Eyra's POV
Matapos habulin at kausapin si Clyde ay pumihit na ako pabalik sa aking kwarto. Ang pinagtataka ko ay kung bakit tila nagmamadali siyang umalis. Nang usisain ko kung ano ang sadya niya ay gusto lang daw niyang humingi ng paumanhin sa nasabi niya kagabi. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon na 'yon para humingi ng tawad sa inasal ko kagabi. Tumango lang ito at mabilis na nagpaalam. Inutusan pa akong bumalik na lamang sa aking kwarto at 'wag na siyang alalahanin. Ano kaya ang napag-usapan nila ni Lester? Naulinigan ko lang kanina ang mga tinig na tila nag-aaway sa may pintuan kaya mabilis akong nagtungo roon kahit na ba pupungas-pungas pa dahil ginising ako ni bessy.
Ilang metro bago ang aking kwarto ay napahinto ako dahil narinig ko ang tinig ni bessy. Sigurado akong si Lester ang kanyang kausap sapagkat silang dalawa lang naman ang naiwan sa loob. Tsk. Hindi man lang nag-abalang magsara ng pinto. Dito pa sila nag-usap kung saan may maaaring makakita sa kanila. Dahan-dahan akong lumapit para pakinggan ang kanilang pag-uusap.
"Isa lang ang pakiusap ko sa'yo. 'Wag na 'wag mo siyang sasaktan, kung ayaw mo pang mamatay," wika ni bessy.
Ako yata ang pinag-uusapan nila. Nakakataba ng puso ang kanyang pagmamalasakit. She really cares about me.
"Kung ako na lang sana, Cess. Wala sana ako sa ganitong sitwasyon. Ako sana ang ama niyang dinadala mo. Ako na siguro ang pinakamaligayang lalaki ngayon sa mundo," dinig kong saad ni Lester.
Pinaghalong lungkot at pagkainis ang aking naramdaman dahil sa aking narinig. Nanghihinayang pa pala siya hanggang ngayon. Ang masakit tila ako pa ang may kasalanan kung bakit nahihirapan siya. Isa lang naman ang kahulugan ng kanyang sinabi. Hindi siya masaya sa mga nangyayari. Pero kung nahihirapan na pala siya'y bakit pa siya nagtitiyaga sa sitwasyon namin? Ilang beses ko nang sinabi na may paraan para makawala kami sa lintek na kasunduan na 'yon!
Naguguluhan talaga ako sa kanya. Kagabi'y umamin siya na nagugustuhan na niya ako. Bakit salungat ito sa sinasabi niya ngayon? Kung nagugustuhan na niya ako hindi ba't nangangahulugan 'yon na masaya siya kapag kasama ako? Mali pala ako. Hindi pala siya maligaya. Ang nakakainis ay parang pinaglololoko niya lang ako.
"Lester, don't say that again. You will be happy with my best friend. I really believe that you two are meant for each other. I can see both of you being a couple and having kids in the future, or maybe few weeks from now?" tugon ni bessy.
Few weeks from now? Teka lang akala ba niya'y may nangyari sa amin ni Lester dahil nadatnan niya ito sa aking kwarto?
"Do you think I could tame her?" tanong ni Lester na siyang ikinainis ko.
What the hell! Hindi man lang niya itinama ang mali nitong iniisip. At teka lang, anong 'tame' ang pinagsasabi nito? Anong akala niya sa akin? Wild?
"Yes. You're good at it. Now, get dress. Hindi porke maganda 'yang katawan mo'y pwede mo nang ibuyangyang sa harapan ko."
Walanghiya talaga. Hindi man lang naisipang magbihis. Sinasadya ba niyang akitin si bessy?
"Bakit? Naapektuhan ka ba, kamahalan?" tanong nito sa nang-aakit na tinig.
Nagtangis ang aking bagang. Aba't ka-lalaking tao'y ang landi!
"Magtigil ka nga. Hello? Buntis, o. At pwede ba, Mr. Cordova sa asawa ko palang quota na ako kaya hindi uubra 'yang pagpapa-cute mo," natatawang tugon nito.
"Aray ko naman. I don't really understand why you keep on hurting my ego."
Buti nga sa'yo! Bwusit ka!
BINABASA MO ANG
Deal With It! (DDG Series #1)
RomanceDDG Series presents Lester Jimuel. Lester Jimuel Cordova, one of the members of the so-called 'DDG Brothers' on their campus . DDG means Drop Dead Gorgeous. Their friendship began way back in High school. Since then, they value the importance of BR...