Lester's POV
Kanina pa lutang ang isip ko. Hindi ko makalimutan ang ginawang pagsampal sa akin ni Adreanna. Hindi ko akalaing magagawa niya 'yon. Sobrang nagulat ako sa outburst niya. Pinagsisisihan ko ang aking mga nasabi. Napagtanto kong hindi ko dapat sinabi ang mga 'yon sa harapan pa ni Rienne. She's a pain in my butt but that doesn't mean she's really a bitch. She just have a strong personality.
"May problema ka ba? Iniisip mo pa rin ba ang pagsampal sa'yo ng babaeng 'yon? Pakakasalan mo ba talaga 'yon? Tingin ko'y may pagkabayolente siya," untag ni Rienne.
Napansin niya siguro na malalim ang aking iniisip. Nasa harapan siya ng aking desk sa loob ng aking opisina ngunit parang hindi ko siya nakikita kanina. Inilibot ko siya sa factory at sa tatlong palapag na building na nagsisilbing opisina ko at working place ng aking mga empleyado.
"Hindi mo pa siya kilala, Rienne. Ganoon lang ang naging reaksiyon niya nang dahil sa akin. Hindi dapat kita sinang-ayunan sa akusasyon mo. She's stubborn, yes, but not a bitch."
"She is. Nasaksihan ko kung paano ka niya pagsalitaan," giit nito na may kasamang inis.
"Mula pa nang magkita kaming muli dito sa Pilipinas ay ganyan na siya sa akin. She speaks her mind. No pretensions and I think that's good."
"Do you love her?" sa halip ay tanong nito.
Paano ko ba sasagutin ang tanong niya? Hindi ko pwedeng ipagtapat sa kanya na ipinagkasundo lamang kami ng aming mga magulang. Ayoko siyang umasa at ayoko rin siyang masaktan. Hindi lingid sa akin na may pagtingin siya sa akin noon pa man. Matalik siyang kaibigan ng aking nakababatang kapatid na babae. Hindi ko inasahan na makikita ko siyang muli nang makipagkita sa akin ang aking kapatid sa Toronto. Hindi ko binigyang kulay ang pagsama niya sa kanyang kaibigan sa aming itinakdang pagkikita. Ngunit nagduda na ako nang biglaan ang pagbabakasyon ni Rienne dito sa Pilipinas. Biglaan 'din nang ipaalam niya sa akin na magbabasyon dito sa bansa ang kanyang kaibigan. Nagulat ako nang sabihin nitong inalok niya ang kaibigan na sa bahay ko na lamang tumuloy sa halip na sa hotel. Then, I just realize her real intention. She's trying to set me up with her friend.
"Are you having second thoughts? Then, don't marry her. It would be the biggest mistake of your life," dagdag nito nang hindi ako makasagot.
Hindi pa rin ako umimik. Naalala kong bigla ang mga sinabi ni Adreanna matapos niya akong sampalin. Naintindihan ko ang galit niya kaya niya ako nasampal pero hindi ko maintindihan ay kung bakit pati ang nararamdaman ko sa kanyang kaibigan ay kailangan niyang banggitin. Mabuti sana kung kami lang dalawa ang nakakarinig sa outburst niya. Umani tuloy ako ng sari-sariling tanong mula kay Rienne. Ang tanging sinagot ko lang ay ex ko ang kaibigan nito. Bahagya pa siyang natigilan. Hindi makapaniwala sa aking ipinagtapat.
"I can help you to get out of the engagement, Jimuel," pagkuwa'y wika nito dahilan upang mapatingin ulit sa kanya.
"W-why?" naguguluhang tanong ko.
"You know why. I like you," diretsang sagot nito.
"Rienne..."
"I really do."
"I know but... K-kahit makawala ako sa engagement ay hindi ko maipapangakong matutumbasan ko ang pagtingin na inuukol mo para sa akin," tapat kong sagot.
"I'll take the risk."
Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"I'll keep that in mind. Pero sa ngayon wala 'yon sa plano ko. Kuntento ako sa sitwasyon namin ni Adreanna. Madalas man kaming mag-away ay kuntento pa rin ako sa kung paano siya sumunod sa napagkasunduan namin. That's more than enough," tugon ko.
BINABASA MO ANG
Deal With It! (DDG Series #1)
RomanceDDG Series presents Lester Jimuel. Lester Jimuel Cordova, one of the members of the so-called 'DDG Brothers' on their campus . DDG means Drop Dead Gorgeous. Their friendship began way back in High school. Since then, they value the importance of BR...