Super Duper Special Chapter ❤

1.9K 36 7
                                    

"Pare, anong plano mo?" Napatingin ako sa katabi kong hindi ko aakalaing makakasama ko ngayon.

"Hindi ko alam, Key."

"Don't tell me, totoong nabuntis mo nga sya? Ikaw na mismo nagsabi na wala kang alam na may nangyari sainyo" Ang sabi naman nitong si Jarvis. Anak ni Tita Denise at Tito Katsumi.

"I don't know, okay? Wag na kayong magsalita dyan." Tinungga ko ang bote ng beer na hawak ko.

Yun nga ang alam ko. Shit naman! Wala talaga akong matandaan. Agatha is my ex girlfriend. Sa lahat ng naging girlfriend ko, sya ang tumagal. 1 month to be exact. Nakipagbreak ako before ako umuwi dito sa Pilipinas.

Ayokong tumatagal sa isang relasyon dahil puro lang problema kapag matagal na kayo. Hindi ako sanay sa mga problema lalo na sa mga bagay na ganon.

"Stop drinking, Dean. Nakakarami ka na" Hinablot ni Kassandra ang hawak kong bote kaya tiningnan ko sya.

"At sino ka para pigilan ako?" Akmang hahablutin ko ang bote pero inilayo nya sa akin ito.

"Don't be too harsh, Dean. You're drunk! Tatawagan ko sila Tita--"

"Go! Call my Mom! I'll leave this bar!" Dinampot ko ang susi ng kotse pati ang leather jacket ko at saka na umalis. Narinig ko pang tinatawag nila ako at tinatanong kung saan ako pupunta pero hindi ko na sila pinansin.

Naghahanap ako ng kaibigan, hindi ng nanay!

Nagdrive lang ako nang nagdrive. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

May nangyari ba talaga sa amin? Puta naman yang Agatha na yan! Bakit ba ginugulo ang buhay ko!

Bigla akong napapreno nang may babaeng patawid na hindi ko napansin agad. Agad akong bumaba sa kotse at nilapitan ang babaeng nakaupo sa gitna ng daan at nakatakip ang mga tenga gamit ang kamay nya.

"Pwede ka namang tumakbo! Bakit naupo ka nalang dyan?!"

Magsasalita pa sana ako nang tumingin sya sa akin.

Umiiyak sya at parang takot na takot. Yung galit ko, nawala lahat. Nang makita nya ako, bigla nalang syang humagulgol ng iyak at sumalampak nang tuluyan sa daan.

Kaagad ko syang nilapitan at inakay papasok ng kotse ko. Hindi parin sya tumitigil sa pag-iyak kaya bago ko pa isara ang pinto sa tabi nya, nilapitan ko sya at bumulong sa tenga nya.

"Shhh. Don't cry"

---

Pagdating ko sa bahay, inalalayan ko syang makapasok sa loob. Naghihintay si Mommy sa sala kaya dinala ko sya sa tabi nya.

"What happened, Dean? Who is she?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

"I don't know." Iniwan ko sya kay Mommy. Nakatulala ito at parang hindi napapansin si Mommy na nagtatanong kung okay lang ba sya.

Umakyat ako sa kwarto ko at nahiga. Tumitig ako sa kisame.

"Bakit inuwi ko sa bahay yung babaeng yon? Puta  baka modus yon! Lintek na konsensya to, bakit ba umatake nanaman!"

Napakamot ako sa ulo ko at saka na pumikit.

---

Alas-syete ng umaga nang magising ako. Nag-ayos ako ng sarili at nagpasya nang bumaba. Pagbukas ko palang ng pinto ng kwarto ko, naamoy ko kaagad ang breakfast namin. Tocino. My favorite.

Pano ba namang hindi ko magiging favorite e, doon daw ako pinaglihi ni Mommy. Tinungo ko na ang daan papunta sa dining room nang may mapansin akong nakaupo sa sofa sa sala. Dahil gutom na ako, hindi ko nalang pinansin. Baka bisita ni Mommy.

"Mom"

Hinalikan ko ang pisngi nya at saka na umupo. Nakatingin sa akin ng makahulugan si Natasha kaya naman kinunutan ko sya ng noo.

"Anong problema mo? "

Nginitian nya ako nang matamis at saka umiling. Ang weird.

"Kain na kayo." Nginitian ako ni Mommy kaya kumain nalang ako.

Tinawag nya ang isang maid namin at may sinabi dito. Umalis ang maid kaya tinuloy ko ang pagkain.

Maya maya, may pumasok sa dining na isang babae. Napatayo pa ako mula sa pagkaka-upo nang makita ito.

"Ikaw?! Bakit nandito ka pa?"

Muntik pa akong mapatalon nang hampasin ako ni mommy sa braso. Buntis ba talaga si mommy? Bakit ang lakas nyang manghampas! Partida, 9 months na! 2 months na ako dito, 2 months ko naring iniisip kung buntis ba talaga sya sa lakas nyang yan!

"Don't be rude. Besides, ikaw ang nagdala sakanya dito! Bisita mo yan!" Inirapan pa nya ako.

"Akala ko umalis na sya!" Hindi ako pinansin ni mommy, nilapitan nya yung babae at inakay papunta sa upuan. Tinitigan sya nito kaya sumenyas si Mommy na kumain na sya kaya tumango ito. Ano to, silent treatment?

Habang kumakain, napapansin kong tinitingnan ako ni mommy tapos titingin dun sa babae. Ngingiti naman yung babae pag tinitingnan sya ni mommy. Pati si Natasha ay nakikitingin at nakikingiti din. Ang weird nila , sobra.

Pagkatapos kumain, nagpunta ako sa garden namen. Kasalukuyan akong lumalanghap ng sariwang hangin nang makita ko ang babaeng nakangiti na paupo sa bench dito sa garden. Tinitigan ko ito. Maganda naman sya, may hubog pero hindi mawala saken yung pag-iisip na baka manloloko tong babaeng to! Bakit parang ang close nya kala Mommy at Natasha. Knowing Natasha, mataray yon!

Nilapitan ko ito. Nakatingin lang sya sa akin na parang nagtataka. Nang makalapit na ako sa kanya, doon ko lang napansin na may hawak syang sketchpad.

"Bakit nandito ka pa?" Nginitian nya ako pero hindi sya sumagot.

"Bakit kako nandito ka pa?! Hindi ka ba sasagot!" Kumunot ang noo nito at tumingin sa ibang direksyon na parang walang narinig sa mga sinabi ko.

Tumayo ito at tumalikod. Aakmang hahakbang na sya nang hawakan ko ang braso nya. Naiinis na ako! Bakit ba ayaw nyang sagutin ang mga tanong ko?!

Magsasalita na sana ako nang mabigla ako sa sigaw ni Natasha.

"Dean! Bitawan mo sya! Tanga ka ba?! Nakakarinig sya ng konti pero hindi sya makapagsalita! Kuya, pipi sya!"

Nabitawan ko ang babae. May sinulat sya sa sketchpad nya at saka sya humarap sa akin. Binasa ko ang nakasulat don.

"Sorry. Aalis na ako"

--------------

Wala pa akong maisip na title kaya binigyan ko na kayo ng super duper special chapter! Haha! Malakas kayo sa akin e! So pano ba yan? May hint na kayo kaya magbigay na kayo ng title parang awa nyo na. Hahahaha! Iloveyou!

(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon