Chapter 13

624 19 2
                                    

Hindi ko alam kung gaano na katagal ang lumipas mula nang magsimulang magkwento si Cess. Hindi pala talaga ganoon kadali ang mga pinagdaanan niya sa buhay. Umuwi ako noon nang mamatay ang kanyang ina at amain. Ayoko man siyang iwan no'n ngunit kinailangan kong bumalik kaagad sa Canada dahil sa pag-aaral ko. Alam kong kailangan niya ako noong panahon na 'yon ngunit wala akong choice kundi lumipad agad pabalik sa Canada. Alam ko ring tumira siya mag-isa sa kanilang bahay noong mag-kolehiyo na siya ngunit mula noon ay marami pa pala siyang pinagdaanan lalo na sa buhay pag-ibig. Lahat ay ikinwento niya mula ng pagtaksilan siya ng nobyo niyang si Jiro na naging daan para magdesisyon siyang lumipat ng paaralan. Noon niya nakilala si Ramiel Pierre at ang mga kaibigan nito. Inilarawan rin niya kung paano siya pinagtulungan nina Margie at mga kaibigan nito. Kaya naman pala mabigat ang loob ko sa babaeng 'yon. Ramdam ko ang sama ng ugali nito.

 Matiyaga akong nakinig sa kanyang kwento. Ang dami kong nalaman na rebelasyon. Nakaramdam ako ng inis kina Ram at Lester nang malaman ko ang mga naging kasalanan nila sa kaibigan ko. Sobra talaga akong nagulat nang ipinaliwanag niya sa akin kung paanong si Ram ang tunay na ama ni Prince. Nawala naman agad ang inis ko sa kanya nang malamang hinanap nito ang ama ni Cess para sa kanya. Siya ang naging daan para magtagpo muli ang mag-ama. Kinilig talaga ako sa kung paano sila tuluyang nagkaayos. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Bagama't maraming pinagdaanang pagsubok ay sila pa rin pala sa bandang huli.

"Hindi ko alam kung dapat ko pa ba 'tong sabihin sa'yo," pagkuwa'y wika nito.

"Ang alin?" tanong ko.

"Parehong nagsumikap ang dalawa na suyuin ako subalit naging matigas ako dahil sobra nila akong nasaktan. Ngunit hindi ko inasahan nang sabihin ni Lester na ipinauubaya na niya ako kay Ram dahil may kailangan siyang pakasalan. Kahit gusto pa raw niya ipaglaban ang pag-ibig niya sa akin ay ubos na raw ang palugit niya na hiniling sa magulang niya. Hindi ko maintindihan kung anong palugit ang ibig niyang sabihin. Ang sabi ko pa nga'y hindi niya kailangan pakasalan ang babae kung ayaw talaga niya. Ngunit nang malaman ko noong araw ng aming kasal na ikaw pala ang nakatakda niyang pakasalan ay natuwa ako," salaysay nito.

"Bes..."

"Ako ang unang taong matutuwa kapag nangyari 'yon," nakangiting dagdag nito na tila nanunukso.

"Kasunduan lang 'yon, Cess. Wala akong balak na magpakasal sa taong hindi ko mahal," palilinaw ko.

"Hindi mahirap mahalin si Lester, Ey. Maniwala ka. Hindi magiging kami kung hindi nahulog ang loob ko sa kanya. Mabait at sobrang mapagmahal."

"Mabait? I don't think so!" mariin kong tutol.

"Marahil ay hindi mo lang nakikita dahil nangingibabaw ang inis mo sa kanya sapagkat siya ang gusto ng magulang mo para sa'yo. Ngunit kung susuriin mong mabuti ay makikita mo kung paano siya kahusay mag-alaga. It really breaks my heart every time I  see the pain in his eyes. I don't want to hurt him but I did, unintentionally. He's a good man, Ey. Believe me. He could be funny too."

 Bigla kaming napalingon sa pinto nang may kumatok. Ilang sandali lang ay sumungaw si Pierre.

"Hello girls. Sorry to interrupt your girl talk. Aalis na raw si Trev, sweetheart," bungad nito.

"Agad?"

"Dadalawin niya si Trish. 'Di ba nga may sakit kaya hindi nakasama," tugon ng kanyang asawa.

"Sige. Susunod kami."

Paglabas nami'y tumuloy agad ako sa sala. Naupo ako sa tabi ni Lester na nakahilig ang ulo sa sandalan ng sofa at nakapikit.

"Lasing ba 'to?" tanong ko mga kaibigan niya. Natigil sila sa pagkukwentuhan at bumaling sa akin.

"Hindi. Nakatulog lang. Hindi nga gaanong uminom dahil kasama ka raw pauwi," sagot ni Caelvin sabay kindat sa akin.

Deal With It! (DDG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon