Chapter 30

680 13 2
                                    

Paglabas niya ng banyo ay suot na niya ang bathrobe. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama habang papalapit siya.

"Magbihis ka na't lalabas na muna ako," wika ko bago tumalikod. Hindi pa man ako nakakalayo nang hawakan niya ako sa braso.

"'Wag ka umalis," pigil nito.

"Sandali lang ako. Maliligo lang ako't babalikan kita."

"Please," pakiusap nito. Tuluyan nang pinulupot ang mga kamay sa aking braso. Nagpakawala ako ng isang  malalim na buntong-hininga. Kumalas ako sa kanya at iginiya siya sa may closet.

"Magbihis ka habang naliligo ako," utos ko bago tumalikod upang magtungo sa banyo.

 Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa loob. Ang dami kasing pumapasok sa isip ko habang naliligo. Nang lumabas ako'y nakatapis lamang ako ng tuwalya. Si Adreanna nama'y nakapantulog na. Nakasandal sa head board ng kama at nakatakip ng kumot ang kalahati ng katawan.

"Humiga ka na't matulog," saad ko habang mataman niya akong tinititigan.

"Saan ka pupunta?" naalarma niyang tanong nang akma akong lalabas.

"Magbibihis lang ako sa aking kwarto. Babalikan rin kita."

"Pero—"

"Mabilis lang ako. Magbilang ka hanggang isang daan. Before you know it nakabalik na ako," putol ko. Umaasang sa pamamagitan ng pagbibilang ay bahagyang malihis sa isipan niya ang nangyari sa kanya. 

 Kahit napipilitan ay tumango ito. Mabilis akong lumabas at nagtungo sa aking silid. Kumuha ng boxer shorts at puting sando sa closet at nagmamadaling isinuot ang mga ito. Pinunasan ang aking buhok gamit ang tuwalya at basta na lamang itong inihagis sa kama.

 Halos takbuhin ko pabalik ang kanyang silid dahil sa pag-aalala. Hindi na ako kumatok pa. Kaagad akong pumasok ngunit bahagyang natigilan sa nadatnan ko. Nakayakap siya sa kanyang mga binti at mariing nakapikit habang nagbibilang pa rin. Batid kong sinusubukan niyang maibsan ang nararamdamang takot.

 Shit! Hindi ko akalaing ganito ang epekto ng nangyari sa kanya. Ano bang ginawa ni A— Clyde sa kanya? Bakit siya takot na takot na mag-isa? Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama.

"I'm here," alo ko at saka siya niyakap. Nag-angat siya ng tingin at yumakap sa akin nang mahigpit.

"Magpahinga ka na," utos ko sa mababang tinig. Inihinga ko siya sa kama at saka kinumutan. Kumuha ako ng unan at dinala sa mahabang sofa na nasa gilid.

"Sleep with me," pakiusap nito. Lumipad ang tingin ko sa kanya.

"W-what?"

"I-I m-mean, sleep beside me. Here in my bed," paglilinaw nito.

"B-but—"

"Please?" pakiusap nito sa malambing na tinig.

 Huminga ako nang malalim bago kinuhang muli ang unan mula sa sofa. Umusod siya nang bahagya at pagkatapos ay humiga na ako sa tabi niya. Nagulat ako nang ipatong niya ang kanyang ulo sa aking dibdib at saka ipinulupot ang kamay sa aking bewang. Pumikit ako ng mariin bago siya dahan-dahang niyakap. Ang isang kamay ay hinahaplos ang kanyang buhok habang ang isa nama'y nasa kanyang likuran.

"Sleep, Adreanna," bulong ko sa kanyang tenga. Nakapikit na't nagsimulang maging normal ang kanyang paghinga na para bang naging kalmado na ito. Ngunit mukhang ako naman ang mahihirapan makatulog nito.

                            --------

"No!" malakas na sigaw na nagpabalikwas sa akin.

Deal With It! (DDG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon