Chapter 38

6K 112 0
                                    

[Chapter 38]
-Harelline-

"Kailan ang due date ni Baby Loki, anak?" Napangiti ako sa tanong ni Mommy.

Nasa bahay ako ng parents ko. Mag-isa ko lang dahil nasa parents ni Rage ang kambal.

"Mom, two months pa ang aantayin. Hwag excited ha?" Biro ko na ikinihagikgik nito.

"Oo nga naman, mommy. Hwag kang excited." Napalingon ako kay Hanna na hindi ko namalayang nasa living room na rin pala sya at nakangiti.

Lumapit sya kay Mommy at masuyong hinalikan sa pisngi.

"Kamusta ang Baby Loki namin?!" Hanna cherished my tummy.

"

Ayos naman ako Mommy Hanna."

Natawa si Hanna sa pag-b-baby talk ko.

"Anak, ayaw mo ba talagang magpakasal kay Rage?!" Napasimangot ako sa tanong ni Mommy.

"M-Mom..."

"Hindi mo ba talaga sya mahal?" Natulala ako sa tanong nya.

Hindi ko alam kung mahal ko ba talaga sya o nasanay lang ako sa ideyang minahal ko sya.

"H-Hindi na." Napapikit ako pagkatapos kong sabihin yon.

It feels wrong. I wanted to believe that the feelings I have for him is no other than hatred and pain.

Pero tutol yong kalooban ko.

Just like what I felt when I found out that I was in love with him years ago...

--

"L-Let's meet tonight?" I whispered when Rage answered my call. It took him a minute before he answered.

"I'm busy Harelle." Napapikit ako para pigilan yung sakit na nararamdaman ko dahil sa rejection.

He calls me Harelle when he was cold towards me.

He calls me Hare when he was sweet. Harelline when he was mad or furious.

"O-Okay. Bukas pwede ka?!" I asked him again. Ang sakit sa pride pero handa akong ipagsawalang bahala ang lintek na pride na yan para kay Rage.

"Harelline. I'm out of town. I'm with Zynia."

Gusto kong magwala. Gusto kong awayin si Rage. Gustong kong itanong sakanya kung bakit kasama nya ang babaeng minsan ng binanggit nya habang nakikipag-do sya sakin.

"Who is she, girlfriend mo?" Pinasigla ko yung boses ko para hindi nya mahalatang nagseselos ako.

Bakit nga ba ako nagseselos? Wala naman kaming relasyon ni Rage.

"She's my girlfriend." Mahina ang pagkakabanggit nya pero rinig na rinig ko.

Sana hindi nalang ako nagtanong.

"O-Okay." Agad-agad kong in-end yung call para hindi nya marinig yung paghikbi ko.

Napasalampak ako sa sahig. Mabuti nalang nasa kwarto ako. At mabuti nalang, sound-proof ito kundi maririnig ng mga tao sa bahay na umiiyak ang bunso nila.

Bakit ba ako umiiyak?

Maybe it was the ego. Or maybe the pride.

--

"Hare, I need you. Meet me in my place." Baka mas tamang sabihin na "Hare, I want to have sex with you."

Ganoon naman ang ibig sabihin noon basta tinatawagan nya ako.

Gustong gusto kong magkaroon ng normal conversation sakanya. Yung pag magkasama kami, nag-uusap dapat kami.

Pero, sa tuwing gumagawa ako ng paraan para magkausap kami, nilalayasan nya ako.

O kaya mag-aaway lang kami.

Isa lang naman ang constant communication namin. S.E.X.

"I-I'm b-busy."

Ang hirap para sakin na sabihin yon. This is the first that I rejected his invitation.

Hindi naman talaga ako busy. Ako yata ang nagpauso sa salitang tambay.

"Where are you, Harelline?" Hinding hindi nya ako masisindak sa dumadagundong nyang boses.

H-Hindi. H-Hindi talaga.

"Out of town." Humigop ako ng kape na nanlalamig na. Katulad nalang ng trato sakin ngayon ni Rage. Malamig.

Nasa coffee shop ako kung saan una kaming nag-kausap ni Rage.

"Saan nga?!" Konti nalang, masisindak na ako sa boses nya.

"Nasa Baguio ako. Nilalamig nga ako dito. Brr... K.bye!" Agad agad kong pinindot ang end button.

Ilang minuto lang ang nakalilipas ng marinig kong tumunog ang phone ko.

Message galing kay Rage.

I'll be there in a jiffy. Be ready, Ms. Phillips. ☺

Nakakatakot naman. Kung mahahanap nga nya ako. Tss...

Nag-order ulit ako ng kape dahil ayoko pala ng malamig na kape.

Nag-e-enjoy akong haluin ang kape ko ng may tumayo sa harapan ng table kung saan ako nakapwesto.

"Ang lamig nga dito!" Natulala ako sa nagsalita.

"Rage?!"

Umupo sya sa tapat ko at tinitigan nya ako ng nakakaloko. "Kung pagtataguan mo ako, Harelline. Matuto kang mag-off ng GPS ng phone mo."

Agad kong kinuha ang phone ko para tignan kung naka-on ang GPS ko.

Napatampal ako sa noo ko. Tengene. Neke-en nge.

"H-Hindi kita pinagtataguan noh!" Kahit man lang kahihiyan ko masalba sa lalakeng ito.

"Talaga lang huh? akala ko kasi pinagtataguan mo ako dahil..."

I waited for him to complete his sentence but I think he was doing it for a purpose.

"D-Dahil?" Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isipan ni Rage?

Kalokohan na naman siguro.

"Iniiwasan mo ako dahil na-i-in love ka na sakin." May naglalarong ngisi sa bibig nito.

At sabi ko nga kalokohan--- "W-What!?!"

~*~

A|N: And they lived happily ever after. Wahaha. XD

Akala ko talaga hindi na ako makakapag-isip ng maisusulat e.

The next chapter is continuation of flashbacks.

Yearning For Love(VS#1) Where stories live. Discover now