MCBR//24.2

3.3K 81 1
                                    

Napagdesisyun naming mamasyal ngayon nila Papa. Actually, si Papa ang nakaisip nito. Ano daw kung magkaroon kami ng Daughters and Father's date.. hindi naman kami tumanggi ni Danna since ito ang unang beses na nagsama-sama kaming tatlo. Way na rin to para malighten up ang mood ko dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Papa.

"We're here na! Tara na sa loob!" Masiglang sabi ni Danna habang palabas ng kotse ko. Ako ang nag-drive dahil itong kotse ko ang gamit namin ni Papa papunta sa cemetery. Yung kay Danna naman, pinakuha nalang nya sa Family Driver namin dun sa sementeryo. Mas maganda daw kasi kung magsama-sama kami sa iisang kotse. Thou, ako ang ginawa nilang driver.

Pumasok kami sa loob ng Ocean Park. Habang namamasyal sa loob, kwentuhan lang kami ng kwentuhan tungkol sa unang beses makahawak ng isda ni Danna at kung pano sya lumangoy nung naglaro sila ng mga 'friends' nya ng truth or dare na pinahuli sya ng isda sa pond. Nangingiti ako kapag nakikita ko ang ganitong side ni Danna. Minsan kasi, napakamataray nya in a bad way pero may pasimple syang ginagawa na nakakatulong sa iba.

Nagulat din ako sa tapang nya. Aba'y sinubukan nya yung ikukulong sya sa loob ng malaking cage habang suot nya yung whole body na suit na pangswimming. Inilubog sya sa isang malaking aquarium at saka pinaligiran ng maraming maliliit na shark.

Pagkatapos ng isang nakakapanindig balahibo daw na pangyayari, nag-ayang kumain si Danna. Na hindi naman namin tinanggihan ni Papa dahil libre naman daw nya. Kumain lang kami ng pizza at burger. Hindi pa naman kami masyadong gutom at saka hindi kami pwedeng sumakay sa rides kapag busog kami.

Nagdrive ako papunta sa Star City. Rides-all-you-can ang kinuha naming ticket at saka na naglibot para puntahan ang bomp cars.

"Waaaaa!" Sigaw ni Danna nang banggain sya ni Papa. Natawa ako pero agad na napahinto nang banggain nila akong dalawa.

Hinihingal akong umupo sa bench. Sumunod naman si Papa at Danna.

"F*ck that Anchor's Away!" Natatawang sabi ni Danna na ikinatawa ako. Si Papa napailing lang sa dirty word ni Danna.

Pagkatapos ng Surf Dance, Twist, Roller Coaster at pati Catterpilar na pambata, pinatulan namin dahil makulit si Danna, hinintay muna namin na dumilim bago kami sumakay ng Ferris Wheel.

"This is my best day ever!" Mahinang sabi ni Danna habang nakatingin sa skyscraper.

"Salamat sa inyo ah?" Sabi ni Papa sa amin kaya parehas napunta sakanya ang atensyon namin ni Danna.

"No problem, Pa. Masaya kami na kasama ka" sabi ko sakanya na sinang-ayunan ni Danna.

"Kung gusto nyo ulit lumabas, tawagan nyo lang kami ni Kathryn"

"Anyway, Pa. Saan ka muna uuwi? Sama ka nalang kay Danna dun sa bahay ko"

Tumango sya at saka kami binigyan ng malaking ngiti. Doon nakatira ngayon si Danna sa bahay ko since sa bahay namin ni Dj ako nakatira. Simula nang mawala si Mama, pina-close na namin yung bahay.

***

Binuksan ko yung pinto nagbakasakaling bukas pa. Nagulat ko nang mabuksan ito. Nakasara na yung ilaw sa loob pero yung TV bukas pa. Napangiti ako nang makita ko si Dj na nakaupo sa sofa pero nakapikit ang mga mata.

Agad kong tinanggal ang sandals ko at saka basta nalang itinapon sa center table ang bag ko. Nilapitan ko sya at saka lumuhod sa gitna ng hita nya.

Hinawakan ko ang tungki ng ilong nya gamit ang hintuturo ko at saka ibinaba papunta sa labi nya. Habang hawak ko ang labi nya, nag-lean ako para halikan sya sa tenga.

"I missed you" Bulong ko. Ngumiti muna ako bago umalis sa pagkakaluhod at tumayo. Pupunta na muna sana ako sa kwarto para magbihis pero may humatak sa bewang ko.

"I love you, more" Bulong nya sa tenga ko bago ako halikan sa labi. Napangiti naman ako.

Pagkatapos ng ilang minuto, nginitian ko sya bago humilig sa dibdib nya. Nakaupo ako sa lap nya at nakayakap ng mahigpit ang kamay nya sa bewang ko.

"Tulug-tulugan huh?" I smirk bago tumayo at saka sya hinatak. Mapungay ang mga mata nya na nagpahatak lang sa akin papunta sa taas para pumasok sa kwarto.

"Magbibihis lang ako. Matulog ka na"

Kiniss ko sya sa cheeks pagkahiga nya sa kama. Ngumiti sya kahit nakapikit. "Okay. Good night. I love you"

Pagkatapos kong magbihis, humiga ako sa kama at saka nya ako niyakap. Pinahiga nya ako sa dibdib nya kaya yumakap ako sa bewang nya.

"I love you" Sabi ko sakanya bago ko naramdaman ang paghalik nya sa ulo ko at saka paulit ulit na sinasabi ang "i love you so much"

--------

Part 2 ng Chapter 24.

Nagka-CONFLICT kasi kaya nung pinublish ko yung Chap. 24, yung kalahati lang yung na-save. Tinype ko nalang ulit sya kaya natagalan.

I love you :*

(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon