Glay's POV
" Oh my Gosh malelate na po talaga ako , kung kailan naman nagmamadali ka saka naman naging tila driver ng LRT itong si manong ", naghihimutok na bulong ko sa sarili ko at sinulyapan ang suot kong Gucci watch.
( Gucci watch pero nagcocommute ng jeep, explain ko later ah).
Nilingon ko din ang mga kapwa ko pasahero na katulad ko ay kakikitaan na rin ng pagkainip sa kanilang mga mukha dahil sa sobrang bagal na nga magpatakbo ni kuya ah animo may mga istasyon pa ng LRT ang bawat kalsada dahil panay ang hinto nito.
Eto talaga ang pinakaayaw ko when riding a PUJ eh, liban sa pagiging mabagal o kaya naman pagkakas kasero ng mga driver eh siksikan pa kaya hindi komportable ang mga pasahero.
At kahit pa puno na ipagsisiksikan pa ng mga driver na ito ang mga pasaherong pilit nilang isinasakay.
The need for the money nga naman...
Pity and sighs...
Nadagdagan ang himutok ko ng ang katabi kong lalaki na ipinaglihi yata sa kiti- kiti at parang may bulate sa ano niya ( well alam niyo na yun ) ay kinikiskis ang katawan niya sa akin.
Eeew juice colored ano ba naman yan mapapaaway pa yata ako ah , inis na bulong ko
" Excuse me kuya ", medyo mahinahon pang tawag ko sa lalaking kiti- kiti. Actually nangangati na ang kamay ko na hampasin ito dahil sa galawang breezy nito, nagtitimpi lang ako.
Lumingon naman sa akin ang kiti- kiti, with matching flashing smile
nyak, ano ba namang kamalasan meron ang araw na ito, himutok ng aking kalooban.
"Yes miss?", ngiting nakakaloko ang kiti- kiti , feeling yata eh natutuwa ako sa ginagawa niya. Hampasin ko na kaya ng tuluyan ng magising sa panaginip niya na ako ang bida hehehe.
" Ehem, eh mister ", sabi ko na nakaplaster ang ngiti sa aking magandang mukha ( fake yun friends
itsura nito), " matanong ko lang po ano... kulang pa po ba ang space ninyo sa upuan niyo at kailangan mo pang manggitgit ng ibang pasahero "." Hindi kita maintindihan miss byutipul" , sagot naman nito sa akin. Aba't kapal ng peslak nito ah . " Sa tingin ko naman ay ayos ang pagkakaupo ko" , dagdag pa nito at inulit pa ang pagkiskis ng katawan niya sa katawan ko.
Heavens patience please
"Ah eh kuya kung napapansin niyo po eh nagigitgit niyo na ako",
"Sus miss , ganoon talaga nasa pampublikong sasakyan ka eh kaya siksikan, kung ayaw mong magitgit eh di bumili ka ng sasakyan mo", banat pa nito na ikinatawa pa ng ibang pasahero.
" Ano naman po ang nakakatawa?", baling ko sa ibang sakay, medyo bitchy na ako that time, nakakaasar na kasi eh, isabay pa na kinakabahan na talaga ako dahil kaunting oras na lang at late na ako sa accounting class ko.
Buti sana kung hindi terror ang professor namin, especially ngayon na deadline ng pasahan namin ng columnar na may breakdown ng cash disbursement at cash receipt plus other things na kasama sa pagrerecord .
" Nakakatawa na po ba ngayon ang gitgitin at tsansingan ng katabi mong manyak", paismid na tanong ko
"Kung natutuwa kayo sa ganoon then we should exchange places at kayo na ang tumabi dito sa maniac na ito, bibigyan ko pa kayo ng five thousand pesos kapag hindi kayo pumalag sa gagawin ng bastos na ito".
Stress na nga ako dagdag pa ang mga taong mahilig lang talagang maki epal.
I just notice those people talking at each other at tinapunan ng masamang tingin ang kiti- kiting katabi ko
"O ano pang hinihintay mo, umusog ka nga", pagtataboy ko sa lalaking manyak. Tinamaan yata ng hiya dahil wala na akong narinig mula sa kanya at patay malisya na lang itong umusog palayo sa akin.
I sighed ,nawawala na talaga ang poise ko. Oh my G wala na ba talagang mangyayaring maganda sa araw na ito?
I took a glance at my wristwatch, twenty minutes before seven, medyo nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na ang arko ng gate ng Calixta University.... haisst salamat naman.
Oh before I forgot papakilala na muna ako sa inyo.
Glayssa Montreal , eighteen years of existence in this wonderful world . Sabi ng mga friend ko I'm pretty daw oh OK well I second the motion hahahaha ...
Aside from that mabait daw ako , but often times bitchy at wala akong pakialam soon , para sa akin what you see is what you get no need to pretend. Second child of my parents who happens to be one of the shareholders of this beloved university. And I have an older brother who by the way is the reason for all my sufferings today.
Flashback
" Mom where's my car ? " tanong ko kay Mrs . Melanie Montreal , oh well she's my mother . Nakailang ikot na kasi ako sa aming garahe pero hanggang sa mga oras na ito at kahit na nakailang kurap at kurot na ako sa sarili ko at talagang Hindi ko makita ang sasakyan ko sa usual spot nito sa garahe . "If I remember it right I parked it perfectly on my place ", nakakunot na ang along magandang noo . Well that's true nababadtrip na ako eh .
" You're brother used it , told me you already gave him the go signal kaya hindi ko na hinarang " , sagot nito na para namang walang pakialam . Well thats her .
" Whaaat ? B-but what happened to his car ? At bakit yung sasakyan ko pa ang ginamit niya . How would I be able to go to school now ? ", malakas na sigaw ko and as usual hindi naman natinag ang aking mahal na ina . Buwiset talaga yung kuya kong iyon .
" Oh I'm sorry baby , ang buong akala ko talaga ay ipinagpaalam ni Frank sa iyo ang pag gamit sa kotse mo " ,
" That good for nothing idiot , makikita niya talaga mamaya ," pagbabanta ko , kahit na alam ko na suwerte na lang kapag nagkita kami sa bahay ng magaling kong kapatid or kahit sa school pa yan .. malamang na gagawa ito ng paraan para hindi magbangga ang landas nila, sa kahit na saang lugar na parehas nilang pinupuntahan .
" Its okay hija , just use my car ," narinig kong sinabi sa akin ng mommy ko
" No mom its okay , I'm okay . Mag cocommute na lang ako again " , sagot ko kahit na naghihimutok ako . Knowing my mother , may hidden agenda ang pag aalok nito sa Montero nito , pero malas niya I already learned my lesson hahaha
End of flashback
BINABASA MO ANG
EVRES EVER AFTER
Короткий рассказEver After Series Book 1 Teaser He is my life. He is my light..... He brought sunshine in my stormy life. He is my happiness...