Chapter 7 - The CEO

7.2K 278 4
                                    


Eight Years Later


Nakangiting nilapitan ni Glayssa ang kanyang mga magulang na nakaupo sa sala ng kanilang bahay. Her mom is wearing her usual smile that was plastered on her loving face while her dad remain that stoic expression on his already hard face, at kung hindi lang siya anak nito ay baka nakaramdam na siya ng takot at pagkailang, but she knew her dad very well.


" Ano ba naman yan Glayssa, wala ka na ba talagang ibang gagawin kundi ang magshopping ng magshopping? " nakangiwing tanong ni Mr. Francis Montreal sa kanya


Napangiti ng maluwang ang dalaga . " Dad ano ka ba nag eenjoy lang naman ako eh " sagot niya at binalingan ang kanyang ina na nakakaunawang nakatingin lang sa kanilang mag ama


" Oo nga naman honey,  kadarating lang ng anak mo galing America natural lang na naghahanap pa yan ng enjoyment, pampalipas ng oras naninibago pa kasi yan ", sagot naman ni Mrs. Melanie Montreal


" Two weeks ka ng narito sa Pilipinas anak  hindi ka pa ba nagsasawa sa kapapamili mo,  would you take a look at that " sarkastiko ang tinig ng ama ng pasadahan ang kanilang mga katulong na nakapila sa may hagdanan habang bitbit ang kanyang mga pinamili


" Dad eight years akong nawala dito at namiss ko masyado ang fashion sense ng mga Filipino kaya naman nag cacatch up ako "




" Pero kailan ka naman papasok ng opisina anak ? Kailangan na kita doon at saka gusto ko namang matuto ka ng nga pasikot sikot sa Powerlinks para hindi na ako mahihirapan makipag usap sa board na iboto ka as their new CEO "



" But dad andiyan naman si Frank diba.. Kaya niya na yon "


" Busy din si Frank sa Calixta alam mo yan,  tatlong kompanya ang hawak ng kapatid mo hindi ka ba naaawa sa kanya?  Isa pa ikakasal na siya,  kawawa naman ang fiancee niya na si Ula ( pronounced as Yula ) dahil siya lang ang nag aasikaso ng mga detalye sa kasal nila ni Frank. Gusto ko naman na kahit paano ay maranasan ng kapatid mo ang asikasuhin ang kanyang sariling kasal "



Nakonsensya naman siya sa sinabi ng kanyang ama.  Buhat ng dumating siya ay hindi pa niya nabibisita ang kapatid,  kahit si Ula na fiance nito ay hindi pa niya nakikilala, not that she doesn't want to but because she doesn't have a chance.


" So pagbibigyan mo ba ako Glay? I need you to work in Powerlinks "




Sinasabi na nga ba niya eh... Hindi titigilan ng daddy niya ang pag ungkat tungkol sa pagtatrabaho niya sa Powerlinks. Ito ang madalas na inuungot nito sa kanya nasa Amerika pa lang siya.





Naka graduate na siya ng Civil Engineering sa University of California at nakapasa na rin sa board exam.



Talagang pinagsumikapan niyang makapasa dahil ayaw niyang mapahiya sa mga magulang na wala nang ginawa kundi pagbigyan ang lahat ng hiling niya


Nangako siya sa mga ito na pagsusumikapan niyang makatapos ng pag aaral,  basta ba sa ibang bansa siya magpapatuloy ng pag aaral at magpapalit din siya ng kurso sa kabila ng pagtutol ng mga ito dahil ayaw ng parents niya na malayo siya sa piling ng mga ito.

EVRES EVER AFTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon