[Chapter 41]
-Rage-"Aaahhhh!!! Mom, ang sakit na!" Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ko ang sigaw ni Harelline sa delivery room.
Gusto kong pumasok doon pero baka mas lalo syang ma-stress kapag nakita nya ang pagmumukha ko. Hindi pa makalabas ng maayos ang baby Loki namin.
Grabe ang hirap pala talagang maging tatay.
Sino kaya ang nakasama ni Harelline ng pinanganak nya sila Leya at Lucy?
Pareho din kaya sa nararamdaman kong kaba ang naramdaman ng taong yon?
"M-Mommy... aaaahhh!!!!" Pakiramdam ko mabibingi ako sa sigaw ni Hare e.
Saka pakiramdam ko, mahihimatay na ako sa kaba.
Nakakabakla ba talaga ang pagiging tatay?
"Kuya. Tumigil ka nga sa kaiikot... nahihilo na ako sayo e." Napatingin ako kay Elise.
Hindi ko namamalayang umiikot na pala ako sa labas ng delivery room.
"Kuya, why is she here?" Malamig na tanong naman sakin ni Monique.
Natampal ko ang noo ko. Pinipigilan kong hwag magsalita.
"I want to see my nephew din kasi, Monique. Kaya I'm here." Nakangiting sagot ni Elise kay Monique.
"Grabe. Diba ikaw naman ang kinakausap ko kuya? Bakit may asungot na sumasagot?" Konting konti nalang. Mahihilo na ako sa nangyayari sa paligid ko.
"Haay! Hwag ka ngang masyadong hot Monique. Nababawasan ganda mo e." Nakangiting pagkakalma ni Elise sakanya."Shut up!" Madiing pagkakasabi ni Monique dito.
"Monique, stop being childish." Saway ni Mommu dito.
Natahimik naman si Monique sa saway ni Mommy.
Mabuti nalang.
Napatingin ako sa lumabas na doctor. Hindi si Hanna ang nagpaanak kay Hare dahil may shift si Hanna.
"Mr. Vergara, congratulations. It's a baby boy." Nakangiti nitong pagbabalita samin.
"I knew it!" Sabay na banggit nila Elise at Monique.
"P-Pwede na ba namin syang makita?" Excited kong tanong.
~*~
-Hare-
"Mommy!" Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Leya. Alam ko namanh excited na excited na syang makita si Loki.
At kahit ganyan si Lucy, alam ko ring excited ito sa pagdating ni Loki.
"H-Hi, babies." nakangiti kong bati sakanila.
Nanghihina pa ako dahil ilang oras din akong nag-labour.
"Mom. Nasaan na si Baby Loki?" Nakalabing tanong ni Leya.
"Nililinisan lang nila si Baby Loki beh. Wait lang kayo ha?"
"Okay!" The twins chorused.Minutes had passed before the nurse came in my private room.
"Baby Loki!" Leya screamed.
Sinaway naman sya ni Lucy. "Hwag kang sumigaw, magugulat sya."
Inayos naman nila ang higaan ko bago binigay sakin si Loki.
"H-Hi, Baby!" Napaluha ako ng makarga ko sya.
Grabe, hindi ko naman first time manganak, pero iba parin ang feeling kapag kapapanganak e.
The feeling is fulfilling.
Rhyming. Wahaha. xD
"Mom, pinapatanong pala ni Daddy kung pwede na syang pumasok dito?" Napatingin ako kay Leya ng sabihin nya yon.
Pinaalis ko si Rage kanina Habang nag-l-labour ako. Ang dahilan?
Na-i-stress ako. Saka ayokong makita nya akong nanganganak for one reason, ampanget-panget ko kaya
Tumango ako bilang sagot. Tinawag naman agad ni Leya para pumasok.
Hindi ko sya tinignan kahit na nasa malapit nya ako.
Nag-focus nalang ako sa paghawak kay Baby Loki.
"H-Hare..."
Kahit ayoko, tumingin ako sa kanya. "Gusto monvmg kargahin?" Mahina kong tanong.
Alanganin naman syang tumango. "Ayos lang ba?"
Ngumiti ako ng tipid. "Yeah." Umupo sya sa tabi ko para kargahin si Loki.
"Baby..." Natulala ako ng makita kong may pumatak na luha sa mata ni Rage.
Now I know how he looked like if he saw the twins new born.
Nakaramdam ako ng guilt. Kung sana hindi ko nilihim sa kanya. Naranasan din ng kambal ang ganito.
Pero wala na akong magagawa dahil tapos na yo saka alam ko namang bawing bawi na ang mag-aama sa mga oras na binibigay ni Rage sa kanya.
"May ibibigay ka bang second name kay Loki?" Tanong nya sakin.
Ngumiti ako saka tumango. "Collricks."
Tumango tango sya. "Loki Collricks Vergara." Sambit nya na parang sinasanay nyang banggitin ang pangalan ni Loki.
"Mom, why Collricks?" Tanong sakin ni Lucy.
"It's my best friend's name."
"May lalake kang best friend?" Nakakunot noong tanong ni Rage sakin.
Ngumiti ako. "Yeah."
"Asan na po yung best friend mo, mommy?" Leya asked me.
I smiled bitterly. "He's gone."
~*~
Wala sa plano yung last part. Lumabas nalang sa isip ko bigla. Nyways, sa gustong magpa-dedic, pahabaan ng comment. haha. O kahit maiksi basta malaman. :D