[Chapter 44]
-Harelline-
"H-Hare!"
Ngumiti ako kay Rage ng makita ko syang nakaupo sa sala na parang may malalim na iniisip.
"Anong oras na?" Malumanay nitong tanong.
Napakunot noo ako. "Wala ka bang orasan? Sayo na to!" Inilapag ko muna ang dala dala kong grocery pagkatapos ay hinubad ko yung suot kong relo. Gusto ko sanang ibato yun. Hindi ko lang ginawa dahil alam kong nasa bahay lang ang mga anak ko.
"Harelline. I have my own watch. And why are you giving back it to me?" Yeah, he gave that watch.
Ang saya saya ko nga nung matanggap ko yun sakanya. Hindi ko lang pinahalata pero nagustuhan ko.
"Bakit mo tinatanong sakin kung anong oras na kung may relo ka naman? Gaguhan ba 'to?" Hindi ako sumisigaw. Malumanay na malumanay ang pagkakasabi ko. I'm controlling myself not to burst my anger and... ugh!
"Hare, alam mo ba kung anong oras na?" I sighed out of frustration.
"Eleven thirty five po ang oras! Masaya na po ba kayo na nalaman nyo kung anong oras na?" Kung naging langgam lang si Rage baka kanina pa ito patay dahil gustong gusto ko syang tirisin. I-murder!
Hindi ko na sya pinansin. Kinuha ko nalang ang pinamili ko at pumunta sa kusina para ayusin ang mga ito.
Akala ko titigilan na ako ni Rage pero sinundan pa rin nya ako. "Sino yung naghatid sayo? May kotse ka naman di 'ba?!"
"Wala kang pakialam sa kung sino mang maghahatid sakin o kung ano man ang ginagawa ko. Don't intefere my personal life!" Nangangalaiti na ako sa galit pero nanatiling normal ang taas ng boses ko.
Konting push pa, Rage! Mauubusan na ako ng pasensya!
"Paanong hindi ako makikialam, Harelline? Dahil sa pakikipaglandian mo, nakalimutan mo atang may anak ka na--"
Naibato ko sa mukha nya ang hawak kong plastic na punong puno ng iba't ibang klase ng gulay. Hindi ko lang binato hinampas ko pa.
"Wala kang karapatan na husgahan ang pagiging ina ko! Alam nating pareho na kahit kailan hindi ko pinabayaan ang mga anak mo!"
Gustong gusto kong isumbat lahat sa kanya. lahat ng hirap at sakit, lahat ng sakripisyo, pati ang kahihiyan ko hindi lang bilang tao kundi bilang babae. Sino bang matinong babae na nagpaanak ng dalawang beses sa lalakeng pinagpustahan lang pala sya.
Ayokong manumbat kasi blessings sakin sila Leya, Lucy at Loki. Kahit na gago yung tatay nila.
Hindi ko na ininda ang itsura ni Rage. Mas malala ang sitwasyon ko kesa mga bukol nya sa ulo. Pasalamat sya gulay ang hinampas ko sakanya, hindi yung may laman na lata-latang gatas.
"I didn't mean to say that. I'm sorry!"
"Puchang I'm sorry! The damage has been done!"
"H-Hare..."
"Ano?!"
"May problema na naman ba tayo?"
Meron! pero hindi mo problema! Problema ko!
I smirked. "Wala naman. Ang saya saya nga. It's happier in the Philippines. Ikaw may problema ka ba?" Sarcastic kong balik tanong sa kanya.
"Seryoso ako, Hare. May problema ba?"
Pagak akong tumawa. "Ikaw, Seryoso? You've got to be kidding me? The Rage Vergara is serious? Seriously? You're the one who has problem, Mr. Vergara."
He stared at me unbelievably. "Ito ba ang gusto mo Harelline? maging ganito nalang tayo buong buhay natin? We are family already."
"Para sakin, sila Mom, Dad, Hannaline at ang mga anak ko ang pamilya ko."
He looked hurt of what I said. "How 'bout me?"
I smirked. "Sperm donor?"
"W-What? You're acting like we never made love."
Ngumiti ako ng nakakaloko. "We never made love, never! What we had is just plain sex. Kaya nga naging fuck buddy mo ako di 'ba? No love involved!"
He looked awful while he was hearing those words from me.
"Those whispers from you saying you love me isn't love?!"
I smiled bitterly. "I made a mistake. I really didn't love you at all, Rage. Forget it already!"
(To Be Continued...)
~*~
A/N: September na pero hindi ko parin natatapos ito. -_- Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa readers na hindi nagbabasa ng note dahil wala pa naman akong nababasang 'walang isang salita si ate otor/ms otor/writer ng vs'
Sana naiintindihan nyo po na walang signal sa lugar kung saan ako lumaki. Wiw! At busy magpakaloner. Saka baka ma-hospitalize ako this Oct. (Depende sa sched!)