1 month. 1 month ang hinintay namin bago sya maoperahan. Pagkapunta kasi namin noon dito sa ospital, kinonfine na sya agad dahil oobserbahan pa sya. Ayaw pa nyang magpaconfine noon, pero wala syang nagawa. Wala rin akong nagawa.
Ang sabi ng doctor, kapag hindi agad sya naoperahan, baka lumaki ang bukol at biglang maging cancer kahit na noong una ay ang sabi nila, hindi daw cancerus yun. Natatakot ako. Baka kung ano ang mangyari.
"Doc, kailan sya magigising?" Tanong ni Tito Rommel sa doctor na katatapos lang icheck si Dj. Kahapon pa tapos ang operasyon pero hanggang ngayon, hindi pa sya nagigising. Kahapon pa rin akong nakaupo sa tabi nya at lagi syang kinakausap kahit na tulog sya.
"Hintayin nalang muna natin syang magising. Hindi pa namin alam kung kailan. Pero stable ang pasyente kaya wag kayong mag-alala"
Pagkalabas ng doctor, naramdaman kong papalapit sa amin si Tito at saka nya ako hinawakan sa balikat.
"Kath, kumain ka muna. Gabi na rin. Hindi ka pa nag-uumagahan at nagtatanghalian. Wag mong pabayaan ang sarili mo."
Tiningnan ko sya saglit pero binalik ko rin ang tingin ko kay Dj.
"Mamaya na po, Tito. Hindi pa naman po ako gutom" Wala akong ganang kumain. Pakiramdam ko hindi ako gutom. Minsan noong pinilit kong kumain, naisuka ko rin naman. Hihintayin ko muna syang magising. Alam kong malapit na yun.
"Sige lalabas lang ako saglit. Ibibili na rin kita ng pagkain para hindi ka na lumabas mamaya"
Tumango lang ako at saka sya lumabas. Dumukdok lang ako sa kama nya habang hawak ang kamay nya. Matutulog na muna siguro ako.
Nagising ako nang may yumugyog sa akin. Akala ko gising na si Dj pero hindi. Si Tito na may dalang pagkain ang bumungad sa mukha ko. Binigyan ko sya ng ngiti at saka nya ako inabutan nang mansanas na nakabalat.
"Kahit ganito lang kainin mo. Baka magalit si Dj sa akin pag nalaman nyang hindi ka kumakain" Kinuha ko sakanya yung mansanas at saka kinagatan.
"Tito, kamusta nga pala yung school?"
"Okay naman. Sila Denise at Kris muna ang bahala dun. Wag mo na munang masyadong isipin"
Tumango ako at saka tiningnan si Dj.
"Maswerte sya na may kagaya mong nag-aalaga at naghihintay sakanya"
Napatingin ako kay Tito pero kay Dj sya nakatingin.
"Minsan iniisip ko kung naaalagaan ko lang sya dati ng mabuti, hindi yung puro trabaho lang ako, hindi sya naging mahilig sa laro. Hindi sya naglalaro ng mga babae. Ade sana, hindi ka umalis. Hindi sya nagkaganyan. Hindi sya naging miserable nang isang taon. Walang iiyak na mga babae."
"Hindi, Tito. Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan. Kaya ka nagtratrabaho para mabuhay si Dj. Para maganda ang buhay nya. Kaya wala kang kasalanan. Ginawa nyo ang tama. Kung tutuusin nga, dapat hindi nalang ako umalis. Hindi ko nalang sana tinakasan yung problema at sana pinagpaliwanag ko nalang sya. Ade sana hindi sya naaksidente."
May sasabihin pa sana si Tito nang may biglang tumunog at dumiretso ang life line. Huminto ang paghinga ko ata saka automatic na tumakbo ako sa labas ng kwarto. Si Tito, nilapitan si Dj.
"Tulong!!! Doc! Si Dj" Nagtakbuhan ang mga nurses pati yung doctor papasok sa loob ng kwarto. Lumabas si Tito at saka kami naupo sa bench sa tapat ng kwarto.
Nakasapo sa kamay ni Tito ang mukha nya habang umiiyak. Hindi ko na napigilan ang luha ko at saka hinagod hagod sa likod si Tito.
Anong nangyayari? Hindi maproseso ng utak ko lahat. Dumiretso ang life line. Hindi pwede.
Ilang minuto ang lumipas nang lumabas ang doctor. Tumayo kami ni Tito at saka sya nilapitan.
"Gising na sya" Naningkit ang mata ko nang sabihin yun ng doctor. Nang unti unting nagsink in ang lahat, mabilis kaming pumasok sa loob ng kwarto at saka nilapitan ni Tito si Dj.
Dilat na dilat ang mga mata nya. Hindi ako nananaginip.
"Dad" Tumulo na naman ang luha ko. Sa wakas narinig ko na sya ulit na nagsalita. Narinig ko na ulit ang boses nya. Dinambahan sya ng yakap ni Tito kaya niyakap din nya ito.
"Ano ba yan, Dad! Hindi naman ako namatay. Bakit umiiyak ka? Haha" para akong tangang ngumingiti nang marinig ko sya tumawa.
"Masaya lang ako. Buti nagising ka na. Kahapon ka pa namin hinihintay na magising"
"Namin?" Kunot noong tanong nya.
"Oo anak. Kahapon ka pa namim hinihintay ni Kath"
"Kath?"
Ohmygod. No.
"Kathryn? T-Teka. Hindi mo naaalala?" Nauutal na tanong ni Tito. Nawala ang ngiti ko. Nawalan ako ng pag-asa. Hindi ba nya ako naaalala?
"Sino bang Kathryn? hindi ko sya kilala. Bakit nandito yan? Sino sya?" Bumalik ang luha ko. Nanginginig narin ang tuhod ko. P-paanong---
"Daniel. sya yung girlfriend mo! Hindi mo talaga naaalala?"
Nakatayo lang ako dito, medyo malayo sa kama nya. Pakiramdam ko, kapag lumapit ako, sisipain nya ako o kaya papaalisin.
"Wala akong girlfriend. Paalisin nyo nga yan dito! Hindi ko nga sya kilala!"
Parehas kaming nagulat ni Dj nang hampasin ni Tito ang lamesa sa tabi nya.
"Don't talk to her like that, son! She's your girlfriend! You're just joking! Stop that damn joke. Hindi nakakatawa!" Napaurong ako ng kaunti sa sigaw ni Tito. Tiningnan ko si Dj pero nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa Dad nya.
"You've got to be kidding me! I don't remember who is she! And.. and.. she's face is annoying! Hell! Go now.. What ever your name is!" Galit ang tono nya kaya lalo akong napahikbi.
Tiningnan ako ni Tito nang gulat pero nginitian ko sya.
"Aalis na muna ko, Tito. A-Ayos lang po" Tumalikod na ako agad at saka tinakpan ang bibig ko para maiwasan ang hikbi ko.
Hanggang sa lumabas ako ng kwarto, naririnig ko silang nagsisigawan.
Si Tito, para pilitin na girlfriend ako ni Dj.
At si Dj na pinipilit na hindi nya ako kilala.
Masakit. Sobrang sakit. I think that is called Retrograde Amnesia, right? Yung naaalala nya yung mga nangyari sakanya few years ago. Kaya hindi nya ako maaalala. Si Tito lang ang kilala nya.
Ang sikip ng dibdib ko. Hindi ako makahinga.
------
Very short update. Hinabol ko lang to ngayong gabi. Bumabawi lang ako dahil ang tagal tagal kong hindi nakapag-update :)
i have a good news! Hihihi. Well, hindi naman sya big deal.
Last last week, nakapagbakasyon ako sa Mindanao! 10 days lang ako dun pero sobrang saya :) Shine-share ko lang ^_^
Wag nyong kakalimutan. VOTE/COMMENT :)
Love you :*
BINABASA MO ANG
(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]
Fiksi PenggemarBook 2 of My Campus' Princess :) Sa mga hindi pa nakakabasa nang MCP , hanapin nyo nalang sa account ko :) PaFollow na rin ? Thank you ! :*