Chapter 5

717 19 2
                                    

Grabe naman pala talaga siya kung magalit. Kulang na lang ay umusok ang kanyang ilong. Hindi na ako nagtataka kung bakit takot na takot si Caloy sa kanya.

"Huwag mo ubusin ang pasensya ko! Sumagot ka!" muli niyang sigaw.

"S-sa mall. Pinagawa ang phone ko," sagot ko habang magkasalubong ang aking mga kilay.

 Ano ba kasing pinagpuputok ng butse niya? Hindi naman ako tumakas. Bumalik naman ako.

"Sinong may sabing pwede kang lumabas?" mariin niyang tanong.

"At bakit hindi pwede?" inis kong bwelta.

"Dahil sinabi ko. Parusa mo 'yon dahil sa paglalayas mo!"

 Naningkit ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Pinag-krus ko ang aking mga braso.

"Paalala ko lang sa'yo. Hindi pa kita asawa, Mr. Cordova. My God! Mahigpit ka pa sa magulang ko," sagot ko habang nakataas ang isang kilay.

"Pinagkatiwala ka ng ama mo sa akin kaya responsibilidad kita. Kung hindi ka kayang disiplinahin ng mga magulang mo...Pwes! Ako ang gagawa no'n," seryosong tugon nito.

"Hindi na ako bata!"

"Then, don't act like one!"

"At ikaw naman, sesante ka na," baling nito kay Caloy. Malungkot siyang tumingin sa amo.

"Teka lang naman. Wala siyang kasalanan. Pinakiusapan ko lang siya na palabasin ako," protesta ko. Hindi ko naman hahayaang mawalan siya ng trabaho nang dahil sa akin.

"Ako ang amo pero ikaw ang sinunod. Ayoko ng taong hindi kayang sumunod sa pinag-uutos ko," malamig niyang saad.

"Kaya lang naman niya ako sinunod ay dahil sinabi kong magiging amo na rin niya ako," pag-amin ko. Nagtangis ang kanyang bagang.

"Paano ko naman ipaliliwanag sa magulang mo kung sakaling napahamak ka dahil sa pagiging iresponsable niya?" inis niyang bwelta.

"Bigyan mo naman siya ng isa pang pagkakataon. Wala naman nangyari sa akin. Inaako ko na nga ang kasalanan. Sa katunayan ay ayaw niya talaga akong paalisin ngunit kinulit ko," katwiran ko.

"No. Nagdesisyon na ako," mariin niyang tanggi.

"Wala ka ba talagang awa? Aalisan mo ng trabaho ang taong tanging kumakayod para sa pamilya niya?" sumbat ko na may halong pangongosensiya.

 Tumingin siya kay Caloy, na tahimik lang na nakayuko.

"Sana'y naisip niya 'yon bago niya ako sinuway," galit niyang saad bago tumalikod. Aba't ang tigas pala talaga ng puso niya. Hinabol ko siya nang papanhik na siya ng hagdan.

"What can I do to change your mind?" mabilis kong pigil.

 Huminto siya sa pag-akyat. Ilang sandaling namayani ang katahimikan.

"Fine. I want you to be in my room in thirty minutes," sagot nito nang hindi man lang ako nilingon. Pagkatapos ay mabilis siyang nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan.

 Bakit sa kwarto niya? Ano'ng gagawin ko doon? Bigla tuloy akong sinalakay ng matinding kaba. Kaagad kong iwinaksi sa isipan ko ang aking hinuha. Malungkot akong tumingin kay Caloy. Hindi pa rin siya tumitinag sa kanyang kinatatayuan. Marahil ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Marahan ko siyang nilapitan.

"I'm sorry, Caloy. I lost track of time. And believe me, I didn't mean this to happen. 'Wag ka muna umaalis. Kakausapin ko siya mamaya. Hindi ako papayag na alisin ka niya sa trabaho."

"Salamat po," malungkot niyang tugon.

"Huwag ka na mag-alala. Gagawin ko ang lahat para 'wag kang mawalan ng trabaho," paniniguro ko bago siya iniwan para umakyat sa aking kwarto.

Deal With It! (DDG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon