Nasa labas na ako ng bahay habang hinihintay ang pagdating ni bessy. Tinawagan niya ako kani-kanina lang para ipaalam na papasok na ng village ang sinasakyang taxi. Nagsimula na akong maglakad patungo sa gate nang makita ang paghinto ng sasakyan sa tapat nito. Nang lumabas na si Cess mula sa taxi ay sinenyasan ko si Caloy na pagbuksan niya ito ng gate. Sabik ko siyang sinalubong nang tuluyan na siyang makapasok.
"Pasaway ka talaga, Princess Yzabelle. Tiyak na pagagalitan ka ng asawa mo mamaya," saad ko matapos makipag-beso sa kanya.
"Subukan lang niya. Tiyak na makakatikim siya sa akin. Hindi ba naman ako sinipot? Hindi na lang sana siya nangako na sasamahan niya ako sa check up ko. Nakakainis siya," tugon nito habang magkasalubong ang mga kilay.
"Intindihin mo na lang. Tiyak kong may maganda siyang dahilan kung bakit hindi siya nakaalis sa kanyang meeting," alo ko habang hinahagod ang kanyang braso.
"Cess, alam kong gusto mo siyang makasama dahil siya ang tatay ng magiging inaanak ko pero sana nama'y tinawagan mo ko nang malaman mong hindi siya makakarating para naman napuntahan kita," pagkuwa'y saad ko habang inaakay siya patungo sa bahay.
"Ayokong abalahin ka pa."
"Kahit kailan ay hindi ka makakaabala sa akin. Pagkakataon ko nang bumawi sa'yo habang naririto ako sa Pilipinas. Kaya sa susunod na kailangan mo ng tulong 'wag kang mangingiming tawagan ako. Okay?"
"Okay," nakangiting tugon nito at pagkatapos ay pinagmamasdan ang paligid ng bahay.
"Kung gusto mo dito ka na muna hanggang sa matagpuan ka niya. Natitiyak kong hindi lilipas ang araw ay malalaman niyang narito ka," pilyang suhestiyon ko sabay hagikgik.
"Sinasabi ko na nga ba. Aminin mo, kaya hindi ka tumanggi nang alukin kitang matulog sa amin no'n ay dahil alam mong hahanapin ka ni Lester kahit na anong mangyari. Tama ako, 'di ba? Pasaway ka ring babae ka," nangingiting baling nito sa akin.
"Kaya nga magkaibigan tayo. Birds of the same feather flocks together," natatawang tugon ko.
Huminto ako sa paglalakad nang tumigil siya ilang metro ang layo sa porch. Tiningala niya ang malaking bahay. Katulad ng naging reaksiyon ni Zeb nang mapagmasdan ito'y kita rin sa kanyang mga mata ang pagkamangha.
"Do you like it?" tanong ko.
"Yeah. This house is amazingly beautiful," komento nito habang patuloy na tinitingnan ang kabuuan nito.
"Gawa ng isa sa mga brads ni Lester," saad ko.
"Really? It's Trevor's design?" gulat na tanong nito.
So, ibig sabihin ba nito'y tanging si Trevor ang architect sa kanilang magkakaibigan?
"Yes, it is," wala sa loob na sagot ko.
"Wow! I don't know what to say."
Oh, wait for my revelation my dear friend.
"You really like it?" tanong kong muli.
"Yes. It's beautiful," tumatangong tugon nito habang nililibot ang tingin sa paligid. Mukhang nagustuhan rin niya ang landscape ng hardin. Paano pa kaya kung makita niya ang loob ng bahay?
"Alam mo bang pinagawa ni Lester ang bahay na 'yan para sa'yo?"
Halos mabali ang ulo nito nang gulat na mapatingin sa akin. Bahagyang napanganga sa aking rebelasyon. Marahan akong tumango para kumpirmahing totoo ang aking sinabi. Bigla niyang natutop ang kanyang bibig. Napansin ko ang namuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Ganoon ba talaga ang mga buntis? Nagiging emosyonal? Ngunit kaagad rin siyang nakabawi. Tumikhim siya at lumunok na para bang ayaw ipahalata na naapektuhan siya. Marahil ay nakaramdam siya ng guilt o pwede ring na-touched lamang siya.
BINABASA MO ANG
Deal With It! (DDG Series #1)
RomanceDDG Series presents Lester Jimuel. Lester Jimuel Cordova, one of the members of the so-called 'DDG Brothers' on their campus . DDG means Drop Dead Gorgeous. Their friendship began way back in High school. Since then, they value the importance of BR...