Chapter 29

658 13 11
                                    

Pumunta akong mag-isa sa address na ibinigay ng taong may hawak kay Adreanna. Hindi ako maaaring magkamali ng hakbang dahil nakasalalay sa akin ang kaligtasan niya. Kahit kinakabahan ay pumasok ako sa bungalow type na bahay. Madilim sa loob. Malalam ang liwanag na nanggagaling mula sa ilaw sa labas.

"Adreanna!" sigaw ko. Nagbabakasakaling marinig niya ako.

"Adreanna!" ulit ko habang luminga-linga sa paligid.

 Biglang bumukas ang ilaw. Saka ko lang nakita si Adreanna mga pitong metro ang layo mula sa akin. Akma ko siyang lalapitan nang may magsalita.

"Stay where you are," tinig na nakapagpatigil sa akin. Bigla siyang sumulpot mula sa kung saan. May hawak na baril at nakatutok sa akin.

"Zamorra," malamig kong saad habang nanlilisik ang mga tingin. Hindi na ako nagulat na siya ang may pakana sa lahat ng ito. Siya lang naman ang naisip kong maaaring gumawa nito.

"Ako nga," wika nito sabay ngisi. Ginagalit talaga ako ng walanghiya.

"Mula noon hanggang ngayon ay bakit dinadamay mo ang mga babaeng mahal ko sa galit mo sa akin!" galit kong sigaw. Nakuyom ko ang aking mga kamay. Nagtitimpi pa ako ng galit sa lagay na 'to. Kung hindi ay sinugod ko na ang hayop na 'to. Wala akong pakialam kung mabaril niya ako pero sisiguraduhin kong makakatikim muna siya ng suntok sa akin dahil sa ginawa niya kay Adreanna. At hindi ako titigil hanggang 'di siya nawawalan ng malay.

"Bakit?!" sigaw kong muli. Halos mapatid na ang ugat sa aking leeg.

"Dahil sa ganoong paraan ko lang makukuha ang atensyon mo! Kapag nagagalit ka ay doon mo lang ako napapansin!" sagot nito sa malakas ring tinig.

"Why do you want my attention? M-may gusto ka ba sa akin? Bakla ka ba?" naguguluhang tugon ko ngunit bakas pa rin ang galit sa aking tinig.

"Hell no! Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit galit na galit ako sa'yo! Hindi mo na naaalala. Kinalimutan mo ang pangako natin noon sa isa't-isa."

"Anong pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan," naguguluhang pa ring tanong ko. Nawawalan na talaga ako ng pasensya sa kanya. Kung makapagsalita kasi siya ay tila kabilang siya sa mga babaeng naging bahagi ng aking nakaraan.

"Hindi mo na naaalala ang batang pinagtanggol mo noon sa mga bully?"

 Napaisip ako ng ilang sandali. Teka, siya si...

"A-Al? Ikaw si Al?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Finally you recognized me," may pang-uuyam nitong wika.

"Is it really you?" muli kong tanong.

 Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Siya ba talaga si Al? Siya yung pinagtanggol ko noon sa mga nang-aaway sa kanya? 'Yung naging kaibigan ko noong bata pa kami? Ang pinangakuan ko noon na ipagtatanggol sa lahat ng mang-aapi sa kanya?

"Pero bakit...Paanong—"

"Bakit hindi mo ko nakilala? Iyon din nga ang pinagtataka ko. Hindi man lang ba pamilyar sa'yo ang pangalan ko," putol nito. Kita sa mukha ang matinding galit.

"I thought your name is Allan."

"It's Allen!" hiyaw nito.

"Why are you doing this, Al?" nagtatakang tanong ko.

 Ang hirap talaga paniwalaang siya ang kaibigan ko noon. Ang laki na kasi ng ipinagbago ng hitsura niya. Lalong lalo na ang ugali niya. Hindi ko sukat akalain na kaya niyang gawin ang ganito. Ang kilala kong Al ay hindi kayang manakit ng ibang tao.

 Bata pa kami nang magkakilala. Pauwi na ako noon mula sa paaralan. Karaniwan ay naglalakad lang ako pauwi sapagkat malapit lamang ang aming bahay na nasa loob ng isang subdivision. Tinatahak ako na ang daan patungo sa amin nang mapansin ko na pinalilibutan siya ng tatlong batang lalaki na hamak na mas malaki sa kanya. Nasaksihan ko kung paano siya pinagtulungan. Nakialam na ako nang sikmuraan siya ng isa. Marahil ay dahil sa takot kaya hindi siya lumaban. Dahil sa pagtatanggol ko sa kanya ay nagalit ang mga ito at ako ang pinagbalingan. Sa kasamaang palad ay hindi sila umubra sa akin. Takot na nagsitakbuhan nang mapagtantong hindi nila ako kaya. Kahit kasi papaano'y nagamit ko ang mga natutunan ko sa taekwondo class noong summer.

Deal With It! (DDG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon