Chapter 6

719 20 0
                                    

Marahan akong humarap sa kay Lester. Obviously, kadarating lang niya mula sa trabaho dahil hindi pa siya nakapagpalit ng damit. Kumunot ang kanyang noo dahil hilam ng luha ang aking mga mata.

"This onion makes me cry," paliwanag ko sabay pakita ng hinihiwa kong sibuyas. Marahan itong umiling dahil sa pagkadismaya.

"Marunong ka na ba magsaing kaya mo naisipang magluto? Pakiusap, ayokong kumain ulit ng bigas," wika nito bago kumuha ng baso mula sa cupboard at tinungo ang  water dispenser.

"Kainis ka. Pasalamat ka nga't sinusubukan ko nang gumawa ng mga gawaing bahay," sumisinghot kong sagot.

 Kaasar talaga ang taong 'to. Walang appreciation! Ginagawa ko na nga ang lahat para matuto ng mga gawaing bahay tulad ng gusto niya tapos ganito pa siya. Sana man lang ay bigyan niya ako ng encouragement. Pero hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit ganyan na lang ang reaksiyon niya nang malamang ako ang magluluto.

"Makikikain na lang ako sa mga brads," pagkuwa'y iwas nito.

"Ang sama mo!" nakangusong bulaslas ko

"Hindi. Hindi ka aalis! Kailangan mo husgahan ang iluluto ko. I badly want a reward! I can't stay here like a prison. Mababaliw ako!" dugtong ko. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.

"Sige. Ayusin mo 'yang niluluto mo at lalabas tayo pagkatapos maghapunan." 

 Biglang nagliwanag ang aking mga mata.

"Saan tayo pupunta?" sabik kong tanong.

"Nightclub. You know, to unwind."

"Really?" masayang tugon ko.

"Yes. 'Di ba gusto mo lumabas?"

 Pwede na rin. Kahit gusto ko sana mag-isang lumabas at makapamasyal.

"Ano? Ayaw mo ba?" tanong nito nang hindi ako sumagot kaagad.

"Siyempre, gusto!" mabilis kong sagot.

"Good," tanging sagot nito bago lumabas ng kusina.

                              ------

"Ano 'to?" tanong nito nang nasa harap na kami ng hapag-kainan.

Magkasalubong ang kanyang kilay habang may kinukuha sa isang mangkok ng tinola gamit ang kutsara.

"Pakakainin mo ko ng plastic?" nanlalaki ang mga matang akusa niya sa akin pagkatapos kunin ito at itaas mula sa kutsara.

"Ito naman, baka nasama lang nang hindi ko sinasadya. Marahil ay nang ilagay ko ang manok," depensa ko.

"Sabi ko na nga ba't makikikain na lang ako sa mga brads," naulinigan kong bulong niya sa sarili.

"Kapag namatay talaga ako Ey-ey mumultuhin talaga kita," reklamo nito.

"Wow! Ey-ey? Close tayo? At pwede ba walang lason 'yan kung gusto kita lasunin sana'y kagabi pa. Idadamay ko ba ang sarili ko? Hindi ka rin nag-iisip, 'no?" sarkastikong sagot ko.

"Ikaw..., ang dami mong reklamo. Kapag tinatawag kang Adreanna ayaw mo. Ngayong tinawag ka namang Ey-ey ayaw mo rin. At teka lang, wala akong sinabing nilagyan mo ng lason 'yan. Baka lang ma-food poison ako dahil hindi ko alam ang mga sinahog mo d'yan sa niluto mo. Masisisi mo ba ako matapos kong makakita ng lumulutang na plastic?" iritang tugon nito.

"Huwag kang mag-alala. Pinapangako kong ipalilibing kita," nakangising sagot ko.

"Ewan ko sa'yong babae ka," umiiling niyang sagot.

 Pagkatapos maglagay ng kanin sa kanyang plato ay kita pa rin ang pag-aalangan niyang kumuha sa niluto kong tinola. Hindi ko na lang siya pinansin. Naglagay na rin ako ng kanin sa aking plato. Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang iniluwa ang kanyang isinubo. May tumalansik pang kanin sa mukha ko.

Deal With It! (DDG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon