Umaga pa lamang ay naririto na ang mga bisita. Nasaksihan ko kung paano sila kapag magkakasamang nagkakasayahan. Tila hindi nila alintana ang oras. Kwentuhan dito at kwentuhan doon. Kahit nang magtanghalian ay patuloy pa rin sila sa huntahan. Sa malawak na hardin namin napagkasunduang magkasayahan. Naglabas sila ng ilang folding tables at chairs. Hapon na nang nagkasundong maglaro ng poker sina Will, Caelvin, Trevor at Tommy. Samantalang si Clyde ay sinamahan si Lester habang nag-iihaw ng barbecue.
"Mas masaya siguro kung kumpleto tayo, ano?" wika ni Trishia habang tinutulungan akong mag-ayos ng mga pagkaing niluto ni Manang sa long table. Napangiti siya nang biglang naghiyawan ang mga poker players at saglit na sinulyapan ang mga ito.
"I'm gonna visit the couple one of these days. I miss my bessy and their cute little one," sa halip ay saad ko.
"Oh, yeah. She's pretty like her soon to be ninangs," wika nito sabay kindat.
"Kailan daw ang binyag?" natatawa kong tanong sa kanya.
"No idea," kibit-balikat niyang tugon.
"Can I ask you something?" sa halip ay tanong ko.
"Yeah. Sure," mabilis naman niyang tugon.
"Matagal na raw kayong magkasintahan ni Trevor. Bakit hindi pa kayo nagpapakasal?"
Muli ay nagkibit-balikat siya.
"Hindi ko alam. Siya lang naman ang hinihintay kong mag-aya. I'll definitely say yes if he will..."
"May problema ba?" usisa ko.
"Wala naman. Maayos naman ang relasyon namin. Masaya kami kung anong meron kami. Siguro ay may gusto pa siyang patunayan sa Papa ko bago ako yayaing magpakasal. My father is in politics. Nang magkakilala kami ay Mayor pa lamang ang ama ko. Ngayon isa na siyang Governor."
"Oh, I see. You look good together. I think you will be a good couple too. To think, you've been together for a long time. Hmmn...since when? High school? College?"
"High School."
"Wow! Just wow," hindi makapaniwalang saad ko.
"Thanks. Pero may palagay akong mauuna pa kayo ni Lester sa amin," tukso nito.
"Hindi rin. Mukhang wala pa naman siyang planong pakasalan ako."
"Pero kung sakaling yayain ka na niyang magpakasal...Papayag ka ba?" usisa nito.
"Hindi pa siguro. Mahal ko ang trabaho ko."
"Pwede ka pa naman magtrabaho kahit kasal na kayo, girl," katwiran nito.
"I don't think so. May palagay akong hindi siya papayag."
"Isa lang ang solusyon diyan. Kapag inaya kang pakasal, gawin mong kondisyon ang maipagpatuloy mo ang iyong trabaho bago mo ibigay ang matamis mong oo," suhestiyon nito sabay ngiti.
"You're funny."
"C'mon, I'm serious. Pero alam mo, magkaiba tayo. Kung ako lang, papayag ako kahit maging plain housewife na lang. Basta ba pakasalan na ako ng gunggong na boyfriend ko."
"Ready ka na?"
"Oh yeah. Baka kasi subukin pa kami ng tadhana. Siya na ang nakikita kong makakasama ko sa pagtanda," mabilis nitong tugon.
"Ikaw na ang mag-aya. May mga babae nang nag-popropose ngayon," suhestiyon ko sabay ngisi.
"Grabe ka," natatawang sagot nito.
--------
Ilang araw ang nakalipas ay dumalaw kami kina bessy. Nasa nursery kaming dalawa ni Cess kasama ang baby habang sina Pierre at Lester ay nagpasya nang bumaba. Mataman kong pinagmamasdan si Cess habang pinapalitan ng diaper ang baby. Sanay na sanay na talaga siya pagdating sa pag-aalaga ng sanggol. Ngunit hindi naman iyon nakapagtataka dahil hindi ito ang unang beses niyang mag-alaga ng baby. Napunta sa kanya ang kanilang panganay nang sanggol pa lamang ito.
BINABASA MO ANG
Deal With It! (DDG Series #1)
RomanceDDG Series presents Lester Jimuel. Lester Jimuel Cordova, one of the members of the so-called 'DDG Brothers' on their campus . DDG means Drop Dead Gorgeous. Their friendship began way back in High school. Since then, they value the importance of BR...