Chapter 20

770 22 11
                                    

Kausap namin ni Zeb ang ilang fashion designers na nanood ng show nang mahagip ng aking tingin sa 'di kalayuan sina bessy kasama ang asawa nito't mga kaibigan. Kumaway sa akin si Cess at nginitian ako ng mga kasama niya. Sumenyas ako na pupuntahan ko sila pagkatapos kausapin ni Zeb ang mga kausap na designer. Tumango-tango si Cess. Nang magawi ang aking tingin kay Lester ay blangko ang ekspresyon ng mukha nito kaya naman muling nabuhay ang aking pag-aalala. Sinikap kong ituon na lamang ang atensyon sa mga kausap. Sa narinig kong pag-uusap nila kanina ay interesadong ang isa na kunin akong modelo sa susunod nitong fashion show kaya naman nanghingi ito ng calling card kay Zeb.

Nagulat ako nang mapansin ang paglapit ni Lester sa amin. Napatingin tuloy sa kanya ang aming mga kausap.

"Excuse me. I'm sorry to interrupt you I just want to give these flowers to my fiancee," wika nito. Dahilan upang mapasinghap si Andee na katabi ng kaibigan niyang designer.

Atubili kong kinuha ang bulaklak ngunit hindi ko inasahan ang paghalik nito sa aking pisngi. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Bigla akong nanigas nang pinulupot nito ang kanyang kamay sa aking bewang na para pang sinasadyang ipakita sa lahat na pag-aari niya ako.

"OMG! Ikakasal ka na? Paano na ang pagmomodelo mo? Sayang, girl..."

"Yes, I'm engaged Andee but no plans yet for the wedding. Matagal pa siguro 'yon," sagot ko na may kasamang pekeng tawa.

Pasaway talaga 'tong kumag na 'to! Ang sarap tirisin ng buhay. Bakit ba kailangan niyang sabihin na fiancee niya ako? Baliw ka talaga Lester!

"Mabuti naman kung ganoon. Irampa mo muna ang mga gawa ko bago ka mag-asawa," biro ng kaibigang designer ni Andee na si Elzy. Kasunod no'n ay ang mahinang tawanan.

"That's why you need to grab the opportunity habang hindi pa kami kasal. Gusto ko kasing magka-baby agad kami," singit nito na talaga namang ikinagulat ko.

Pasimple ko siyang tinitigan ng masama bilang babala ngunit hindi man lang siya apektado.

"Sayang ang ganda at kasexy-han ng mapapangasawa mo kung gano'n. Masisira ang figure niya sa oras na manganak siya. I-delay n'yo muna ang baby. Tiyak na maraming magiging offer na trabaho sa kanya. Marami kaming kilalang designers. We can recommend her," sabat ni Andee.

"That's what I want. Tingin ko'y sasang-ayon din naman ang magiging biyenan ko sa akin. 'Di ba, love?" tugon nito at saka bumaling sa akin.

"Saka na natin pag-usapan 'yan, my dear. Balikan mo na ang mga kasama mo at susunod ako pagkatapos," sagot ko habang pilit na itinatago sa ngiti ang nararamdamang inis.

"It's okay, girl. Itong si Zeb na lang muna ang kausapin namin. Samahan mo na ang pogi mong fiance," sabat ni Elzy.

"Oh, I'm sorry, guys. I forgot to introduce him. This is Lester Jimuel Cordova," paghingi ko ng paumanhin nang mapagtantong hindi ko pa nga pala siya ipinakilala.

"Hi!" halos sabay sabay nilang bati.

"Hello," bati naman nitong pabalik.

"Go ahead. Take your fiancee out. It's been a long day baka kanina pa gutom 'yan," hudyat ni Andee na maaari na niya akong isama.

"I'll text you, A. Sunod ako," saad naman ni Zeb.

"Thank you so much, guys. Nice to meet you all. Excuse us," wika ni Lester bago bumaling sa akin.

"Let's go?" aya nito at saka ako inakay patungo sa kinaroroonan nina Cess.

"What were you thinking?" inis kong sita sa pabulong na paraan.

"Nothing. Come on, Adreanna. Don't start. Let's celebrate with my friends. Kailangan kong masulit ang ginastos ko sa kanila."

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko habang magkasalubong ang aking mga kilay.

Deal With It! (DDG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon