MCBR//28

3K 67 7
                                    

Nagising ako sa alarm ko. Napabangon ako bigla dahil hindi ko alam kung pangilang beses nang paulit ulit yun na nagaalarm. Hayy.

"5:30 na. Jusko. Nag-alarm pa naman ako kunyari nang 5am, gantong oras lang din pala ko gigising"

Sabi ko sa sarili ko habang bumabangon. Kumuha ako ng twalya at pumasok na sa Cr para maligo.

Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako papunta sa kusina. Kailangan kong magluto at matapos lahat ng paglilinis bago magising si Dj este Daniel.

-

Nag-aayos na ako ng plato sa lamesa. 6:30 am narin kasi.

Nagliligpit ako ng mga kalat nang marinig kong may bumababa.

Bumungad sa akin ang mukha ni Dj.

"Kain ka na"

Tiningnan nya lang ako tapos dumiretso sya papunta ng ref at saka binuksan yun. Kumuha sya ng tubig at saka uminom.

"Bakit nakabihis ka? May lakad ka ba?"

Di na nya ko pinansin. Umalis sya ng kusina kaya sinundan ko sya.

"Di ka pa pwede lumabas. Dito ka muna sa bahay. Makakasama sayo yan. Kagagaling mo palang sa ospi--"

"Wag ka ngang maingay. May lakad kami ni Dad"

"Good Morning, Anak, Kath"

"Ti--Daddy!" Salubong ko kay Daddy Rommel sabay beso sakanya.

"O bakit di ka pa nakagayak?"

Sabi nya sa akin pagkatapos naming magbeso.

"Po?"

"Sabi ko bakit hindi ka pa nakabihis?"

"Dad, Tayong dalawa lang diba? At saka Daddy? Di mo naman sya anak!" Kunot noong sabi ni Dj sa tatay nya.

"Wag mo ngang sigawan yang Daddy mo!" Saway ko sakanya.

"Manahimik ka nga dyan!"

"Dj! Wag mong sisigawan si Kathryn!"

"Bakit? Ha? Sino ba sya?"

Napakagat nalang ako ng labi. Naiiyak na naman ako. Lecheng luha. Sino nga ba ko?

"Magbihis ka na Kathryn."

"Kumain na po ba kayo? May nakahain po sa mesa. Kain po muna kayo."

Tumango nalang si Daddy Rommel at saka nya hinatak si Dj papunta ng kusina.

"Ayokong kumain, Dad!"

"Kumain ka! Kailangan mong uminom ng gamot mo"

Hanggang sa umakyat ako sa kwarto ko, naririnig ko silang nagtatalo.

Pinunasan ko nalang yung luha na tumulo galing sa mga mata ko. Kailangan kong magpakatatag para kay Dj. Di dapat ako nagpapaapekto sa mga sinasabi nya.

Nagbihis lang ako sandali at saka na ako bumaba.

"Saluhan mo kami. Umupo ka na dito"

Tinanguan ko lang si Daddy Rommel at saka na umupo sa tabi nya.

"Nga po pala, san tayo pupunta?"

"Mall lang. Matagal tagal na kasi nung last tayong nagkasama sama. Tutok kasi sa trabaho"

"Ah. Sure ba kayong isasama nyo ko? Wag nalang po kaya? Mukhang mas masaya si Daniel pag wala ako"

"Buti alam mo" Bulong ni Dj kayalang mukhang narinig ni Daddy Rommel kaya napatingin ito sakanya.

(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon