Chapter 19

661 16 3
                                    

Umalis kami ni Zeb sa bahay nang hindi nagpapaalam kay Lester dahil ayokong abalahin pa ang kanyang tulog. Nagpahatid na lamang kami kay Caloy sa airport at inihabilin na sa oras na makauwi ito'y ipaalam kaagad sa kanyang amo na nakalipad na kami patungong Cebu.

 Habang sakay ng eroplano ay tila lumilipad rin ang aking utak. Hindi maalis sa isip ko ang mga maaaring mangyari habang wala ako. Malaya na ang dalawa na gawin ang lahat ng kanilang gustuhin. Mas magkakaroon ng pagkakataon ang Reanne na 'yon para maakit si Lester. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit binabagabag ang aking isipan ng mga alalahaning 'yon. Dapat pa nga'y matuwa ako dahil magkakaroon ako ng dahilan para ayawan ang pagpapakasal sa kanya. Maaari kong kumbinsihin ang aking ama na 'wag na ituloy ang kasunduan dahil palikero naman ang gusto niyang pakasalan ko. Igigiit kong masasaktan lang ako sa bandang huli. Siguro nama'y mas mahalaga para sa kanila ang kapakanan ko kaysa negosyo nila. Pero maniwala naman kaya sila sa salita ko? Sa tingin ko kasi'y mas paniniwalaan nila si Lester dahil sa paningin nila'y maganda ang reputasyon nito kaysa sa pasaway nilang anak. Kaya siguro ganoon na lamang ang inis na nararamdaman ko kay Lester dahil kinaiinggitan ko ang paghanga at respetong ipinapakita sa kanya ng mga magulang ko kaysa sa akin na sarili nilang anak.

 Nalilito na talaga ako sa nararamdaman ko ngayon. Bakit ganoon na lang ako kaapektado sa pag-alis ko? Bakit tila nag-aalala pa ako? Hindi ba dapat ay maging masaya ako dahil kahit pansamantala'y mawawala sa paningin ko ang nakakainis na lalaking 'yon? Hindi na niya ako maaaway dahil magkalayo kami. Mapapanatag ang aking isipan nang dahil doon. Ngunit ganoon nga ba? Parang hindi naman. Bakit tila mas nababagabag ako?

 Shit! Am I falling for him? It can't be! No! no! no!


Lester's POV

Kanina ko pa tinatawagan si Adreanna sa kanyang cellphone ngunit mukhang nakapatay na ito. Nakalipad na siguro ang eroplanong sinasakyan nila patungong Cebu. Nalaman ko mula kay Caloy na hinatid niya nang maaga ang dalawa sa airport. Ang nakakainis ay hindi man lang niya ipinaalam sa akin na ngayon ang alis nila papuntang Cebu. Kahit kailan talaga ay pasaway ang babaeng 'yon. Ayon kay Caloy ay ayaw niyang gisingin pa ako para lang magpaalam kaya ipinaubaya na lamang sa kanya ang pagsasabi sa akin. Sana man lang ay ipinaalam niya sa akin kagabi pa. May palagay akong sinadya niya ito. Kahit kailan ay sakit talaga siya sa ulo.  

 Inis kong inilapag ang aking cellphone sa mesa ngunit sa kabila no'n ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Adreanna. Hindi sa nag-aalala ako na hindi na siya babalik. May mga tao akong nakasunod lagi sa kanya kaya hindi niya magagawang tumakas. Isa pa'y may tiwala ako sa kanya kahit na papaano. Gusto ko lang malaman kung nakarating sila nang matiwasay. Sinubukan kong tawagan ang mga taong inupahan ko ngunit hindi ko rin sila ma-contact. Tiyak kong nasa parehong flight sila dahil hindi hahayaan ng mga 'yon na mawala sa paningin nila si Adreanna.

 Sumandal ako sa aking swivel chair at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Kanina pa kasi ako hindi mapakali. Hindi ko mapagtuunan ng pansin ang trabaho. Kaninang kumakain ng almusal ay tila hindi ako sanay na wala siya sa harapan ng hapag-kainan. May mga iilang pagkakataon namang hindi kami magkasabay kumain pero bakit parang iba ang pakiramdam ko ngayong alam ko na hindi siya uuwi ng ilang araw. Wala pang bente-kwatro oras siyang wala sa bahay ay parang hinahanap ko na ang presensya niya. Kahit ngayon dito sa opisina'y siya pa rin ang laman ng utak ko.

"Here's your coffee," wika ni Rienne sabay lapag ng biniling kape sa labas.

"Thanks, Rienne. Excuse me, I just have to make a call," tugon ko sabay tayo at saka siya iniwan. Alam kong sinundan niya ako ng tingin ngunit wala akong panahon para alalahanin pa kung ano ang kanyang iisipin.

 Paglabas ng aking opisina'y kaagad kong pinagpipindot ang screen ng aking cellphone. Ilang ring pa lamang ay sinagot na ang aking tawag.

"Hello, brad?" tinig mula sa kabilang linya.

Deal With It! (DDG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon