Tahimik na lang akong sumunod sa kanila patungo sa magiging kwarto ko. Binuksan ni Manang Yolly ang pinto at mabilis namang pumasok si Lester sa loob. Bago pa ako makapasok ay lumabas na siya para balikan ang isa pang maleta sa ibaba. Tinapunan niya ako ng matalim na tingin. Isang nakakalokong ngisi ang aking isinukli. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob at pabagsak na humiga sa kama. Ang sarap talaga mahiga pagkatapos ng mahabang araw.
"Maiwan na kita, hija," paalam ng matanda.
"Good night, Manang. Pasensya na sa abala," mahinang tugon ko habang nakapikit.
Iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ang pagbagsak ng kung ano sa sahig.
"Thank you, Lester," saad ko nang palabas na siya ng kwarto. Ngunit bigla siyang huminto at muling humarap sa akin.
"Don't call me Lester," seryosong wika nito.
"At bakit hindi? Iyon din naman ang tawag sayo ni Cess," saad ko nang i-angat ko ang aking katawan gamit ang mga siko.
"Siya lang ang pwedeng tumawag sa akin ng Lester," tugon nito bago lumabas ng kwarto.
"Pathetic!" bulong ko.
I'll call him Lester because I want to! Tinatawag niya nga ako sa aking unang pangalan tapos ako hindi pwede?
Kinabukasan pagbaba ko'y hinanap ko kaagad si Manang Yolly. Natagpuan ko siyang nagluluto sa kusina.
"Good morning, Manang."
"Magandang araw sa'yo, hija. Kumain ka na. May nakahain na sa hapag-kainan."
"Si Lester po, nasaan?"
"Si Jim? Kanina pa umalis, hija. Ang bilin asikasuhin ka," sagot nito habang hinahalo ang niluluto.
"Saan po nagpunta?"
"Sa opisina."
Oh, yes. Sa pagkakaalam ko'y dinala niya ang negosyo nilang textile and garments dito sa bansa. Basically, it's a branch. It's Cordova's Textile and Garments Philippines. I heard it from my parents while they're talking about it.
"Gusto mo ba ng kape?" alok nito.
"Hindi na po. Kakain na lang po ako ng tanghalian mamaya. Maliligo lang po ako," tanggi ko. Dahil sa pagod at puyat ay tinanghali na ako ng gising. Halos alas-once na ng umaga nang ako'y magising.
"Tamang tama. Tapos na 'tong niluluto ko pagbaba mo."
"Hindi na, Manang. Gusto ko sanang kumain sa labas. Ilang taon din akong 'di nakauwi sa Pilipinas."
"Mukhang hindi ka makakaalis, hija," wika nito pagkatapos humarap sa akin.
"B-bakit po?" nagtatakang tanong ko.
"Narinig ko ang habilin ni Jimuel kay Caloy na 'wag kang hahayaang makalabas."
"P-po? Sino po si Caloy?" naguguluhang tanong ko.
"Ang kinuhang gwardiya ni Jimuel para magbantay nitong bahay. Pinayagan siyang mag-day-off kahapon kaya hindi mo na nakilala."
Bwusit talaga! Ano'ng balak niya sa akin? Ikulong ako dito na parang preso?
"Baka naman mapakiusapan ko, Manang. Babalik naman ako bago pa makauwi si Lester...I-I mean Jimuel," giit ko.
"Ikaw ang bahala," sagot nito bago hinarap muli ang kanyang niluluto.
Pagkatapos maligo at nakapag-ayos ay lumabas ako ng bahay. Sinalubong ako ng matangkad na lalaki na may matipunong pangangatawan. Maitim ang kanyang balat dahil na rin siguro sa kanyang trabaho.
BINABASA MO ANG
Deal With It! (DDG Series #1)
RomanceDDG Series presents Lester Jimuel. Lester Jimuel Cordova, one of the members of the so-called 'DDG Brothers' on their campus . DDG means Drop Dead Gorgeous. Their friendship began way back in High school. Since then, they value the importance of BR...