Chapter 48(Last)
-Harelline-"Nasaan sya?" Tanong ko sakanila pagkatapos kong buksan ang pinto at bumungad sakin ang magkapatid na Elise at Monique.
"Wala man lang bang 'Hi,' Harelline? Excited much?" Napangiti ako ng alanganin sa sinabi ni Elise.
Magkakaedad lang kaming tatlo nila Elise at Monique. Pero minsan, parang bata parin kung umasta si Elise. Ay, madalas pala.
Medyo naiilang pa ako sakanila dahil sa nagawa kong pagseselos sa dalawang kapatid ni Rage.
Alam ko namang may kapatid si Rage na isang babae. Hindi ko alam na may isa pa pala. At hindi rin nya nabanggit noon ang pangalan ni Monique. Mahabang kwento at ang complicated sabihin. At saka its not my story to tell.
"Hi Monique." Mas nakadama ako ng pagkailang sa ginawa kong pagbati sa bunsong babae ng Vergara's first generation.
Ang laki talaga ng pagkakapareho ni Lucy dito. Lalo na sa ugali.
Monique just nodded. Her lips slightly moved maybe to form a smile. Pero it looks like a smirk.
Kapag nasa paligid sya Parang nagyeyelo ang paligid. Mabuti nalang at kahit ayaw ni Monique na kasa-kasama palagi ni Elise ay nag-c-compliment rather na-b-balance ang mga personalities ng dalawa.
"Okay lang ba talaga sainyo na alagaan si Loki? Wala kayong work?" Hindi maalis ang pag-aalangan sa boses ko. Baka kasi nakaabala na ako."'No ka ba, sis. Ayos lang samin. Saka ang cute cute naman ni Loki. Kaya masarap alagaan." Humagikgik pa ito na parang may masamang balak gawin sa anak ko, char.
"Where's Loki?" Ayan na naman. Akala ko nawala na ang yelong bumabalot sa bahay ko. Bumalik na pala ulit dahil sa boses ni Monique.
"Katutulog lang nya. Magigising yon mamayang 12." Alas dies palang ng umaga.
"Nasa dining table na din yung milk nya. Paki-ready nalang huh? Baka medyo matagalan ako." Nakita ko ang makahulugang ngiti ni Elise.
"Okay. You don't need to worry about Loki. Kahit magdamag pa kayong mag-usap ni Kuya. Ayos lang." Pakiramdam ko nag-kulay kamatis ang buong mukha ko sa makahulugang pahayag ni Elise.
"S-Sige na." Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa couch. Pati na yung susi ng kotse ko sa lamesita.
"Good luck!" Napangiti ako ng sabay na nagsalita ang dalawa.
Kaya ko 'to. Basta para sa mga anak ko.
At basta para sa puso ko...
~*~
Ang lakas ng loob kong magbalak kanina pero nabahag ang buntot ko ng makarating ako sa Monica Vergara Mansion.
Nakapunta na ako dito minsan. Pero hindi nagtagal, nahihiya ako sa Mommy ni Rage.
Dahab dahan akong Bumaba sa kotse ko matapos kong i-park ang sasakyan ko sa labas ng mansion.
Ang hirap kumalma. Pinagsisihan ko tuloy na nag-kape ako kanina.
"Kaya mo 'to Hare... matapang ka di'ba?" Hindi ako pasmado pero namamawis ang palad ko sa nerbyos.
Napabalik tuloy ako sa kotse ko at nagdesisyong umuwi nalang, char. Kinuha ko lang ang hanky ko para pamunas ng kamay. Sinadya ko kasing iwanan ang bag ko para hindi hassle.
