Chapter 34
-Hare-
"You did your check-up?"
Tumango ako sa tanong ni Rage.
"Bakit hindi mo man lang ako sinama?"
Napabuga ako ng hangin.
Hindi maganda madalas ang mood ko dahil sa pagdadalang tao ko.
Dumadagdag pa ang kakulitan ni Rage dahil hindi ko sya sinamang nagpa-check up para sa baby ko.
"Hindi naman ikaw ang iche-check, bakit kailangan pang kasama ka?" Naiinis kong reklamo sakanya.
"But I'm the father of your baby." Giit nito na ikinainis ko.
Gosh. "Hindi ko naman inaalis na ikaw ang ama. May sinasabi ba kong hindi ikaw?" Na-s-stress ako sa pagmumukha ni Rage.
"But I should've been there."
"Rage!? Naiinis na ko sayo." I honestly feel irritated when he was there.
Kung hindi siguro ako buntis, pagtatakhan ko ang sarili ko.
I always love staring at his face before. Kahit na noong panahon na wala akong ibang maramdaman kundi galit, pilit sumisiksik sa isip ko na yung mukhang yon, ay gugustuhin kong makita araw-araw. Paggising at pagtulog ko.
Pero nagmula ng napagalaman kong buntis ako kay Baby Loki ay sobrang bwisit na bwisit ako sa pagmumukha nya lalo na kapag ngumingiti sya sakin.
Hindi pa namin alam kung anong gender ng baby ko pero malakas ang kutob kong Lalake ito.
Loki kasi nakahiligan kong manood ng anime nagmula ng naglilihi ako.
Favorite ko yung isang character sa Fairy Tail.
Ang weird pero ang gwapo talaga nya. Yung pinapakita kasi doon na mahal na mahal nya si Lucy Heartfilia.
Nakakatuwa na hindi ko naman n-base ang name ni Lucy sa anime character na si Lucy pero connected ang Loki kay Lucy.
Kung kailan tumanda ako, saka ko kinahiligan ang anime.
Gusto ko ng anime, pero ayoko ng cartoons.
H
inaplos ko yung tyan ko para maramdaman ko ang Baby ko.
Pakiramdam ko, kapag nararamdaman ko sya na tumitibok sa tyan ko, napapakalma nya ko kahit na gaano pa ko kagalit sa Tatay nya.
"Gusto ko lang naman maranasan na maging Tatay sa magiging anak ko, Hare. Gusto ko lang bumawi sa pamamagitan ni Baby Loki sa mga bagay na hindi ko nagawa para sa kambal.
"Gusto kong kasama ko kayo sa kahit anong mahahalagang buhay para sa anak ko. Gusto kong maranasan yung gigisingin mo ko ng madaling araw para pabilhin ng mga pagkain na pinaglilihian mo.
"Gusto ko nandoon ako kapag sisipa na sya sa tyan mo. Oo, alam kong corny sa pandinig pero sana naman mapagbigyan mo ko sa kagustuhan kong gawin ang mga bagay na ginagawa ng isang ama."
