*fake cough*"Kakain na tayo, bumaba na kayo"
Pagkasabing pagkasabi ko nun, mabilis akong lumabas ng kwarto nya. Dumiretso ako sa kwarto ko at saka dun inilabas ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
Sh*t. Ang sakit.
Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa kusang tumigil ng mga luha ko sa pagbagsak. Naghilamos ako at saka na lumabas ng kwarto ko. Dumiretso ako sa dining. Bago ako makapasok, huminga muna ako ng malalim.
Wala nang tao dito. Nakatakip narin ang mga pagkain sa lamesa. Tapos na siguro silang kumain. Kumuha ako ng plato at saka kumain mag-isa. Hindi ko naman hahayaan ang katawan ko dahil lang sa walang kwentang nakita ko kanina. Paksyet.
Pagkatapos kong kumain, ipinusod ko ang buhok ko sa tuktok ng ulo ko. Naghugas na ako ng mga pinagkainan. Nakarinig naman ako nang tawanan sa labas kaya tiningnan ko iyon. Pagkabukas ko nang pinto, bumungad sa akin sila Dj, Dex, Sam at Haris na nag-iinuman.
"Nandyan lang pala kayo" Nginitian nila ako maliban kay Dj. Nagpaalam nalang ako na itutuloy ko ang paghuhugas ko nang pinggan kaya pumasok na ulit ako.
Nang matapos ko ang paghuhugas, sya namang pasok ni Dj sa kusina.
Napahinto sya nang makita ako. Nakita kong nayukom nya ang isa nyang kamay.
"M-May problema ba?" Takot na tanong ko sakanya.
"Kuha kang yelo. Bilis!"
Yun lang ang nasabi nya at saka nagmamadaling lumabas at pinuntahan ang mga kaibigan nya.
Nakunot nalang ako ng noo at kumuha nalang ng yelo.
"Kath, tara inom tayo" Aya sa akin ni Dexter.
"Nako, hindi na. Kayo nalang"
"Mapapahiya ba ako, Kath?" Sabi nya sa akin kaya napatigil ako.
"Ipapahiya mo ba ang bisita nyo?"
Wala akong nagawa kundi ang umupo at makisama sakanila. Nakatingin naman ng masama si Dj sa akin.
"Dalawang puno sayo Kath a? Kanina pa kami dito eh"
Tinanggap ko nalang ito. Hindi lang naman ako ngayon nakainom eh. Sa States, pampatanggal stress namin ito nila Aria at Bea. Yun nga lang pag gising namin kinabukasan, mas lalo kaming naiistress dahil sa salitang hang-over. Nakainom na din ako kanina ng marami kasama si Tippy kaya madali nalang akong nahilo. Nang hindi ko na kaya, nagsuggest silang maglaro.
"Anong laro?"
"Kapag hindi mo nagawa ang pinapagawa sayo, iinom ka. Hindi pwedeng saluhin ng iba" sabi ni Sam sabay tingin kay Dj.
Asa namang sasaluhin nya yung sa akin kahit na hilo na ako diba? Wala nga lang ako sakanya eh.
"Game" Tumango ako. Grabe ang sakit ng ulo ko. Umiikot na rin ang paningin ko.
"Haris, ikaw ang una" Yun ang huling narinig ko sakanila dahil pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung aakyat na ba ako sa kwarto ko o makikisali pa ako sa kalokohan nila.
"Ikaw na Kathryn" Napaangat ako ng ulo nang may humawak sa balikat ko.
"Ha?" Natawa sila sa reaksyon ko.
"Ikaw na kako"
"Ah sige. Ano yun?"
"Kiss Dj"
"What?!" Sabay na gulat na tanong namin ni Dj.
Ako? Hahalikan ko si Dj?
"Chill, bro. It's just a dare"
Napatingin sa akin si Dj. Totoo ba? Hahalikan ko talaga sya?
BINABASA MO ANG
(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]
Fiksi PenggemarBook 2 of My Campus' Princess :) Sa mga hindi pa nakakabasa nang MCP , hanapin nyo nalang sa account ko :) PaFollow na rin ? Thank you ! :*