Chapter 34

1K 33 22
                                    

Lester's POV

"No. Let's call off the engagement."

"W-what?" gulat kong bulaslas.

Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Noong dinalaw namin ang mag-asawang Pierre at Cess ay umuwi siyang mag-isa sa bahay. Akala niya siguro'y umalis na ako. Kinabukasan nama'y nalaman kong umalis siya nang hindi nagpapaalam. Pagkatapos nang isang linggo ay hindi pa rin siya bumabalik ay nagdesisyon na akong sundan siya.

Noong isang araw, nang pasukin ko ang kanyang kwarto ay nakaramdam ako ng sobrang lungkot. Naisipan kong buksan ang closet at bigla akong kinabahan nang makita na wala siyang tinirang damit. Tila wala na siyang balak na bumalik pa dahil limas ang kanyang mga gamit. Hindi tulad noong una siyang umalis. May mga iniiwan pa siyang mga damit kaya kampante akong babalik pa siya.

"Umalis ka na," pagtataboy niya sa akin. Bumalik sa kasalukuyan ang pagbabalik-tanaw ng aking isipan. Nakaramdam ako ng sobrang takot.
Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Hindi ako aalis nang hindi kita kasama. Mahal kita, Adreanna. Umuwi na tayo," wika ko at saka lalong hinigpitan ang yakap sa kanya. Natatakot na makawala siya sa akin.

"Let me go!" pilit kumakalas sa aking mga bisig.

"I won't marry you!" dugtong nito.

Tuluyan ko na siyang binitawan. Tinitigan ko siya nang mataman para matiyak na seryoso siya sa kanyang sinabi.

"A-ayoko na," saad nito. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang paggaralgal ng kanyang boses.

"What do you mean, Adreanna?" kinakabahan kong tanong. Natatakot ako sa maaari niyang isagot sa akin.

"Ayoko nang manatili sa buhay mo. Ayoko nang bumalik ng Pilipinas. Ayoko nang makasama ka pa. Ayoko nang pakasal sa'yo," mabilis niyang sagot.

Nanikip ang aking dibdib habang binibigkas niya ang bawat salitang namutawi sa kanyang mga labi. Parang hindi ako makahinga habang pauulit-ulit na naririnig ang salitang "ayoko". Pakiramdam ko'y unti unti akong nanghihina nang tuluyan nang naproseso ng aking utak ang ibig niyang mangyari.

"W-why, Adreanna? Why are you doing this to me? It's as if you are asking me not to breathe."

Tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang pisngi ngunit mabilis niya itong pinunasan na para bang ayaw niyang makita ko na nasasaktan din siya.

"Tell me, Adreanna. I know you are hurting just as much as I do. I wanna know why you are acting this way," malumanay kong saad ngunit bakas sa tinig ang bigat na aking nararamdaman.

"I can't bear a child."

"W-what?" gulat kong tanong.

"You are expecting me to carry a child isn't it?" sa halip ay sagot nito.

"O-of course. Y-you are a woman. It's natural to--"

"Don't give me that bullshit!" putol nito.

"You want me to get pregnant that's why you had sex with me!" dagdag nito.

Nagsalubong ang aking kilay. Bahagyang napailang.

"We made love darling. Not just sex!" pagdiriin ko.

"Made love, sex, fuck. Whatever is it! You planned to knock me up! And don't you ever deny it because I heard you and your best friend talking about it!"

Bahagya pa rin akong nagulat kahit na may hinala na akong 'yon ang dahilan kung bakit siya umalis. Iyon lamang ang maaaring maging rason kung bakit bigla na lamang siyang umuwi at iniwan ako noong araw na dumalaw kami kina Pierre. Binalak ko siyang kausapin na lamang kinabukasan ngunit nalaman kong nakaalis na siya.

Deal With It! (DDG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon