Lester's POV
Galing ako ng kusina at may dalang isang basong tubig nang magtungo sa sala. Nakapangalahati ko pa lang ang iniinom ko nang mapatingala ako sa may hagdan. Natigilan ako sa pag-inom nang makita ang ayos ni Adreanna habang pababa na ng hagdan. Sports bra lamang ang suot nitong pang-itaas at kitang-kita ang maliit niyang tiyan. Itim ang suot niyang sweatpants na hanggang ilalim ng tuhod ang haba at ito'y hapit na hapit sa kanya. Pula naman ang suot niyang sneakers na katerno ng suot niyang sports bra. Nakatali ang kanyang buhok at tanging lipstick ang inilagay sa kanyang mukha. She is indeed sexy. She has a perfect body any woman could wish for.
"Let's go?" wika nito nang tuluyan nang makababa.
"Baka nakakalimutan mo nasa Pilipinas ka, Adreanna. Magpalit ka ng pang-itaas mo," utos ko.
"What? Don't be ridiculous. This is a sportswear," reklamo nito.
"Gusto mo ba talaga akong mapaaway, Adreanna?"
"Oh, come on! Madaling araw pa lang. Halos tulog pa ang mga tao. Walang mambabastos sa akin ng ganitong oras."
"Hindi ka nakasisiguro. Walang pinipiling oras ang mga masasamaang tao," inis kong sagot.
"Will you please stop nagging? Are we going or not?" iritableng wika nito habang nakataas ang isang kilay.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Nilagok ko ang natitirang laman ng baso at pabagsak na ibinaba sa coffee table. Sumunod siya sa akin nang magpatiuna ako palabas ng bahay.
"Kapag nabastos ka talaga sa suot mo Adreanna sinasabi ko sa'yo hindi kita tutulungan," umaangal sa wika ko habang nilalagay sa aking kanang braso ang armband kasama ng iPod. Isinalpak ko ang earphones sa aking tenga ngunit hinila niya ang isa dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Inaya mo ko pero kung may mambastos sa akin ay wala kang pakialam?"
"Kaya nga pinapapalit ko 'yang suot mo. You like bringing trouble. Don't you?" inis kong wika habang naglalakad palabas ng gate.
She just rolled her eyes at me. Umiiling na lang ako at saka nagpatiunang tumakbo pagkatapos ibalik ang earphones sa aking tenga.
"Hey! Wait for me!" habol nito.
Rinig ko pa rin siya dahil sinadya kong wag lakasan ang volume ng aking iPod. Hindi ko siya pinansin. Nagkunwari akong hindi siya naririnig.
"Dahan-dahan naman! 'Wag mo kong biglain. Kahit mga runners ay mababagal lang sa simula," reklamo nito. Sinisikap makasabay sa akin. Hindi ko pa rin siya pinansin.
"Lester! Are you listening to me?" sigaw nito. Sinadyang lakasan ang boses nito. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Nagpapanggap pa rin na 'di siya naririnig. Tinahak ko ang palikong daan at saka ko pa lamang siya nilingon.
"Hurry up!" malakas kong sigaw.
"Slow down!" malakas na tugon nito.
"Did you say something? I can't hear you," sagot ko nang hindi siya nililingon.
"Damn you! Bakit ba ako sumama sa'yo?" umaangal pa ring sagot nito.
"May sinasabi ka ba?" tanong ko. Kunwa'y 'di ko narinig ang kanyang sinabi.
"Tadyakan kita d'yan, eh!" inis niyang sagot. Napangiti tuloy ako. Napaniwala ko talaga siyang malakas ang tugtog na nagmumula sa aking earphones.
"Infairness naman sa'yo, maganda ang pangangatawan mo. Sa katawan mong 'yan siguradong nag-g-gym ka rin. May abs ka rin siguro, 'no? Ilan kaya? Six packs? Eight packs? Hindi ko kasi nabilang noong madatnan mo ko sa kwarto mo at palabas ka naman mula sa banyo," humihingal sa wika nito habang sinisikap pa ring makahabol sa akin.
BINABASA MO ANG
Deal With It! (DDG Series #1)
عاطفيةDDG Series presents Lester Jimuel. Lester Jimuel Cordova, one of the members of the so-called 'DDG Brothers' on their campus . DDG means Drop Dead Gorgeous. Their friendship began way back in High school. Since then, they value the importance of BR...