Chapter 47
-Harelline-"Mommy, magkikita daw kami ngayon nila Daddy. Si Mommy Hanna parin ba ang kasama namin mamaya?" Ngumiti ako sa tanong Leya.
Gustong gusto ko mam syang makita pero ang tanong, gusto rin ba nya akong makita?
"Anak, kayo nalang ha? Walang mag-aalaga kay Loki." Ilang beses ko na bang ginawang rason ang walang kamalay malay kong anak?
"Sayang Mommy. Siguro namimiss ka na ni Daddy!" May na-mi-miss bang hindi nagpapakita sakin?
"Next time nalang beh ha?" Walang katapusang next time.
"You always tell that Mom." Napatingin ako kay Lucy na nasa harapan na pala namin.
"
Palagi ba?" Alanganin akong tumawa.
"Mom, hindi mo ba talaga mahal si Dad?" Lucy stared at me like I'm some kind of criminal.
"Anak, ano ba yang sinasabi mo?" Napatingin ako kay Leya na mukhang nagtataka sa usapan namin ng kapatid nya.
"I heard you telling that you don't love him." Nagulat ako sa sinabi nya. Lucy sounded like my age.
At natatakot ako sa magiging epekto nito sakanya.
"Lucy sorry, hindi mo din maiintindihan kapag pinaliwanag ko sayo."
"Mom, maiintindihan ko. You know that..."
"Mom..." Napatingin ako kay Leya na kung sa anime siguro sya baka madaming question marks sa taas ng ulo nya.
"Let's talk about later, Lucy. May pupuntahan pa kayo, 'di ba?" Tumango ito kahit na bakas sa mukha nito ang madaming katanungan.
"Ready na ba kayo kids?" Thanks God. Dumating na si Hanna.
"Yes po!" Leya was the one who answered. Lucy just looked at her.
"Ingat kayo do'n. Hwag nyong pasikitin ang ulo ni Mommy Hanna nyo." Hinalikan ko sila sa noo nila pagkatapos kong nagbilin kay Hanna saka magpaalam.
Saka ko lang pinakawalan ang luha sa mga mata ko ng masiguro kong nakaalis na talaga sila.
Kaya ko pa bang maghintay na kausapin ulit nya ako? Pagod na akong mag-antay.
May planong nabuo sa utak ko.
Napatingin ako kay Loki na himbing ba himbing sa pagkakatulog.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang taong naging malapit din sakin.
"Hello, Hare. Napatawag ka?" Napangiti ako ng marinig ko ang malambing nyang boses.
"Can you do me a favor?" May halong pagmamakaawa sa boses ko.
"Sure, ano ba 'yon?" Mabilis kong sinabi ang gusto ko. Agad naman syang pumayag sa gusto kong ipagawa sakanya.
"Sige. Malakas ka sakin eh! Isama ko na din yung maldita kong kapatid." Narinig ko ang hagikgik nya sa kabilang linya
"Thank you." I need to do this!
~*|~
-Rage-"Hi sa pinakamada naming MommyLa." May pinagmanahan talaga si Leyara. Bolera din.
"Nandito na pala ang sobrang gaganda kong apo." At may pinagmanahan din pala ako.
Napangiti ako ng pinupog ni Mommy ang kambal ko.
