalawa ni Dj.
"Parang kelan lang. " Sabi naman nya.
Naglakad lakad kame. Napunta kame sa Canteen. Abot ang bati sa aming dalawa ng mga nakakakilala sa aming teachers, students pati narin mga trabahador dito sa Campus. Alam kasi nilang sa amin ang School na to.
"Cr lang ako" Sabi ni Dj pagkaupo namen. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sakanya.
Pagkaalis nya, biglang nagvibrate ang cellphone nya.
Di naman siguro masama kung iopen ko diba? Wag na. Baka magalit
Ilang beses yon na parang may text. Di nagtagal, may tumatawag.
Doc calling ...
Si Doc.? Di na ako nagdalawang isip, sinagot ko agad ang tawag. Hindi pa ko nakakapagsalita, nagsalita na kaagad sya.
"Daniel, nasaan ka? Nakabili na ba ng gamot mo? Hindi porket wala ka nang amnesia, papabayaan mo na ang pag-inom ng mga gamot mo-"
Biglang may kumuha ng cellphone mula sa akin.
"Dj" Sabi ko sakanya habang gulat na gulat ako.
Itinutok nya ang cellphone sa tenga nya. "Oo Doc. Salamat", Sabi lang nya sabay patay sa tawag.
--------
Ayan na! Hihihi! Iloveyou sa lahaaaat!
COMMENT/VOTE
BINABASA MO ANG
(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]
FanfictionBook 2 of My Campus' Princess :) Sa mga hindi pa nakakabasa nang MCP , hanapin nyo nalang sa account ko :) PaFollow na rin ? Thank you ! :*