Kaagad kong pinindot ang chat head nang marinig ang pagtunog ng aking cellphone. Tumambad sa akin ang reply ni bessy.
Sa facebook. Tagged by someone I do not know. Her name is Rienne Jamie Harrison.
Ah, kaya naman pala. Hindi kami friends ni Lester sa facebook. Hindi naman ako nag-abalang hanapin ang kanyang facebook account at i-add siya. Ni wala nga akong ideya kung anong social media accounts ang meron siya bukod sa facebook.
I don't know her. Why don't you ask your husband, Cess? Sagot ko.
Do you want me to? Mabilis nitong reply.
I really don't care, bes. Ask his friends, his brads for all I care! Why me? Do you really think I care? To hell with him!
Sa kanya ko naibuhos ang galit ko. Hindi ko maiwasang mainis dahil tila may gusto siyang ipahiwatig. Pinindot kong muli ang chat head nang sumulpot ito.
Calm down, Ey. 'Wag ako ang awayin mo. Tinatanong ko lang naman kung kilala mo 'yung babae. Engaged na kayo. Ano na lang ang iisipin ng mga magulang mo kapag nakita nilang may kasamang iba ang mapapangasawa mo?
Nagbuga ako ng malalim na buntong-hininga bago sumagot.
Cess, kung iyan ang paraan niya para makalawa sa engagement ay wala na akong magagawa. Hindi ko siya pipigilan dahil noong simula pa lang ay ako ang mas tumututol sa aming pagpapakasal.
BINABASA MO ANG
Deal With It! (DDG Series #1)
RomansaDDG Series presents Lester Jimuel. Lester Jimuel Cordova, one of the members of the so-called 'DDG Brothers' on their campus . DDG means Drop Dead Gorgeous. Their friendship began way back in High school. Since then, they value the importance of BR...