MCBR//22

4.7K 89 4
                                    

"I Love You, Ma! Ingat din po kayo dyan!"

"I love you more, anak! Don't worry, aalagaan ka nyang si Dj!" Tapos natawa pa sya. Nangiti ako at saka tumingin kay Dj.

"You sure, Ma?"

"Subukan lang nyang hindi ka alagaan, hija! Patay sa akin yan kapag umuwi na kayo"

Natawa ako nung sumingit pa si Tita Karla sa usapan namin. Mga maloloko talaga ang mga magulang namin ni Dj.

"Aalagaan ko, Ma! Pag ayaw sumunod sa akin papaluin ko ng mga halik!"

Namula ako sa sinabi ni Dj. Yumuko ako at saka sya hinampas para hindi nya makita ang pamumula ko.

"Nako! Sige na nga! Baka kami pa ang langgamin dito sa ka-sweetan nyong dalawa!" Sabi ni Tita at saka tumawa.

"Bye na, mga anak! Enjoy nyo ang Bora!" Nagpaalam na sila ni Tita kaya tiningnan ko si Dj at saka ngumiti.

Maswerte talaga kami sa mga magulang namin.

***

"Anak, mahal na mahal kita"

*Ssssccccrrrreeeeeeeeccccchhhh*

"T-tulong! Tulungan nyo kami!" Rinig kong sigaw ni Papa. Dumilat ako pero masakit ang katawan ko.

Napaiyak nalang ako nang makita ko si Papa na nakayakap sakin. Mas lalo pa akong naiyak nang makakita ako ng dugo.

"Papa! May dugo ka sa mukha. Anong nangyari sayo?!" Sigaw ko sakanya.

Nakapikit lang sya kaya pinilit kong gumalaw. Napapikit ako. Ang sakit ng katawan ko.

"PAPA! MAY BATA PA SA LOOB!" Kahit nakapikit ako, nakarinig ako ng boses ng batang babae.

"T-tulungan nyo kami!" Sigaw ko. May mga paa akong naaninag na palapit sa amin kaya napangiti ako. Ligtas na kami ni Papa.

May bumuhat sa akin palabas at saka ako inihiga sa tabing kalsada.

Dumilat ako at saka nakita ko ang batang babae na nakatingin sa akin. May hawak syang manika. Si Doraemon. Ngumiti ako pero inirapan nya lang ako.

Hinihintay kong ilabas si Papa sa kotse pero nilapitan kami ng isang lalaki.

"Tara na, Tippy." Tumango ang batang babae "Opo, Papa" Tapos pumasok na sila sa isang Van.

(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon