"Bro!" Nilapitan nila Kats si Dj na nakaupo habang nakapatong ang paa sa center table.
"Kats? Long time no see!" Sinalubong nito nang yakap ang apat. Nakatingin lang ako sa malayo. Kasama kong pumunta dito yung apat dahil pinilit nila ako. Sinabi ko na sakanila ang kalagayan nya pero ayaw naman nila maniwala.
"Seriously, Dj? Magkakasama lang tayo nung isang araw. Binisita ka namin sa ospital bago ka operahan" Natatawang sabi ni Lester habang papaupo sa tabi nya para manood ng TV.
"Sorry, Bro. Wala akong matandaan"
Napakunot ang noo nung apat at saka tumingin sa akin. Nandito lang ako sa pinto. Hindi ko sila sinundan sa pagpasok sa loob dahil baka makita ako ni Dj. Natatakot ako baka kung anong...
"Akala ko binibiro lang kami ni Kath!" Halatang gulat ang tono ni Seth kaya napakunot ng noo si Dj.
"Kath?" Tiningnan ako nila Kats at saka tingin kay Dj . Napansin naman yata yun ni Dj kaya napatingin sya sa akin. Napayuko nalang ako. Sabi na nga ba, masamang ideya ang magpunta dito. Sana hindi nalang ako nagpapilit dun sa apat.
"Bakit nandito ka?!" Sigaw nya kaya nagulat ako. Nakatingin sa amin sila Kats. Hindi ko kasi sinabi kay Dj na kaming dalawa ang nakatira sa bahay na to. ayokong magalit sya sa akin lalo. Hindi na nga nya ako maalala, pinagsisiksikan ko pa ang sarili ko. Nakatago lahat ng gamit ko sa kwarto ko at nasa akin ang susi para hindi nya mabuksan. Baka kapag nakita nya yun, ipaalis nya dito yung mga gamit ko.
"Chill Bro. sinama namin sya dito" Kahit na gulat sa naging reaksyon ni Dj na nandito ako, nakasagot parin si JC sa tanong nya. Tatayo na sana sya nang pigilan sya ni Lester at ni Seth.
"Sino nagsabi sa inyong pwede nyong dalin yan dito? Paalisin nyo nga yan!" Pilit na kumawala si Dj sa dalawa kaya napaurong ako. Natatakot na ko sakanya. Sa itsura nya, parang sasaktan nya ko. Kapag tumingin ako sa mata nya, galit at pagkainis ang nakikita ko kapag nakikita nya ako. Namimiss ko na yung dating sya. Yung dating Dj na nakangiti kapag nakikita palang ako sa malayo at yung Dj na hindi ako masigawan at magawang saktan pisikal at emosyonal.
Humakbang ako paurong. Pipigilan sana ako ni Kats nang ngitian ko sya. "Pasensya na. Nakagawa pa ko ng gulo. Mauna na ako sa inyo. May pupuntahan pa pala ko"
Pagkasabi ko nun, tumalikod na ako saktong pagpatak ng luha kong kanina ko pa pinipigilan. Bumalik na sya sa dating parang walang pakielam sa paligid nya. Pero kahit ganun, natutuwa ako dahil nandun parin yung palagi nyang mood swing. Kahit na kapag nakikita nya ako, nagagalit sya, nandun parin yung Dj na kilala ko. Madaling magbago ang emosyon.
Naglakad nalang ako pauwi sa bahay ko. Kasama ko doon si Danna at Papa. Dun nalang muna ako titira hanggang sa kaya ko. Hanggang sa kaya kong malayo sakanya. Ako ang nagdesisyon nito. Noong una ayaw pa ni Tito Rommel pero napapayag ko narin sya. Pero ang sabi nya babalik daw ako dun kapag sinabi nya.
Um'oo' nalang ako para matapos na. Hanggang ngayon, hindi pa inoopen ni Danna ang tungkol kay Dj pati narin si Papa. Kasi siguro alam nila masasaktan at malulungkot ako kapag naiisip ko yung kasalukuyang nangyayari.
Kaya pala ang saya saya namin nung araw na sinurpresa nya ako. Yun na pala yung huling araw na masaya kami. Na masaya ako. Sasaya pa kaya ako? Sana bumalik na yung ala-ala nya. Ang sabi naman kasi ng doctor babalik yun pero matatagalan. Few years ago ang naaalala nya pero yung mga nakaraang taon, hindi nya maalala. Siguro pati yung tungkol sa pustahan at tungkol sa mga plano namin noon para sakanila, hindi na nya maalala.
Naalala ko tuloy yung mga naaalala ko kapag nagkakavision attack ako. Sana makilala ko na si John John. Sana makita ko na sya para may nasasabihan ako ng mga mabibigat na nararamdaman ko. Sana may bestfriend ako na malalapitan. Wala kasi sila Julia at ang barkada ngayon. Nasa bussiness party sila kasama ng mga pamilya nila.
BINABASA MO ANG
(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]
Hayran KurguBook 2 of My Campus' Princess :) Sa mga hindi pa nakakabasa nang MCP , hanapin nyo nalang sa account ko :) PaFollow na rin ? Thank you ! :*